x . Home

25.2K 474 1
                                    

"Dito nalang po ako" 

Tinigil nila ang kotse nang nasa tapat na kami ng bahay.

"Hindi na kami makakababa Camille.. kailangan na rin kasi mag pahinga.." tumango ako sa sinabi ni mommy at hinalikan sila sa pisngi. Yinakap at hinalikan ko rin si Caly.

"See you soon!" masayang paalam sa akin ni Caly at bumaba na ako ng kotse. 

Pumikit ako at huminga ng malalim. Pumasok na ako at nakita ko si nanay at ate na nasa sala.

"Hi nay!"bumati ako ng masaya pero napawi iyon nang makita ko ang mga bagahe ko na nasa sala.

"Nay.. nag linis ka ng kwarto ko? Bakit niyo naman linabas ang gamit ko?"

Lumapit ako at kinuha ang mga bagahe ko. Papasok sana ako sa kwarto pero natigilan ako sa sinabi ni nanay.

"Anak.. kailangan mong puntahan ang pamilya mo.. kailangan mo silang balikan." liningon ko siya at nakita kong nakayakap siya kay ate. 

Nangilid ang mga luha ko at mabilis rin itong nagsipatakan. Hindi ko akalain na pwede pala 'yon.. ganon kabilis. Naninikip ng sobra ang dibdib ko dahil parang rinig na rinig ko pa rin ang sinabi sa akin.

Marahas kong pinunasan ang mga luha ko.

"Pinamimigay niyo na ako? Dahil hindi ako tunay na anak?! Ganoon nalang yon?! Ano ako? Candy na pinamimigay?!" 

I am so frustrated right now! Nakakainis! Tao ako! Hindi ako bagay na ipinamimigay.

Naiintindihan ko na kailangan kong makasama ang tunay kong pamilya pero bakit ganito kadali para sakanila? Hindi ba pwedeng hinay hinay lang para naman hindi ako gaanong mabigla? Bakit parang gusto nila ay isang pitikan nalang lahat?

Lumapit sa akin si nanay at hinawakan ako sa mukha. Umiling siya at lalo akong naluha dahil nakikita kong nasasaktan siya.

"Anak.. hindi ka naman namin pinamimigay pero kailangan mong bigyan ng tsansa ang pamilya mo. Seventeen years ka namin nakasama pero sila ang tunay mong pamilya. Masakit para sa ina na mawalay sa anak at naiintindihan ko sila doon. Pwede ka naman dumalaw dito. Ang gusto ko lang ay bigyan mo sila ng tsansa." umiwas ako ng tingin. 

Ang bilis bilis.. hindi naman ganito ka bilis dapat to eh. Pumikit ako.. hindi ako makapag isip ng maayos.

"Sige po.. pero nay pwede pa rin ako dito ah" yun nalang ang nasabi ko at kinuha ang mga bagahe ko. Lumabas ako at tinignan ang calling card na ibinigay sa akin.

Tinawagan ko yun at wala pang isang oras ay sinundo na nila ako.

"OMG! I am so excited na makita mo yung room mo!" napangiti naman ako sa sinabi ni Caly. 

Siguro.. tama si nanay, dapat ay bigyan ko sila ng tsansa. Seventeen years ang pinagkait samin ng tadhana. Napabuntong hininga ako. Hindi madali 'to, nararamdaman kong hindi pa komportable ang puso ko pero hindi rin ako nakakaramdam ng sobrang paghihirap. Marahil ay dahil, nararadaman ko ang pagtawag ng puso ko sakanila.

Ikinwento ko sakanila yung nangyari sa bahay at nagpapasalamat sila kay nanay dahil naiintindihan daw sila nito.

Ako naman ay hindi ko alam ang mararamdaman ko. Sumunod ako kay nanay dahil kuha ko ang gusto niyang sabihin at wala naman akong magagawa. Pamamahay nila 'yon. Hindi ko pwedeng ipilit ang sarili ko doon. 


Nakarating na kami sa bahay nila.. namin? Kailan kaya ako masasanay..

Grabe ang laki nito. Bumaba na kami sa kotse at pumasok sa loob. Nakanganga lang ako sa nakikita ko.

ReverseWhere stories live. Discover now