𝐈𝐈𝐈

433 20 7
                                    

𝗟𝗲𝗼𝗻𝗼𝗿'𝘀 𝗣𝗢𝗩

𝘚𝘩𝘦𝘵! 𝘚𝘩𝘦𝘵! 𝘚𝘩𝘦𝘵! 𝘒𝘪𝘴𝘴 '𝘺𝘰𝘯, 𝘱𝘶𝘵𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘢𝘢𝘢𝘢!!!!

Dahan-dahan siyang bumitaw sa akin,
"Hindi ka pa rin marunong humalik, dios mio!"

Namula ako, kahit naman in real life hindi ako nagka girlfriend. Hanggang talking stage lang ako sa mga lalaki. hehe.

"B-bakit mo ba ako hinalikan, baka may nakakita sa atin isumbong pa tayo.."

"Magsusumbong ka ba, Maria?" hinaplos niya ang pisngi ko, hala si accla masyadong wild!

"H-hindi naman..
Naasiwa lang ako, alam mo na."
sabi ko sabay iwas ng tingin, hindi ko talaga kinakaya.

"Ana.. Maria.. Tawag na kayo!" sigaw ni Luisa, sinabayan niya ako sa paglalakad papunta sa bulwagan kung nasaan ang mga nasa alta sosyalidad.

Panay ang bulungan ng mga kababaihan ng pumasok kami sa loob, luh akala mo hindi rinig.. Wow ha! May mga lalaki naman sumusulyap sa akin, at kay Ana.

Dahil alam ko ang mga signals, sinenyas ko na hindi ako interesado. Balakayodyan.

"Señores y Señoras.. Tayo'y nagtipon ngayon gabi para ipagdiwang ang kaarawan ng aking kumpadre, Señor Eduardo Navarro de Verenación y Villadolid. Nawa'y pagpalain ka pa ng panginoong dios ng mahabang buhay, ng sa ganoon ay makita mo ang mga magiging supling ng iyong unica hija na si Ana. Salud¡" sambit ng aking Papá.

Aaminin ko, medyo na offend ako na kahit mataas ang antas ng pag aaral ni Ana at nakarating na siya sa ibang panig ng mundo..

Tingin lang sa kanya ng kanyang mga magulang ay ina at asawa sa mga susunod na taon.

Nakita ko yung pagkuyom ng palad ni Ana, nagpipigil din siya.

Tatay ko naman kasi, apaka daldal!

Matapos ng gathering ay may mga umuwi, pero dahil madilim na rin.. Napag pasyahan na dito sa amin magpapalipas ng gabi ang Pamilya Navarro.

Medyo malaki nga ang bahay namin para sa aming tatlo, nasa isang silid sina Don Eduardo at Doña Valeria.

Tapos ito.. Si Ana, katabi ko. Ang awkward.

Nakatalikod siya sa akin, nakasuot na lang siya ng 𝘤𝘢𝘮𝘪𝘴𝘢 at maikling palda hanggang tuhod.

"Maria, ikaw papayag ka bang magpatali na lang sa tahanan habang buhay?" tanong niya, lumingon siya sa akin.

Hindi ko nga siya natitigan ng matagal kanina, kaya ngayon ay kitang-kita ko na ang kagandahan niya. Tama nga, na batobalani ako.

"Ah.. Uhm.. Depende, kung mahal ko yung taong magiging kabiyak ng puso ko." sagot ko, actually hindi rin talaga ako sure.

"Ako, hindi. Kaya tayo sinasabihang mga 𝘵𝘰𝘯𝘵𝘢 dahil nagpapasakop tayo sa kalalakihan. Alam mo, sa Inglatera ang mga kababaihan doon iginagalang at hinahayaang maging malaya sa kung anong gusto nilang gawin sa buhay! Gusto ko rin mangyari iyon dito." aniya,

"Impluwensya ba ito ng pag aaral mo sa Europa?"

