xxvi . I love you

22.4K 410 4
                                    

"BITIWAN MO ANG KAPATID KO!" sigaw ni Caly sa may likuran at akmang lalapit sa amin pero natigilan dahil yinakap ako ni Adam.

Napasinghap ako at tinulak siya pero sobrang lakas niya. My heart was beating so fast.

"Hmm.. you smell so nice" kinilabutan ako sa sinabi niya.

Pilit ko siyang tinutulak pero ayaw niyang matinag. I want to shout and cry pero pakiramdam ko lalo lang siyang magiging masaya kung makita niyang takot ako.

"When I first saw you.. I thought that you're so beautiful and I am not wrong. As I see you closer and now that I am touching you. I can say that you're a one heck of a captive. I'll have fun with you."

Hindi ko pinansin ang sinasabi niya. Wala naman akong pakielam doon, ang gusto ko lang ay makawala. Habang hinahawakan niya ako ay pakiramdam ko, hindi ako nakakahinga.

Pilit ko siyang tinutulak pero lalo niyang hinihigpitan ang pagkakayakap sa akin gamit ang isa niyang kamay.

"ANG BASTOS MO!" sigaw ko pero nabigla ako nung siilin niya ako ng halik.

Namilog ang mga mata ko, pakiramdam ko napakalaking kasalanan ng nangyayari sakin. Tinulak ko siya.. tinulak ko siya hanggang sa makakaya ko pero ayaw niyang matinag. Kinagat ko ang pang ibaba niyang labi kaya siya napabitaw. Nakita kong dumugo ang ibaba niyang labi.

"Feisty huh? Pasalamat ka.. you have sweet lips kaya nag enjoy ako" sabi niya sakin at ngumisi.

Nababaliw na siya!

"Asshole!" narinig kong sumigaw si daddy at narinig kong mabilis siyang lumapit pero naramdaman kong may tumutusok sa tagiliran ko.

Hindi nila masasaktan si Adam lalo na at kami ang hawak niya sa leeg. Nangilid ang luha ko at lalong bumabagsak sa takot ang puso ko.

"OH MY! My daughter! Please.. don't hurt her" narinig kong sabi ni mommy.

Napatingin ako sa tagiliran ko at napaawang ang labi ko. Baril.. tinutukan niya ako ng baril. Unti unti ng tumulo ang mga luha ko. Ngayon ko lang natanggap na itong lalaki sa harap ko ay hawak kami.. hawak kami sa leeg. He can kill us anytime..

Tumingin siya sa akin at pinunasan niya ang luha ko. Ayoko siyang tignan sa mata.. natatakot ako sakanya. Buti nalang wala na si Francis dito.. buti nalang.

Nagulat ako nung alisin niya ang pagkakatutok sa akin ng baril at tinutok yun kay daddy. Hinawakan ko siya sa kamay. Tinignan ko siya sa mata at umiling habang umiiyak.

"Please.. don't. I'll do everything. Wag mo lang silang saktan" nabasag ang boses ko.

Nakita ko namang may sumilay na ngiti sa kanyang mukha. Napapikit ako. Humarap ako sakanila. Nakita kong umiiyak na ang mga aunties ko.. pati si mommy.

Ayaw ko silang makitang ganito. They did so much for me already and seeing them like this.. breaks my heart.

"Kahit ano? Paano kung sabihin kong.. hindi ko sila papatayin basta sumama ka sakin?"

Kinuyom ko ang mga palad ko sa sinabi niya. Nasuntok ni Kuya Brian ang gate. Nakita ko silang umiling sa akin. Alam kong kaya nila akong protektahan pero hindi ngayon. Masyado kaming ipit sa mga nangyayari.

"You don't need to do this.. gagawa tayo ng paraan. Just run when I say run" sabi ni Tito Luke.

Si daddy ay tinutukan ng baril si Adam pero alam kong hindi niya kayang putukin yun lalo na at malapit ako kay Adam.

He wouldn't risk it.

Napapitlag ako nang magpaputok ng baril sa Adam sa tabi ni daddy. Muntik na! Muntik ng matamaan si daddy! THIS MAN IS CRAZY.. ANONG GAGAWIN KO?!

ReverseWhere stories live. Discover now