Chapter 39

18 1 32
                                    


After namin ni Vince mag-dinner umuwi na din kami. Dumiretso agad ako sa kwarto ko para matulog na dahil uuwi pa ako sa bahay bukas ng umaga para magpakita kanila mom and dad.

Nagising ako sa ingay ng alarm clock kaya bumangon na ako para mag-asikaso sa lakad ko ngayon araw. Pagkatapos ko maligo nagbihis na rin agad ako hinayaan ko lang na nakalugay ang mahaba kong buhok na medyo basa pa at hindi na ako nagabalang mag-ayos tanging black shades lang ang sinuot ko.

Bumababa na ako sa parking lot habang hawak-hawak ko ang susi ng sasakyan. Dumaan muna ako sa shop para magkape bago ako dumiretso sa bahay. Hindi naman matagal ang byahe dahil maaga pa naman kaya agad din akong nakarating sa bahay. After ko i-park ang sasakyan ko ay bumababa na rin ako at naglakad papasok sa bahay.

Nang makapasok ako sa bahay ay nagulat pa ako dahil nakita ko si Kuya na bagong gising habang pababa ng hagdan, gulo gulo pa ang buhok.

"Why are you here?" Tanong ko na ikinagulat nya pa dahil hindi nya pa ako napapansin kung hindi ako nagsalita.

"Bakit ka ba nanggugulat!?" Reklamo nya.

"I'm not." Nagkibit-balikat ako at naglakad papalapit sakanya.

"Buti napadpad ka dito." Sabi nya.

"Ayaw mo?"

Umiling sya. "You are so busy, lady." Sarcastic nyang sabi.

"How about you? Why are you here?" I asked again.

"Day off." Simpleng sabi nya.

"Kasama mo si Kylie?"

"Nope, mamaya ko pa susunduin sa office nya."

I just nodded. "Anyway, where's mom and dad?"

"Garden, c'mon let's go." Yaya nya saka ako inakbayan at sabay kami na nagtungo sa garden.

Pagdating namin sa garden agad namin nakita sila mom and dad na maguumpisa pa lang mag-breakfast habang si cole ay naglalaro sa lapag.

Agad syang tumahol at tumakbo papalapit sa'kin nang makita nya ako. Tinanggan ko ang shade ko saka nakangiting naupo para salubingin sya.

"Oh, my two babies are here!" Rinig kong sabi ni mom.

"Miss me?" Nakangiti kong tanong kay Cole nang buhatin ko sya at agad nya naman dinilaan ang mukha ko.

"Miss nya na raw daddy nya." Sabi ni Kuya kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Kagabi ka umuwi son?" Tanong ni dad kay Kuya nang makaupo na kami.

Hinayaan ko lang ulit si cole na maglaro sa baba.

"Yeah, tulog na daw kayo sabi ng kasambahay natin kaya hindi na ako nag-abala na puntahan kayo." Sagot ni Kuya.

"And you Lady?" Tukoy sa'kin ni Dad.

"What about me?"

"Kailan ka pa nakauwi?"

"Yesterday morning then nagpahinga lang ako kaya ngayon lang ako nakapunta dito." Sagot ko.

"How's a flight sweetheart?" Nakangiting tanong ni mom.

"It's always fine mom and I always love my flights."

"I'm glad to hear that." She said. "Anyway, I talked to Salene earlier through video call and she said na baka umuwi raw sila this year."

Oh.

Agad kong ibinalik ang atensyon ko sa pagkain nang mapansin ko na nakangisi sa'kin si Kuya. Nag-umpisa ako sa pagkain na parang walang pakialam sa sinabi ni mom, narinig ko pa si Kuya na sumisipol.

We met againWhere stories live. Discover now