Chapter 32

19 1 26
                                    


Around lunchtime na ako nagising buti na lang weekend ngayon wala kaming pasok hindi muna ako bumangon at kinuha ang phone ko na nakapatong sa side table.

The only btch I want:

Inom tayo mamaya! Ako na bahala sa drinks! Punta ako dyan sa unit mo! See youuuu!!

Napailing na lang ako ng mabasa ang message ni Ava bago sya replyan na pumapayag ako pakiramdam ko din kailangan kong libangin ang sarili ko kaya punayag ako.

Binitawan ko ang phone ko at tumitig lang sa puting kisame ng kwarto ko.

I feel so empty right now...parang may nawala sa'kin, may kulang. Ang hirap pala talaga kapag nasanay ka na sa isang tao kahit na bawal na hindi mo maiwasan na hanap-hanapin pa rin ang presensya nya.

I miss him...

Bakit kasi sinanay mo ako? Tapos nung may nararamdaman na ako sayo sasabihin mo 'you can't' ? what the fuck is that Axel??

I sighed.

Ilan minuto pa ang tinagal ko sa pagi-isip bago ako bumangon. Pagkababa ko ay sinalubong agad ako ni Cole kaya hindi ko maiwasan na mapangiti.

At least I still have him.

Nilagyan ko muna ng food ni cole ang kainan nya dahil nakita kong wala na itong laman before ako nagtimpla ng coffee ko, wala akong gana kumain. Naupo ako sa living room dala ang kape ko habang pinapanood si cole na kumain. After nya kumain ay natawa na lang ako ng tumakbo sya papalapit sa'kin at dinila-dilaan ako.

Inubos ko ang kape ko at nakipag laro kay Cole ilan oras din kaming naglaro kaya ng makaramdam ako ng pagod ay tinigilan ko na sya at umakyat na sa room ko para maligo dahil pawis na pawis ako.

Nang matapos ako maligo ay bumababa din ako para manood ng kung anong mapili ko sa tv saka nagorder din ako ng makakain nasa tabi ko lang si Cole nakasiksik sa'kin habang natutulog. Hindi rin nagtagal ay narinig ko ng nagdoorbell ang unit ko kaya tumayo na ako para kunin ang inorder ko.

Hindi ko alam pero halos lahat ng napanood ko puro sad ending kaya imbes na malibang ako ay lalo ko lang na-alala. Hindi ko na namalayan ang oras kaya ng mapatingin ako sa balcony ng unit ko ay kita na ang paglubog ng araw. Pinause ko muna ang pinapanood ko saka tumayo habang karga si Cole at naglakad papunta sa balcony.

Naupo lang ako sa upuan na andon habang si Cole ay nakahiga sa lap ko. Pinanood ko lang ang unti-unting pagbabago ng kulay ng langit

You're still the best...

Noong tuluyan ng dumilim ang langit ay pumasok na rin kami at pinagpatuloy ang pinapanood ko. Hindi na ako nag-abalang magluto ng dinner ko dahil wala naman akong gana saka hindi ko pa naman nauubos ang inorder ko kanina.

Nang matapos ko na ang pinapanood ko ay mamimili na sana ako ng next na papanoorin ng marinig kong may nagdoorbell sa unit ko na agad naman tumakbo papunta si Cole sa pintuan at tumahol. Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto para buksan ito.

"You look like a shit right now buti na lang maganda ka" bungad ni Ava ng pagbuksan ko sya.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nya at pinapasok na lang sya dahil ang dami nyang dalang paper bag agad naman syang tinahulan ni Cole habang papasok sya sa living room.

"Kailan ka pa naging makalat?" Sabi ni Ava ng makita nya sa table ang mga kalat ng foods na inorder ko kanina. 

"Ang pangit mo maging broken" Sermon nya habang nililigpit ang mga kalat ko saka inilabas nya ang tatlong bote ng alak na dala nya.

Naupo ako sa inuupuan ko kanina at pinapanood lang sya na ilabas ang mga dala nyang chips and drinks.

"Cole" Tawag ko kay Cole na nagpatigil sakanya sa pagtahol at agad na lumapit sa'kin.

We met againWhere stories live. Discover now