Chapter 30

11 1 24
                                    


Axel:

Good morning. Nauna ka na ba sa univ? Nagd-doorbell kasi ako sa unit mo wala naman sumasagot. Take care. See you.

Axel:

Hindi ka daw sasama sa lunch? May gagawin ka? Don't forget to eat your lunch ha.

Axel:

Nauna ka ulit? Sabi ng guard maaga ka raw umalis. Take care ha drive slowly.

Axel:

Vacant nyo raw? Kami rin. C'mon, let's grab some coffee I saw a new coffee shop.

Axel:

Are you busy? Why are you... never mind! Take your time.

Axel:

Are you...avoiding me?

I sighed when I read some of Axel's messages. I feel sorry because I didn't respond even once to his messages.

I'm sorry...

It's been a week since I avoid Axel. It's hard. It's hurt. Hindi ako sanay. Hindi ako sanay na iiwasan sya everytime na magkakasalubong kami. Hindi ako sanay na hindi sya kinakausap. Hindi ako sanay na hindi sya ang kasama ko bago magsimula at matapos ang araw...

It's hard and it's hurt but I know this is for good...

Akala ko hindi na ako masasaktan kapag iniwasan ko sya...

Mas masakit pala. Nasanay kasi ako.

Nasanay ako sakanya.

But it's alright...

Everything is alright.

Tama na yung ganito na lang kami kasi baka pag pinagpatuloy pa lalo lang masakit.

Alam kong mali yung ginawa ko na biglang pag-iwas sakanya ayaw ko lang syang makausap kasi baka masabi ko ang totoo kong nararamdaman...ayaw kong marinig ang sagot galing mismo sakanya.

Takot akong baka ako lang yung nakakaramdam ng ganito...

Mas magandang itago ko na lang hanggang sa mawala. Mawawala din 'to.

"Himala andito ka?" Tanong ni Ava ng maupo ako harapan nya, andito kami ngayon sa cafeteria.

"May hinihintay lang ako" Tanging sabi ko at ibinalik na ang tingin sa phone ko.

"Sino? Si Reese? Okay na kayo? Nag-away ba kayo? Bakit?" Sunod-sunod na tanong nya.

"Ingay mo" Sabi ko.

"Oh andito na pala sila!" Rinig kong sabi nya pero nanatali lang ang tingin ko sa phone ko, iniiwasan na lumingon sa direksyon nila.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng maramdam kong may naupo sa katabi kong upuan hindi ko na kailangan lingunin kung sino 'yon dahil kilala ko na agad dahil sa amoy ng pabango.

"Oh Madz you're here, dito ka ba magl-lunch?" Kiel asked.

Tinignan ko sya at agad na tinaasan ng kilay ng makita kong nakangisi sya sa'kin. "May hinihintay lang ako."

"Sino?"

"Madison!" Sasagutin ko na sana si Kiel kung sino ng marinig kong may tumawag sa'kin.

"Finally you're here" Pabiro kong inirapan si vince ng makalapit sya sa table namin.

Binati nya muna sila Ava na ngayon ay bakas ang pagtataka sa mukha.

"Natagalan kasi ako don sa dinaanan ko na sinabi ko sayo" Paliwanag nya.

We met againWhere stories live. Discover now