xix . Dream of me

21.8K 395 1
                                    

"Are you sure you don't want me to take you to the hotel?" umiling ako at napatingin sa magkahawak naming kamay. Nasa harapan kami ng bar ngayon.

Hindi ko alam kung saan ako nakakahugot ng lakas ng loob na hawakan ang kamay niya dahil pakiramdam ko ay napakalayo niya pa rin sa akin.

"Kailangan ko silang hanapin. Lalo na at puro babae kami." tumango siya pero ayaw niyang bitawan ang kamay ko. 

Sinubukan kong kunin ang kamay ko pero ang lakas niya at ayaw niya akong bitawan. Ngumisi siya sa akin.

"Sige na, kaya ko naman. Hindi naman ako iinom. They need me, hindi sila makakauwi kung wala ako." napabuntong hininga siya at yinakap ako. 

Napangiti naman ako at yinakap siya pabalik.

Hindi ko alam kung anong meron sa amin pero ayokong magtanong, hindi naman maganda kung sa akin manggaling 'yon diba?

"Text me later kung nakabalik na kayo. I have eyes around here so don't do something that will make me angry." tinaasan ko siya ng kilay at ngumiti. 

This guy really knows how to take my breath away.

Napatingin ako sa pintuan at kitang kita ko ang dami ng tao na sumasayaw. Kailangan ko pa silang hanapin.

"Go. You have business to manage. I'll text you" bumitaw ako sakanya at tinalikuran na siya. 

Pumasok ako sa pintuan at sinimulan ko na ang paghahanap.

Pumunta ako sa lamesa namin kanina at nakita ko si Caly na nakaupo doon at mukhang lasing na. Pinuntahan ko siya at tinapik tapik.

"Caly! Caly! Wake up! Babalik na tayo! Hey!" yinugyug ko na siya para magising at sumisigaw na ako dahil sa lakas ng music. 

Medyo dumilat na siya at hinila ako. Humagikgik pa siya at parang pipikit pikit pa ang mata.

"Hey! Sister! Where have you been? Did you enjoy?" 

Hagikgik siya ng hagikgik. Tinayo ko siya at linagay sa balikat ko ang kamay niya. Lasing na siya..

Kinuha ko ang cellphone ko at wala pala akong number ng mga kasama naming lalaki. Kailangan ko palang kunin ang number nila in case of emergency.

"Caly! Alam mo ba nasan sila?" bulong ko pero parang wala siyang naririnig.

Naglakad ako papunta sa dance floor at nakita ko si Ate Rean na sumasayaw kasama si Bea. Kahit hirap na hirap ay pinuntahan ko sila at hinila si Ate Rean na pagewang gewang na rin maglakad. Sumunod si Bea at napapapikit na rin.

"Umayos na kayo. Babalik na tayo" sabi ko pero natatawa lang si Ate Rean. 

Alcohol! Halos mapasabunot ako sa buhok ko at inilagay ko ang isang kamay ni Ate Rean sa balikat ko.

"Can you walk?!" pasigaw kong tanong dahil hindi ko na rin marinig ang sarili ko sa lakas ng music.

"No" patawa niyang sabi. Tinignan ko si Bea na medyo napapasayaw pa rin sa music.

"Bea! Let's go!"

Tumango lang siya at sumunod sa akin. Nung nakalabas na kami at tingin ako ng tingin sakanya dahil baka bigla nalang siyang matumba. Hinang hina na ako sa bigat ng dalawa kong dala. Si Caly ay nakapikit na kaya hirap na hirap akong dalhin siya. Si Ate Rean ay medyo pagewang gewang ang lakad.

Lagot kami sa mga kuya niyan.

Nang makarating sa hotel ay nakita kong nakupo sa lobby sila Kuya.

"Kuya!" pasigaw kong tawag. Lahat sila ay napatayo nung makita ko. 

Nakatulala silang nakatingin samin. Kumunot ang noo ko. Wala ba silang balak na tulungan ako?

"Baka gusto niyo akong tulungan?" tanong ko at nagmadali naman silang pinuntahan ako. Kinuha nila sa akin si Caly at Ate Rean.

"Bea! We will talk tomorrow morning!" pagalit na sabi ni Kuya Chand pero parang walang naririnig si Bea. Binuhat niya si Bea. Ganoon din ang ginawa ni Zicko kay Caly at si Kuya Third kay Ate Rean.

"Ikaw? You didn't drink?" tanong ni Kuya Third sakin kaya umiling ako.

"I know they'll need me" sabi ko kahit hindi naman yun ang nangyari. Kung hindi ako hinila ni Francis, malamang ay ganyan din ang bagsak ko.

"Very Good. Thanks Cams" ngumiti lang ako sa sinabi ni Kuya Third at tumungo na kami sa kwarto naming girls. 

Pinagbuksan ko sila ng pintuan at nakita ko si Alina at Travis na magkatbi sa kama. Mukhang nagising sila dahil sa amin.

"Oh my gosh" napatayo siya at tinulungan niya kami na maibaba sila sa kanya kanyang kama namin.

"Mag ayos ka na. Napagod ka din" sabi ni Kuya Chand sa akin. Tumango ako pero tinulungan ko muna si Alina na ayusin sa pagkakahiga sila Ate Rean. Kinumutan namin sila at kumuha ako ng damit.

"Sige. Kayo na ang bahala dito ah. Maguusap pa tayo bukas. Thanks Cams" tumango lang ako sa sinabi ni Kuya Third at tumuloy sa banyo.


Nag ayos ang ng sarili ko at lumabas na din sa banyo.

"Ano bang nangyari?" tanong ni Alina sa akin. 

Kinwento ko sakanya lahat.

"So Francis is the reason why you didn't drink"

Tumango ako sa sinabi niya at tumabi sakanya sa kama.

"Pero hindi nila pwedeng malaman na nagkausap kami" sabi ko sakanya. 

Totoo naman yun. Hindi nila pwedeng malaman. Sa ngayon..

"I know. Magagalit sila. Pagpasensyahan mo na ah. Ganoon lang talaga sila ka-overprotective. Lalo na si Kuya Third" ngumiti lang ako at humiga na. Napapikit ako at naalala ko na itext pala siya.

'Hey! Nakabalik na kami.'

Kada minuto yata ay tinitignan ko ang cellphone ko kung may magrereply. Tinext ko din si Nanay na baka sa monday na ako makapunta dahil two days pa daw kami dito. Sira nanaman ang schedule ko pero ayos lang. Masaya naman akong kasama sila.

 Minsan ay naiisip kong wala na atang saysay ang schedule ko..  

'Good. Don't stay up too late'

Napangiti ako sa reply niya. Napatingin ako sa gilid ko at nakita kong nakapikit na si Alina.

'Yes. Matutulog na nga ako. Ikaw din. Goodnight'

Halos hindi ko mapindot ang reply button. Napangiti ako habang hinihintay ang reply niya. Ngayon ko lang naramdaman to. Yung kinikilig habang hinihintay ang text ng isang tao. Parang gusto kong sumigaw pero hindi ba para akong baliw? 

Dahil lang sa text niya ay nagkakaganito na ako?

'Goodnight. May you dream of me.'

Natigilan ako sa text niya. Kung alam lang niya.. kung alam lang niya na baka ikabaliw ko kung pati sa panaginip ay siya ang laman.

Linagay ko na sa gilid ang cellphone ko at pumikit na.

ReverseWhere stories live. Discover now