xxv . Safety

22K 417 4
                                    

Nagising ako ng maaga. Tulog pa nga si Bea at Caly. Lumabas ako, medyo maingay pa nga. Habang pababa ay nakita kong may higit sampung lalaki ang naka black na suit. Napatingin ako sa sala at nakita ko na linalagay sa stretcher si Ate Rean, nasa tabi niya si Kuya Third.

"Block all the reporters. Bayaran ang mga agencies na maglalabas ng incident tungkol sa amin." Narinig kong sabi ni Tito Luke sa kausap niya sa telepono.

Napatingin naman ako kay dad at Tito Charles na kinakausap ang mga lalaki.

"Kinausap ko na ang mga pulis tungkol sa nangyari pero hindi tayo pwede umasa sakanila.. it's good that the security team is here" sabi ni tito Nico at tumabi kay dad.

Nilingon ako ni daddy at kita ko ang pagod sa mga mata niya.

"Camille.. mamaya pag gagawin mo na ang mga dapat mong gawin.. You will be taking four bodyguards with you" napaawang ang labi ko pero tumango na din ako.

Ayaw ko ng mag alala sila at kung ang pagkakaroon ng bodyguards ang magpapanatag sa loob nila, so be it.

Lumapit si daddy sa akin at yinakap ako.

"I can't afford to lose you again. I can't" ani daddy at tumango ako.

"I won't dad"

Ngumiti siya at bumaling na sa mga bodyguards.

"Camille.. Can you wake up the others?" Pakiusap ni Tita Tin.

Tumango ako at umakyat ulit.

Kumatok ako sa kwarto ko at binuksan yun ng isang batang bata. Kinukusot pa ang mata.

"Hey.. Are you Josephine?" Nakangiti kong tanong.

Lumebel naman ako sakanya dahil nahihirapan siyang tignan ako.

"Yes.. are you our new pretty tita? Tita Camille?" Tanong niya kaya lalo akong napangiti.

Tumango naman ako bilang sagot. Kamukhang kamukha niya si Travis.

"Yes I am.. By the way, can you please wake up your mom, dad and brother? Breakfast is ready" sabi ko at ngumiti naman siya.

Ang sarap pisilin ng batang to. Ang ganda ganda.

Umiling ang bata. "But Kuya Jojo will get angry if I wake him up" nakanguso niyang sabi.

"No he won't.. Sabihin mo masarap ang breakfast tapos sigurado na hindi na yun magagalit" nakangiti kong wika.


Ngumiti din naman siya. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Okay.. I'm gonna wake them up" tumango ako at sinara na ang pinto.

Pumasok naman ako sa kwarto ni Caly at nadatnan ko silang natutulog pa doon. Ginising ko na sila at lumabas din naman sila agad. Ginising ko din si Kuya Chand at Zicko.

Pagbaba ko ay nasa baba na rin sila Alina.

"Nasan si Ate Rean?" Tanong ni Bea sakin.

"Nasa hospital na, kasama si Kuya Third." Sagot ko at tumango sila.

Umupo kami sa dining at kumain na. Tahimik lang kami hindi tulad kagabi. Medyo shock pa kami sa nangyari. Walang may gustong magsalita. Sila daddy naman ay puro phone calls maya't maya.

Pakiramdam ko tuloy ang laking gulo nito. Hindi naman kasi ako sanay sa ganito. Ayon sa narinig ko, sanay na sila mg kaunti na may mga ganitong malalaking problema

Umakyat na din kami para makapag ready na sa mga gagawin. Pagbaba namin ay nasa baba din ang mga bodyguards. Nag aalinlangan pa rin akong mag sama ng body guards pero pinilig ko nalang ang ulo ko.

ReverseWhere stories live. Discover now