xi . Kiss in the rain

25.7K 491 5
                                    

Nagising ako at napatingin sa kisame. Tulog pa si Caly sa tabi ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si nanay ng Goodmorning at miss ko na siya. Pupunta nalang ako sa sabado sa bahay.

Tumayo ako at pumunta sa kwarto ko. Naligo ako at nag ayos. Bumaba ako ng hagdan at nakita si mommy at Caly don.

"Aalis ka ba ngayon Camille?" umupo ako sa hapagkainan habang pinapanuod si mommy na mag serve ng pagkain. 

Tutulungan ko sana siya pero umiling siya.

"Ako na.. responsibilidad ko to. I am your mother" napatingin naman siya kay Caly dahil may katext ata ito.

"Caly.. put down your phone baby.. Eat first" tumango si Caly at binaba ang phone niya.

"Hindi po mommy.. naka leave po ako sa work para tapusin ang libro ko. Baka mag libot lang po ako sa village para mag hanap ng tamang lugar." tumango si mommy. Kailangan ko ng matapos ang libro ko. 

Excited na ako na maipublish iyon.

"You don't need a car? Can you drive a car? Papagamit ko sayo ang isang car natin" umiling ako at inabutan ako ni Caly ng hotdogs. 

Napangiti ako.. ang caring nila.

"Hindi na po. Marunong po ako pero maglalakad nalang po ako. Diyan lang po ako sa village naman" tumango si mommy at sumubo na rin.

"I know! May park dito.. walang masyadong tao don pero maganda ang view. Gusto mo drop kita don bago ako mag work?" excited na tanong niya. 

Natawa pa ako nung may kanin sa buhok niya kaya tinanggal ko ito.

"Okay. Thank you" nahihiyang wika ko.

Tumango siya at kumain na kami.


Na amaze ako dahil napaka smooth mag drive ni Caly. Meron pala kaming limang sasakyan. Marunong din naman akong mag drive dahil tinuruan ako ng kaibigan ko dati nung highschool ako pero hindi kasing galing ni Caly. Hindi ko rin naman nagagamit ang mga natutunan ko.

Tumigil kami sa isang park at tama si Caly. Maganda nga dito. Wala pang tao kaya mas makakapag isip ako ng maayos.

"Gusto mo sunduin kita dito mamaya?" umiling ako sa tanong niya. 

Bumaba na ako pero hindi ko pa sinasara ang pintuan.

"Maglalakad nalang ako pabalik. Thank you ulit. Ingat ka ah?"

Tumango siya at sinara ko ang pintuan. Pinaharurot na niya ang sasakyan. Naglakad lakad ako at naghanap ng magandang pwesto.

Umupo ako sa damuhan at tinignan ang langit. Kinuha ko ang notebook ko at nagsimulang mag sulat. Dumaan ang mga oras at nakatatlong chapter na ako. Sobra akong naiinspire.. napaka sariwa ng hangin at ang ganda ng tanawin.

Napatingin ulit ako sa kalangitan. Dumidilim ito kaya napatayo ako at pinasok ang notebook sa bag na dala ko. Tumakbo ako paalis pero may tumigil na sasakyan sa harap ko. Nagulat ako dahil kasabay ng pagbukas ng sasakyan ay ang pag bagsak ng ulan. Buti nalang ay water proof ang bag ko.

"Francis" halos mawalan ako ng hininga nung makita ko siya. 

Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito? Dito ba siya nakatira?

Kumunot ang noo ko at litong lito ko siyang tinignan.

Ngumiti lang siya at lumapit sa akin. Hinila niya ako papasok ng sasakyan pero hinawi ko ang kamay ko. Nagsimula akong maglakad paalis. Parehas kaming basang basa na pero wala akong pakielam. Hindi niya ba maintindihan na umiiwas ako?!

ReverseWhere stories live. Discover now