Chapter 16

14 1 13
                                    

Have a nice day!! <3
-

Madilim na ng mapagdesisyunan namin na bumalik na sa villa agad kaming nagpalit ng damit dahil napagkasunduan namin na magnight swimming tutal uuwi naman na kami bukas ng umaga.

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto nila Kiel and Axel at bumungad sa'kin ang pinsan ko na kumukuha ng damit sa bag nya.

"What are you doing here? Bakit hindi ka pa nagpapalit ng damit?" Sunod sunod na tanong nya nang makita nya ako.

Naupo ako sa kama na katabi ng kanya.

"Pahiram ako ng damit"

Kumunot ang noo nya ng marinig ang sinabi ko. "Why?"

"I don't have a shirt, hindi ako nakapagdala" simpleng sabi ko.

"Magkaibigan nga kayo" Umiiling na sabi nya. "Sad to say ipapahiram ko na 'to kay Ava" Pinakita nya ang white tshirt na hawak nya.

"Wala kang extra?" Tanong ko.

Umiling sya. "Tshirt ko na lang para bukas andyan"

"Edi ayon ipahiram mo sa'kin"

"What? No"

"Dali na papatuyuin ko na lang after mag swimming para magamit mo bukas" nakangiti kong sabi sakanya.

"Still no. Alam kong may extra kang damit na dala sa laki ng bag mo kaya imposibleng wala"

Ngumuso ako. "Puro crop tops 'yon"

"Okay na 'yon"

"Malamig mamaya"

"Kasalanan mo na 'yon" He chuckled.

"I have an extra shirt" Napalingon ako sa likuran ko kung saan galing ang nagsalita at nakita ko si axel na nakapag palit na ng black t-shirt at short nang makalabas sya sa bathroom.

"Ayan!" Rinig kong sabi ni Kiel.

I smile widely, "Really?"

He nodded, "Yeah" lumapit sya sa gilid ng kama na inuupuan ko at kinuha ang bag nya.

"Puntahan ko na si Ava sunod na lang kayo sa pool area" Paalam ni Kiel at lumabas na ng kwarto nila kaya kami na lang ni axel ang naiwan.

Pinanood ko sya na halukayin ang bag nya.

"Here" Abot nya sa'kin ng black shirt.

"Thank you!" I smiled.

He just nodded.

"Magpalit na ako"

"Okay," He simply said while looking at me.

Tumayo na ako para lumabas na ng kwarto nila at bumalik na sa room namin para makapagpalit na ako.

Abot hanggang hita ko ang tshirt ni axel kaya hindi nakikita ang cycling na suot ko.

Napangiti ako ng maamoy ko ang T-shirt nya, it smells like him.

Tinali ko lang ang buhok ko into a bun at bumababa na sa pool area, agad ko silang nakita sa table kung saan nakalagay ang mga inorder namin na pagkain.

Agad akong inabutan ni Ava ng beer ng makalapit ako sakanila.

"Bagay sayo suot mong damit ah" Napairap na lang ako ng magsalita si Ava. "Pati yung nagbigay bagay sayo" Dagdag nya pa habang tumatawa.

Hindi ko na lang sya pinansin at naupo na lang sa gilid ng pool habang nakababa ang paa ko sa tubig. Tumingala ako para makita ang mga nagnining-ning na mga bituin.

We met againWhere stories live. Discover now