Chapter 29

14 1 29
                                    


Isang linggo na ang nakalipas simula ng makauwi kami galing sa resort. Bumalik na din kami sa univ para ayusin ang mga requirements namin dahil this month na ang graduation and I'm so happy with that. We survived. I'm so excited to go to my dream work every day.

"May tanong ako"

Napatingin ako kay Ava ng magsalita sya, kakalabas lang namin ng cafeteria para bumili ng drinks. Naupo kami sa isa sa mga bench sa ground.

"What it is?"

"Nabobother kasi ako ng slight" Bahagya syang tumawa.

"Ano ba kasi 'yon?"

"Kayo ni Reese..." Napataas ang kilay ko ng marinig ang sinabi nya.

"What about us?"

Ngumiti sya ng pilit. "Ano ba talaga kayo?"

Natigilan ako sa tanong nya.

"Kasi halata naman sainyo parehas na more than friends talaga kayo" She chuckles. "Iniisip ko na nga lang na baka hindi nyo lang sinasabi sa'min...kung anong meron sainyo?" Ramdam ko ang pag aalangan sa boses nya.

Ilan beses kong iniiwasan 'tong mga ganitong tanong dahil hindi ko alam ang sasagutin ko.

Hindi ko alam kung...ano ba talaga kami.

Hindi ko alam.

"Hindi naman namin napaguusapan yung about sa ganyan" Tumawa ako ng pilit. "Masaya naman kami..."

"Bakit hindi nyo pag-usapan? Mahirap kasi yung masaya lang kayo...baka maging panandalian saya lang 'yan sa huli." Nginitian nya ako.

Ayaw ko.

Natatakot ako.

Hindi ko alam kung handa na ako sa ganyan...

Naramdaman ko hinawakan nya ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya. "Ngayon lang kita nakitang ganyan kasaya at gusto ko hanggang sa huli makita ko pa rin yung mga ngiti mong ganyan." Nakangiti nyang sabi.

"Let's go na nga! Kung ano-ano na sinasabi mo dyan" Sabi ko at naunang ng maglakad pabalik sa room namin.

"Hoy hintayin mo ako aba!" Rinig kong sigaw nya sa likod ko.

Pilit kong inaalis sa isip ko ang mga sinabi ni Ava sa'kin kanina. Pilit kong iniiwasan.

Nagconcerntrate na lang ako pagbalik namin sa room at hindi ulit inisip ang napagusapan namin kanina.

"Oh saan na naman kayo pupunta?" Tanong ni Ava nag mag dismissal na kami.

"Street food. Kakain lang" Sabi ko at naunang ng lumabas ng room.

"Pag nakasalubong mo si Kiel sabihin mo dadaan muna ako ng library!" Sigaw nya.

"Okay!" Sigaw ko pabalik.

Naglakad na ako papunta ng parking lot kung saan naghihintay sa'kin si Axel. Ngayon ang araw na pupunta kami sa place kung saan madaming street foods hindi ko maiwasan na mangiti habang iniisip ang mga pwedeng mangyari mamaya kapag nakakain na sya ulit ng street foods.

Nang makarating na ako sa parking lot ay unting-unti nawala ang ngiti ko.

Axel is talking with...grace.

Kinabahan agad ako dahil baka matrigger na naman si Axel. Nasa bulsa ni Axel ang dalawa nyang kamay habang walang emosyon na nakatingin kay grace.

Lalapitan ko na sana sila ng mapahinto ako sa sinabi ni Grace.

"Please let's come back I promise that I will never do that again I regret all the things I did to you."

Malapit lang ako sakanila kaya rinig ko ang pinaguusapan nila, nakatago lang ako sa isa sa mga poste dito para hindi nila ako makita.

We met againWhere stories live. Discover now