xx . Missing you

22.8K 401 1
                                    

Pagkagising ko ay nakita ko si Alina na kalalabas lang ng banyo. Napatingin ako sa tatlong lasing at tulog na tulog pa rin sila. Tumayo ako at kumuha ng damit at twalya.

"Gising ka na pala. Goodmorning" ngumiti ako sa bati niya. 

Naisip ko kagabi na.. masyadong maraming oras ang nasayang samin ng totoo kong pamilya. Hindi ko naman sinisisi sila nanay pero alam kong kailangan kong gumawa ng paraan para mapalapit sakanila.

"Yup. Goodmorning. Mag aayos lang ako" tumango siya kaya nagpatuloy ako sa banyo.

Naligo ako at nag ayos na din. Pagkalabas ko ay narinig kong may kausap si Alina sa cellphone niya.

"Ma, kayo na munang bahala diyan ah. Yes, yes, Opo.. nag eenjoy naman po ako. Hindi ko lang mapigilan mag alala." napangiti ako. Malamang ay tungkol ito sa mga anak niya.

Napatingin siya sa akin at ngumiti.

"Ma, I need to go. Mag papa reserve pa kami for breakfast. Yes si Camille po, you'll meet her soon. Bye Love you" sinara niya na ang call at kinuha ang bag niya.

"Tara, pareserve na tayo for breakfast" tumango ako at kinuha din ang body bag ko. 

Sinabit niya ang kamay niya sa braso ko at lumabas na kami.

"Ilang taon na yung mga anak mo?" nagkaroon ako ng feeling na dapat ko silang makilala. 

Sabagay, pamangkin ko ang mga yon.

"Ah! My twins? 4 years old" nagulat ako. Hindi ko akalain na kambal. Natawa naman siya sa reaksyon ko.

"Wow. Twins. Gusto ko na sila makilala" excited na sabi ko. Mahilig talaga ako sa mga bata. Lalo na at pamangkin ko ang mga yon.

"Yup. Invited naman kami sa birthday mo. They'll be there." tumango ako at nagpatuloy na kami sa restaurant. 

Nagulat ako nung makita kong nandun si Francis na may mga ka meeting.

Naramdaman ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko. It's early in the morning.. pero siya agad ang bumungad sa akin.

"Ikaw ng bahala mag order ah. Ako ng kakausap about sa reservation natin" tumango ako sa sinabi ni Alina. Nakita ko namang lumapit si Francis sa amin.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Nandito si Alina. Papansinin ko ba siya?

Tumingin si Alina sa akin pagkatapos ay kay Francis at nagbuntong hininga.

"Fine. Mag usap kayo but five minutes lang ah. Pasalamat ka Francis at ganyan din si Travis dati kaya naiintindihan kita" may halong pagkainis sa boses ni Alina nung sinabi niya yon pero walang emosyon ang mukha niya. 

Bumaling siya sa akin at lumambot ang ekspresyon niya.

"Tss! Pag sa ibang tao ang sama ng mukha mo. Pag kay Camille ay kulang nalang ay lumuhod ka. Bahala ka nga diyan." 

Umirap siya kay Francis at bumaling sa akin. Ngumiti si Alina at tinapik ako sa balikat ko.

"Yung orders ah" tumango ako at umalis na siya. 

Pumunta ako sa front desk at mukhang alam na nung babae ang kailangan ko dahil binigyan niya ang papel.

"Mam. Sulat niyo nalang po lahat ng gusto niyo diyan. Kahit wala sa menu ay gagawin namin dahil yun po ang bilin ni Sir Brian samin." tumango nalang ako nagsimula ng magsulat. 

Naramdaman ko naman si Francis sa tabi ko.

Paano ako makakapag isip kung nandito siya?

"Hanggang kailan kayo dito?" tanong niya.

ReverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon