Chapter 34

18 1 20
                                    

Hi!!

-

Nagising ako dahil sa mabangong amoy na tingin ko ay galing sa kusina. Bumangon ako at pumunta sa bathroom para makapag hilamos, after ko mag hilamos ay bumababa na ako ng kwarto nagtaka pa ako dahil pagdaan ko sa living room walang cole na sumalubong sa'kin.

Napatigil ako sa pagpasok sa kitchen at hindi ko maiwasan na mapangiti sa nakita ko. Axel is cooking while wearing an apron napansin ko rin na nakatshirt na lang sya siguro kumuha sya sa unit nya ng damit while Cole is sitting on the countertop na para bang nanonood sakanya walang nakakapansin sa'kin dahil parehas silang nakatalikod sa gawi ko.

Dahan-dahan akong naglakad at naupo sa high chair sinenyasan ko pa si Cole na 'wag maingay ng lumingon sya at agad na lumapit sa'kin. 

" 'Wag kang malikot dyan wala kang pak-pak para makalipad pagnahulog ka dyan." Nakatalikod na sabi ni Axel naramdaman nya siguro na gumalaw si Cole.

Pinigilan ko tumawa dahil sa sinabi nya.

"Tagal pa ba 'yan?" Biglang tanong ko.

"Fuck!" Gulat na sabi nya at lumingon sa'kin habang nakahawak pa ang isa nyang kamay sa dibdib nya kaya hindi ko na napigilan ang tumawa.

"Kanina ka pa dyan?" Tanong nya, nakahawak pa rin sa dibdib nya.

Natatawang inilingan ko sya.

Tumayo ako at lumapit sakanya para tignan kung anong niluluto nya.

"Fried rice? Nakalimutan mo na ba na hindi ako nagr-rice kapag morning?" Nakatingin na tanong ko sakanya.

He turns off the stove and slides his arms around my waist which makes me blush.

"Goodmorning..." He softly said and kissed my forehead.
"Hindi ko nakalimutan, sinadya ko na ayan ang lutuin kasi pansin ko ang pagbagsak ng timbang mo." Napanguso ako sa sinabi nya.

Mangangatwiran na sana ako ng magsalita ulit sya.

"Nakita ko din na ang daming can of beers sa trash can mo tapos dito sa ilalim ng sink mo nakita ko yung mga walang laman na bote ng alak." Seryoso nyang sabi.

"Ay totoo ba?" Maang-maangan na tanong ko.

He glared at me.

"Si Ava! Saka ano matagal na yon."  Nginitian ko sya.

"Tss." Tanging sabi nya at hinila na ako sa dining table kung saan nakahanda na ang mga niluto nya.

"Ang dami..." Sabi ko ng makita ko kung gaano kadami ang ilagay nya na pagkain sa plato ko.

Para naman akong bibitayin nito.

"Nagrereklamo ka dyan? Pero sa dami ng bote ng alak doon hindi?" Masungit na sabi nya habanag nakaturo pa sa kusina.

"Eto na nga kakain na oh uubusin ko pa 'to sa harap mo." Sabi ko at nag-umpisa ng kumain.

"You want coffee?" Tanong nya ng tumayo sya at lumapit sa coffee maker na meron ako.

"Yes, please." I softly said.

Hindi rin nagtagal ay bumalik na sya sa table namin na may dalang dalawang baso ng kape.

"Thanks po." I smiled at him.

"Cute." Nakangisi nyang sabi habang pinapanood ako na tikman ang kape na ginawa nya.

Napatango-tango ako after ko matikman. "It's good ha"

"Really?"

"Yeah." I sipped again. "Mag-apply ka sa'kin na barista kapag may coffee shop na ako." I laughed.

We met againWhere stories live. Discover now