xxii . Happy

20.9K 393 13
                                    

Maaga akong gumising ngayon dahil nga pupuntahan ko si Francis.

"Hi mom" bati ko kay mommy na mukhang kalalabas lang din sa kwarto. 

Mukhang nagulat siya kung bakit ang aga ko.

"Bakit ang aga mo ata? Its just 5am in the morning. Iinom lang ako pagkatapos ay hihiga ulit pero ikaw mukhang aalis ka." ngumiti ako.

Paano ko ba sasabihin? Sasabihin ko ba? Ayokong magsinungaling pero hindi pa ito ang tamang oras. Urg!

"Mom, may sakit kasi yung kaibigan ko. Siya lang magisa sa bahay so tutulungan ko lang siya." napapikit ako. 

Ayoko ng ganito pero hindi naman pag sisinungaling to diba? Hindi ko lang sinabi kung sino.

"Napakabait mo naman sa kaibigan mo. Imbitahan mo nga sa birthday mo sa Friday para makilala namin at ngapala.. gamitin mo nalang yung kotse ko." pumasok ulit si mommy sa kwarto. 

Natulala naman ako. Iimibitahan ko siya? Anong gagawin ko? Sigurado naman akong imibitado na siya dahil kasama siya sa trabaho ni daddy.

"Here is the key.." binigay ni mommy sa akin at hinatid niya ako sa pintuan.

"Drive safely" tumango ako at pumasok na sa kotse. 

Gamit ang remote control ng gate ay binuksan niya ito.

Okay Camille.. remember yung mga tinuro sayo sa driving.

I tried my best para malabas ang kotse at saka binaba ang bintana. Kumaway ako at pinaandar na ang kotse. Pumunta muna ako sa grocery na 24/7 nakabukas at bumili ng necessities na kailangan ko lalo na at mukhang walang kalaman laman ang fridge niya kundi alak.

Mabilis din naman akong nakarating sa condo niya. Nung marating ko yung floor niya natigilan ako dahil nasa labas siya ng pintuan ng condo niya. May kausap na babae.. ito yung babae sa grocery.

Hindi ko alam kung lalapit ba ako o hindi.

"You look so sick. Let me take care of you" nanigas ako nung hinaplos siya sa mukha nung babae. 

Bakit pa ba ako nandito? Hindi naman ako kailangan dito pero kahit anong gawin ko ayaw gumalaw ng katawan ko. Sadista ba ang katawan ko at gusto munang masaktan ako?

"I'm fine.. Don't worry about me. Just go home." umiwas ako ng tingin nung hawakan niya yung kamay nung babae. 

It sucks. 

It hurts.

"Fine but call me if you need me. Your mom is worried about you" bumalik ang tingin ko sakanila at nakita kong nakatingin siya sakin. 

Mukhang nagulat siya. Tumalikod ako dahil padaan sa dereksyon ko yung babae. Buti nalang ay nalampasan niya ako.

Sumakay siya sa elevator at bumaba na habang ako hindi ko alam kung anong gagawin ko. Mag lalakad na sana ako paalis pero may humawak sa kamay ko.

"Camille" napapaos niyang tawag sa pangalan ko. Nilingon ko siya at isang matalim na tingin ang pinukaw ko sakanya.

"Mukhang ayos ka na. Mukhang hindi mo na ako kailangan. May mag aalaga naman sayo" 

Damn. I sound so bitter. Jealousy is spitting all over me.

Hinila niya ako papasok sa condo niya. Hindi ko na linabanan lalo na at mainit parin siya. Sinara niya yung pintuan at hinarap ako.

"I just told her that so she'll leave" tinaasan ko siya ng kilay.

"Please take care of me" napaawang ang labi ko sa sinabi niya. 

Umiwas ako ng tingin at tumalikod. Pumunta ako sa kusina at linapag ang mga grinocery ko. Napapikit ako. 

Anong katangahan ba tong ginagawa ko?

Naramdaman kong may pumulupot na kamay sa bewang ko. Yinakap niya ako mula sa likod.

