Chapter 15

27 1 25
                                    


Agad akong napahawak sa ulo ko ng magising ako na parang binibiyak ito.

I swear, I'm not really going to drink Black label anymore.

Sapo-sapo ko ang ulo ko habang naglalakad papunta sa bathroom para maghilamos. Paglabas ko ng bathroom ay bumungad sa'kin si Ava na bagong gising at nakangisi na agad sa'kin.

I rolled my eyes at her while tying my hair in a messy bun.

"Hindi pala malalasing ha" Rinig kong natatawang sabi ni Ava.

"You betrayed me"

"Hindi kaya! Yon na lang talaga yung last na drinks natin kagabi kaya no choice saka okay lang yan may nagalaga naman sayo"

"Ang sakit ng ulo ko, bwisit ka" Sabi ko at binato sakanya ang unan na nakuha ko na tinawanan nya lang.

"Oh saan ka pupunta?" Natatawang sabi nya nang makita nya akong palabas ng room namin.

Hindi ko na lang sya pinansin at bumababa na habang hawak ko pa rin ng ulo ko papunta sa kitchen para uminom ng pang hangover.

Sino ba kasi ang gumawa ng Black label na yan

"Hey, good morning" I heard a soft voice from the living room kaya napatigil ako sa paglalakad papunta sa kitchen.

Nilingon ko kung sino yon at nakita ko si Axel na nakaupo sa sofa kaya imbes na sa kitchen ako pupunta ay eto ako ngayon naglalakad papalapit sakanya, agad akong nahiga sa lap nya habang ang isa kong braso ay nakapatong sa noo ko.

"Headache?" Rinig kong tanong nya.

Nakapikit lang ako na tumango.

"I cooked soup there, you want? Para rin makainom ka na ng gamot for your headache"

I nodded.

Tinanggal nya ang braso ko na nasa noo ko at naramdaman ko na lang na minamassage nya ang ulo ko.

Hinayaan ko lang sya na gawin yon.

"Ayaw mo kasi magpapigil kagabi" Sermon nya sa'kin habang minamassage pa rin ang ulo ko.

"Ayaw ko lang maging kj" Nakanguso kong sabi.

"Anyways, nabasa mo na yung message ng school about tomorrow?"

Umiling ako, "Hindi ko pa hinahawakan phone ko, why? What is it?"

He is still massaging my head which makes me better. "We don't have class tomorrow," He said.

Minulat ko ang mata ko at ang mukha nya ang bumungad sa'kin. "Bakit daw?" I asked.

"Meeting"

I nodded. "So dito ulit tayo matutulog later?"

"Yes po," He smiled. "Kiel and I are already talked about that, tomorrow morning na lang tayo uuwi"

"What time tayo pupunta sa sunflower field?" I asked.

"Later, after we eat lunch"

"Really?" Nakangiti kong tanong.

He smiled, "Yeah, hindi naman mainit ngayon and I heard walking distance lang yon"

Naramdaman ko na tumigil sya sa pag massage ng ulo ko. "Magsoup ka na para makainom ka na ng gamot"

Bumangon ako sa pagkakahiga at sabay kami na pumunta sa kitchen. Pinaupo nya lang ako sa stool bar doon at sya na lang daw magr-ready ng soup ko pinanood ko lang sya habang nilalagay ito sa harapan ko.

'Wag mo ako sanayin...

"Go on na" Nakangiti nyang sabi kaya sinimulan ko na higupin ang suop na gawa nya.

We met againWhere stories live. Discover now