Chapter 40

20 1 27
                                    


Kinabukasan pinilit ko pa ang sarili ko na bumangon kahit na antok na antok pa ako. Napuyat ako hindi dahil sa nakainom ako, napuyat ako kakaisip na talagang nakauwi na sya.

After 5 years I saw him again...

We are breathing in the same air again.

But...

It seems like may nagbago...

Hindi kasi ganito yung inaasahan ko na mangyayari kapag nagkita kami...inaasahan ko na kapag nagkita ulit kami sasalubungin nya ako ng yakap, magiging masaya sya...kasi may part pa rin naman sa'kin na umaasa na walang magbabago.

I think I just expect too much.

Napangiti na lang ako sa naisip ko.

Bakit kasi umasa pa kahit ilan rumor na ang nakarating sa'kin?? Ang tanga lang Madison ayan sinampal tuloy sayo yung katotohanan.

Napatigil na lang ulit ako sa pag-iisip ng makarating na ako sa venue na sinend sa'kin ng client ko.

"Hi, Madison! I'm glad dahil pinagbigyan mo ako kahit na alam kong busy person ka." Salubong sa'kin ng client ko na si Joyce.

"No worries, wala rin naman ako gagawin today." Nakangiting sagot ko.

"Grabe at the young age ikaw yung definition ng successful na I heard you have your own coffee shop? Then you're a flight attendant, right?"

"Yes, but wala pa naman ako sa point na successful talaga." I laugh.

"You are so humble! Balita ko pa nga may sarili kang charity for homeless people?"

"Ah yes yes! That's been one of my goals ever since." Nakangiti kong sabi.

"Wow, you have a golden heart." Mangha nyang sabi.

"Hindi naman, I just want to help lang talaga."

"Pero diba sobrang busy mo alam naman natin ang flight attendant like you is hindi napipirmi sa isang bansa." I nodded. "Nabibigyan mo pa rin ba ng oras especially yung charity mo?"

"Of course, I always make time for them." Sagot ko.

Yes, I'm a busy person but I always make time for my responsibilities, especially to my family hindi naman kasi pwede na sa isang bagay lang ako mag fofocus.

"Para naman akong nag-iinterview neto." Tawa nya kaya natawa rin ako. "But last question, you have special someone ba right now?"

Tipid akong ngumiti. "I don't have time for that."

"Oh" tumango sya. "Pero parang may kakaiba sa eyes mo."

"Puyat kasi ako." I laugh.

Hindi na rin nagtagal ay nagumpisa na kami sa photoshoot. Birthday theme ang theme ng pictorial but more on revealing ang mga clothes na susuotin. Halos kalahating araw din ako nagtagal don bago natapos ang photoshoot and I'm happy kasi nagustuhan naman nila ang mga tinake ko.

After ko magpaalam ay umalis na din ako para bumalik na sa unit dahil mag aasikaso pa ako para sa flight ko bukas ng umaga. Paglabas ko ng elevator papunta sa unit ko ay nag-ring ang phone ko kaya kinuha ko ito sa loob ng bag ko saka sinagot.

"Hello, Ms.Madi."

"Yes, Bea? Bakit ka napatawag?" Sabi ko habang naglalakad papunta sa unit ko.

"Gusto ko lang po itanong kung kailan kayo makakapunta dito?" Napahinto ako sa harap ng pintuan ko.

"Next weekend, mag f-file ako ng leave for a week." Sagot ko kay Bea, isa sa mga pinagkakatiwalaan ko sa charity.

"Okay, ms. Sigurado akong matutuwa na naman sila lalo na ang mga bata."

We met againWhere stories live. Discover now