Chapter 27

12 1 24
                                    


I'm thankful because when I woke up I don't have a headache. I want coffee that's why we are here at the coffee shop before going to University, Si Axel lang ang pumasok sa loob para bumili dahil tinatamad ako bumababa ng sasakyan kaya nagpaiwan na lang ako dito.

Binuksan ko agad ang sasakyan ng matanaw ko na syang naglalakad pabalik dito.

"I bought you bread" Sabi nya nang makasakay na sya habang inaabot ang binili nya sa'kin.

"Thanks" Nakangiti kong sabi.

"Are you sure you're okay?" Tanong nya.

I nodded immediately, "Yes! Promise" I raised my right hand which make him giggle.

I got busy for the whole month actually, all of us. Nagsabay sabay na binagsak ang mga school activities namin kaya we don't have a choice but to do it and pass on time if we want to graduate. Madalang na rin kami lumabas ni Axel, minsan na lang din kami nagkakasabay na pumasok sa univ kasi may time na need ko pumasok ng mas maaga sakanya o kaya sya naman yung kailangan maaga pumasok.

Akala ko doon na matatapos ang paghihirap namin pero hindi pa pala dahil kailangan na namin mag review for finals. Sabay sabay kami lagi nag re-review na apat tulad ngayon saktong nagsabay-sabay ang vacant namin kaya andito kami sa library para magreview.

"Ayaw ko na mag-aral!" Bagsak ni Ava sa libro nya. "Bakit kasi ako sumama sayo magtourism!" Reklamo nya habang nakaturo sa'kin.

Nginisian ko lang sya. "Shut up, pag tayo pinaalis dito tignan mo" Saway ko sakanya.

Ngumuso lang sya at kinuha na ang libro nya ulit.

Binalik ko na ang atensyon ko sa libro na hawak ko at napahawak na lang ako sa ulo ko sa dami ng letrang nakikita kita ko.

I love reading books but not this kind of book.

"Drink water" Abot sa'kin ng tubig ni Axel na katabi ko.

Kinuha ko 'yon at uminom agad.

"Don't drain yourself hmm" Bulong nya na kami dalawa lang ang nakakarinig. "You can do it" Nakangiting dagdag nya.

Nakangiting tinanguan ko lang sya.

Hindi naman nabalewala lahat ng reviews na ginawa namin nang dumating na ang finals, It was all worth it when we survived the finals week.

"Finally! Finally!" Parang naiiyak na sabi ni Ava, nasa parking lot na kaming apat kakatapos lang ng last exam namin.

"I think deserve ko ng alak!" Sigaw nya pa.

Napailing na lang sakanya si Kiel.

"Anong iniiling-iling mo dyan?" Mataray na tanong sakanya ni Ava.

Nakasandal lang kami ni Axel sa sasakyan nya habang pinapanood sila.

"Pinagbabawalan mo ba ako?" Nakapamewang na tanong ni Ava kay Kiel. "Aba! hindi porket mahal kita e pagbabawalan mo na ako! Lalo na ngayon kailangan ng katawan ko ng alak feel ko nadehydrate ako dahil sa mga pinapagawa ng university na 'to! Stress ako so much Kiel kaya manahimik ka dyan."

Napakamot na lang si Kiel sa ulo nya.

"Maaga tayong aalis bukas" Sabi ni Kiel na nagpatigil kay Ava.

"Ha? Saan tayo pupunta?"

Mahinang napatawa na lang ako dahil kay Ava.

Stress talaga sya.

"Beach" Simpleng sagot ni Kiel sakanya.

"Tinawag mo ba akong bitch? Nagtatanong ako dito ng maayos Kiel tapos tatawagin mo ako ng ganyan? Hindi mo na siguro ako mahal."

We met againWhere stories live. Discover now