Chapter 24

19 1 31
                                    


Madilim na nang lumabas kami sa mall para umuwi na dahil umaga ang flight nila bukas.

I sighed.

"What's wrong?" Tanong ni Axel habang naglalakad kami pabalik sa sasakyan nya.

"Wala naman" Iling ko.

"I don't believe you" Napalingon ako sakanya nang sabihin nya 'yon.

"Why? I'm telling the truth kaya!" Tanggi ko. "May naisip lang ako," I added.

Huminto kami sa harap ng sasakyan nya.

Pumunta sya sa harapan ko at hinawakan ang magkabila kong kamay. "I'm willing to listen if you want to talk about it." He softly said.

Napangiti ako sa sinabi nya. "I'm alright, wala lang 'yon"

"Are you sure?"

I nodded. "C'mon na, nag agree ka na sa bahay ka mag d-dinner ha" Sabi ko habang inaalalayan nya ako papasok sa sasakyan nya.

"Yes boss" He smiles.

Umikot na sya papunta sa driver seat para sumakay. Mabilis lang ang byahe namin pauwi dahil hindi naman masyadong traffic.

"Oh, andito na pala kayo" Tita Salene said who is seating in our living room with his husband, kuya, and mom and dad. "I was supposed to text you na dito tayo mag d-dinner." She said to Axel.

Lumapit ako sakanila para bumeso isa-isa sakanila.

Sabay-sabay kaming nagpunta sa dinning area dahil ready na pala ang dinner, kami na lang ang hinihintay. Nalaman ko din na kaya pala dito sila Tita mag d-dinner kasi nga aalis na sila bukas.

Napuno ng tawanan ang lamesa namin habang kumakain nag uusap-usap lang ang mga parents namin about random things minsan naman nakikisali ako and as usual yung katabi ko tahimik lang na kumakain.

When we finished our dinner we go to the garden to have some relaxation.

"Lahat ba ng relatives nyo sainyo mag c-celebrate for Christmas?" Dad asked.

Nakikinig lang kami sakanila.

Tito Dan shook his head, "No, most of them are nag out of town."

Wait-- that one Axel's cousin is possible there...?

Pero baka wala naman diba? Sana nga.

I'm worried about him...

Hindi ko namalayan na malalim na pala ang iniisip ko kung hindi ko lang naramdaman na may humawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa gilid ko kung saan nakaupo si Axel.

"Why?" Mahinang taanong ko dahil sya ang humawak ng kamay ko.

"Are you okay?" He asked.

Agad akong tumango. "Yeah, why?"

"Parang ang lalim ng iniisip mo"

I slightly laugh, "No, I'm okay"

Tinignan nya ako na para bang sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo kaya tuluyan na akong natawa.

"Believe me" Natatawang sabi ko.

Hindi ko na lang ulit inisip 'yon at nakinig na lang ulit sa mga pinaguusapan nila. Hindi rin nagtagal ay tumayo na sila Tita para umuwi na dahil mag aasikaso pa sila para bukas.

Hinatid namin sila sa gate may dalang sasakyan sila Tita and Tito samantala si Axel naman ay dala yung sasakyan nya kaya nauna na umalis sila tita pagkatapos nilang magpaalam.

"Madison 'wag na magpagabi sa labas" Rinig kong paalala ni Dad habang papasok sila sa loob.

"Okay okay" Tanging sagot ko.

We met againWhere stories live. Discover now