Chapter 25

12 1 35
                                    


Napa Buntong hininga ako ng tignan ko ang phone ko.

"Pang ilan mo na 'yan" Pansin sa'kin ni Ava, andito kami ngayon sa garden nakatambay.

Mabilis lumipas ang araw at magpapalit na agad ang taon mamaya. Dito magi-spend ng new year si Ava kasi nag out of town ang family nya for new year ayaw nya raw sumama dahil mas gusto nya raw ako kasama hindi ako naniniwala lalo na at dito rin si Kiel mag n-new year, tss.

"Wala pa rin ba message?" Tanong nya.

Umiling ako. "Wala, kanina pang umaga"

"Gagi beh hindi naman sa pinag o-overthink kita pero what if ghinost ka? Uso pa naman 'yon ngayon." Napairap na lang ako sa sinabi nya.

"Ang dami mong alam, hindi ba pwedeng busy lang sya?"

"Hmm base sa kwento mo sa'kin simula ng dumating ako dito e lagi ka nyang ina-update simula nung pumunta sya sa states sabi mo rin okay kayo kagabi diba?" Tinanguan ko sya. "E bakit hindi sya nag message sa'yo ngayon?"

Napairap ulit ako sakanya. "Bakit ako tinatanong mo e hindi ko din naman alam."

"Minemessage mo ba? Baka naman ikaw lang hinihintay non na imessage mo sya."

"Of course, I messaged him mag hihintay ba ako ng respond nya if hindi ako nag message."

"Oh, e bakit ka sa'kin nagagalit?" Natatawang sabi nya. "Kidding aside, baka nga busy lang 'wag ka magisip ng kung ano dyan saka wala naman kayo label ah required ba yan" Pang aasar nya.

Eto hindi mo malaman kung nagpapagaan ba ng loob o nang aasar lang.

"Sisindihan kita mamaya kasama yung fountain" Masungit na sabi ko sakanya.

"Joke lang! 'to naman pinapagaan ko nga lang loob mo"

"Thank you ha? Grabe sobrang gumagaan yung loob ko." Sarcastic kong sabi.

She laughs at me, "Put a label na kasi beh"

Hindi ko na lang sya pinansin at tinignan ulit ang phone ko at kagaya kanina ay napabuntong hininga ulit ako ng makitang wala syang message kahit tuldok man lang.

Naiirita na ako Axel siguraduhin mo lang na reasonable yang idadahilan mo sa'kin.

What if he ghosted me nga?

or

What if something happened?

Nagumpisa na akong kabahan ng maisip ko 'yon.

Wala naman siguro? Sana.

Nakinig na lang ako sa mga chismis ni Ava para mawala ang kaba na nararamdaman ko dahil sa sarili kong naisip at para na din maiwasan ko ang pagtingin-tingin sa phone ko.

Lumipas ang oras at napagdesisyunan na namin ni Ava na mag bihis na dahil ilan oras na lang ay mag n-new year na.

"Where's Kuya?" Tanong ko kay Kiel na ngayon ay nakaupo sa living room.

"Sinusundo yung nililigawan nya" Napatango na lang ako sa sinabi ni Kiel.

"Hoy halika na! Magbibihis na tayo" Hila ko kay Ava ng akmang mauupo pa sana sya sa tabi ni Kiel.

"Bebe time lang e" Nakangusong sabi sa'kin ni Ava ng hilahin ko na sya paakyat sa kwarto ko.

"Ang dami mong alam" Tanging sabi ko sakanya.

"Sungit, Kasalanan 'to ni Reese yari talaga sa'kin 'yon pag-uwi nya ako yung napagbubuntungan nyang sama ng loob mo sakanya."

"Mag-asikaso ka na ang dami mong sinasabi" Masungit na sabi ko.

We met againWhere stories live. Discover now