"I am so sorry but she is nothing I promise" hindi nalang ako sumagot. 

Hinawakan ko ang kamay niya at inalis iyon. Hinarap ko siya. Pinunasan ko ang pawis sa noo niya. Mukhang pinagpapawisan na siya. Mabuti naman iyon.

"Pumasok ka na sa kwarto, magpalit ka ng damit. Pinagpapawisan ka na. Magluluto lang ako" sabi ko atsaka ngumiti. 

Ngumisi naman ito atsaka pumasok sa kwarto.

Nagsimula na akong magluto. Pinagluto ko siya ng lugaw, eggs at bacon. Hindi ko kasi alam kung anong gusto niya. Pinuntahan ko siya sa kwarto at nakita kong nakahiga siya at nakapikit. Linapitan ko siya at medyo yumuko ako. Pinagmasdan ko ang mukha niya.. hindi naman makakaila na gwapo talaga siya. Napangiti naman ako dahil nakakunot ang noo niya. Hinawakan ko iyon at hinawi ang pagkaka kunot.

Nagulat ako nung dumilat siya at ngumisi. Bigla akong umayos ng tayo.

"A-h .. eh. Kakain na. Tumayo ka na. Kailangan mong kumain" sabi ko habang umiiwas ng tingin.

"If you want to look at me, you can just tell me and I'll be glad to show my face to you in a much closer angle" tiningnan ko siya at nakita ko siyang ngumisi. 

Umupo na siya at saka ko siya inirapan. Lalakad na sana ako palayo pero hinila niya ako kaya napaupo ako sa lap niya at napasandal ako sa katawan niya.

"Ano ba" pinilit kong tumayo pero sobrang lakas niya. 

Wala na atang sakit to, kung hindi lang dahil sa mainit siya at namumutla ay iisipin kong magaling na siya.

"Shh" sabi lang niya kaya medyo hinayaan ko nalang. I know it's wrong but it just felt so damn right. Hinilig ko ang ulo ko sakanya at pumikit.

"I'm happy you're here, taking care of me" sabi niya at hinilig niya ang ulo niya sa ulo ko. 

Napangiti naman ako at naramdaman ko ang pag init ng puso ko.

"Sus meron namang handang mag alaga sayo eh." urg! I hate this! Naalala ko nanaman yung babae kanina.

"No.. gusto ko ikaw. Ikaw lang. Hindi ako gagaling pag iba." napapikit ako sa sinabi niya. 

Para siyang bata na nagpapaliwanag. Tumango naman ako.

"Okay" sabi ko tapos ay tumayo. Hinila ko siya papunta sa kusina at pinaupo sa dining.

"Eat" sabi ko at sinunod naman niya ako. 

Nagsimula na rin akong kumain. Nakita kong ang bilis niyang kumain. Parang limang araw na hindi kumain ang isang to.

"Naku. Ang dumi kumain" sabi ko tapos ay pinunasan ang dumi sa gilid ng bibig niya. 

Ngumiti naman siya sa akin.

"Ngiti ngiti mo diyan" sabi ko sabay kunot ng noo.

"I just really like it.. you're taking care of me" pinigilan ko ang mapangiti at tinaasan siya ng kilay.

"Sus. May sakit ka lang kaya ka ganyan" sabi ko habang pinipigilan ang mapangiti. 

This guy is really something!

"No.. I really do. Kung sanang araw araw na nga lang akong may sakit then you'll always be taking care of me" 

Wala na! hindi ko na napigilan mapangiti!

"Buti alam mo.. atleast alam mo na hindi mo ako dapat saktan kasi walang mag aalaga sayo na katulad ko" nakangisi kong sabi. 

Hah! dapat alam niya ang halaga ko no.

"Yes I know.. I'll never hurt you" tumango tango naman ako at sumubo ulit pero natigilan ako sa susunod niyang sinabi.

"Because hurting you will be the death of me" napatingin ako sakanya at nakita kong nakangiti siya sa akin and once again.. I fell.

ReverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon