Chapter 42

17 1 37
                                    


Nagising ako sa isang familiar na kwarto nilibot ko ang mata ko sa buong kwarto at napagtanto na hindi akin yon. Tatayo na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at niluwa non si Axel na may dala-dalang tray na may laman na tingin ko ay pagkain.

"Oh, you're awake." Sabi nya nang makita na gising na ako.

Pinanood ko lang sya na ilagay ang tray na bitbit nya sa side table ng hinigaan ko na kama. Napansin ko na naka tshirt na white na lang sya kaya nakita ko na may suot syang silver necklace na nakatago sa ilalim ng damit nya.

"You passed out kanina kaya dinala kita dito sa unit ko hindi ko kasi alam ang passcode mo." Sabi nya after nyang ayusin ang pagkain na dala nya.

I'm on his unit?

"Thanks but I need to go back to my unit." Sabi ko at nagmadaling bumababa ng kama pero napahinto na lang ako ng pigilan nya ang braso ko.

"Eat first." He said.

Umiling ako at pilit na ngumiti. "Sa unit ko na lang ako kakain."

"It's almost midnight Madison." Seryosong sabi nya.

Ah, Madison.

"Ganon ako kahaba nakatulog?" Medyo gulat na tanong ko sakanya.

He just nodded.

Tumango ako. "Sige babalik na talaga ako sa unit ko." Pagpupumilit ko.

"Kumain ka muna dito." Pigil nya sa'kin.

"Sige bye! Thanks, ulit!" Hindi ko pinansin ang sinabi nya at agad na kumawala sa hawak nya saka ako tumakbo palabas, narinig ko pa na tinawag nya ang pangalan ko.

Nang makapasok ako sa unit ko ay napasandal at npahawak na lang ako sa dibdib ko na sobrang bilis ng tibok ngayon.

That was the first time again na naging ganon kami kalapit sa isa't isa.

Napapikit na lang ako ng maalala ko ang nangyari kanina sa opisina.

Bakit kasi hindi ko nakontrol ang takot ko?? Kidlat lang naman yon Madison!

Ano na lang sasabihin ng girlfriend nya? Ni Natalie? Kapag nalaman nya ang tungkol don.

Nasampal ko na lang ng palad ang noo ko.

Bakit kasi  hindi ka nag-iisip Madison!

Hindi na pwede mangyari ulit yon. Hindi na talaga pwede.

Pipilitin ko na lang na hindi magkrus ang landas namin. Tama, ako na lang ang iiwas. Pwede naman yon diba?

At ganon nga ang ginawa ko sa mga sumunod na araw. Sa loob ng ilan araw ng pagpaparenovate ko ng shop hanggang sa matapos yon ay hindi na ulit ako pumunta don ang dahilan ko lang kay Gemma kapag tinatanong nya ako kung pupunta ako lagi ko lang sinasabi na "busy ako" kahit buong araw lang naman ako palagi sa bahay o kaya maglilibot mag isa kung saan-saan at sa nagdaan araw na yon ay araw araw na akong may naukuha na sunflower sa harap ng pintuan ko.

Tulad ngayon kakauwi ko lang dahil may pinuntahan akong bagong open na bookstores iniligay ko lang sa vase na lagi kong pinaglalagyan non ang nakuha ko ngayon saka tinawagan si Gemma.

"Hello ms!" Bati nya.

"Sigurado ka bang wala na si Architect dyan bukas?" Tanong ko.

"Po?" Tanging nasabi nya.

"I mean is si Architect saka ang mga ibang mang gagawa."

"Ah yes po ms! Actually, nagbukas na nga po kami ngayon like what you said po kahapon."

We met againWhere stories live. Discover now