"Oo, naging mas malawak ang pag iisip ko at marami akong gustong gawin. Kaso nga lang, maantala dahil pinag aasawa na ako." nakatitig na naman siya sa akin, pansin ko kulot ang buhok niya. Naka kalat pa nga sa kama hehe.

"Doon ba, malaya din silang magmahal ng gusto nila?" bigla kong tanong, nag kibit balikat siya.

"Siguro kung hindi ka illustrado." sagot niya.

Hindi ko talaga gets ang ganitong set up, i know for some instances for financial stability pero nasaan ang love doon?

Nahiga na ako sa tabi niya, siguro naman harmless siya (?). Kaso nga lang, bigla niyang hinila palapit sa kanya at yumakap! 𝘌𝘵𝘰 𝘯𝘢 𝘣𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘦𝘹𝘤𝘪𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘵?

Unti-unti akong lumingon para i-check kung tulog nga talaga siya pero siniil na naman niya ako ng halik! Waaaah!

Humiwalay siya ng kaunti sa akin, "Hindi mo pa ba nahahalata na gusto kita, Maria Leonor? Ayoko na magkunwaring magkaibigan lamang ang turingan nating dalawa."

"Ngunit kasalanan ito, Ana.. Sa mata ng tao, sa mata ng dios." hinaplos ko ang pisngi niya, baka kasi nalilito lang talaga siya.

"Bahala na, ngunit hindi naman mapipigilan ang pusong umiibig ng tapat at dalisay. At kung mabibigyan tayo ng pagkakataong magkita tayong muli, kahit sa kabilang ibayo pa ng mundo.. Ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko."

Ayun na nga ang pinaka sweet na narinig ko na sinabi pa ng isang babae. Gahd, ang swerte ko naman!

Sumiksik siya sa akin, ramdam ko ang tibok ng puso niya. Haay, grabe.. Natatakot ako kung saan aabot ang pag ibig na ito.

Nagising ako sa tunog ng alarm ng cellphone ko, alas tres na ng hapon?!? Napabalikwas ako ng bangon, totoo bang nangyari 'yon?

Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa banyo para maghilamos, tinitigan ko pa ang sarili ko.

"Kailangan ko malaman ang lahat."

I called Prof. Sonny, one of the historians of my Alma mater, sinabi ko ang ilang detalye sa painting.

"𝘚𝘰, 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘳𝘦 𝘴𝘢𝘺𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘤𝘦𝘳𝘵𝘢𝘪𝘯 𝘈𝘯𝘢 𝘛𝘩𝘦𝘳𝘦𝘴𝘪𝘢 𝘕𝘢𝘷𝘢𝘳𝘳𝘰 𝘢𝘺 𝘨𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘪𝘭𝘭𝘶𝘴𝘵𝘳𝘢𝘥𝘰.. 𝘞𝘩𝘢𝘵 𝘢𝘣𝘰𝘶𝘵 𝘪𝘵?"

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong napanaginipan ko siya?"

"𝘐𝘯𝘵𝘦𝘳𝘦𝘴𝘵𝘪𝘯𝘨.. 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘢𝘯𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘩𝘪𝘸𝘢𝘵𝘪𝘨 𝘴𝘢'𝘺𝘰 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘨𝘪𝘯𝘪𝘱 𝘯𝘢 '𝘺𝘰𝘯, 𝘵𝘦𝘭𝘭 𝘮𝘦."

"Malabo pa sa akin ang lahat, Prof.. Gusto ko malaman kung may official records ba at kung existing si Ana Theresia."

Narinig ko ang pag flip ng pages, until he speak..

"𝘠𝘦𝘴, 𝘴𝘩𝘦 𝘦𝘹𝘪𝘴𝘵.. 𝘈𝘵 𝘸𝘰𝘸 𝘩𝘢, 𝘴𝘩𝘦 𝘭𝘪𝘷𝘦𝘥 𝘶𝘱 𝘶𝘯𝘵𝘪𝘭 96 𝘺𝘦𝘢𝘳𝘴 𝘰𝘭𝘥! 𝘚𝘩𝘦 𝘢𝘭𝘴𝘰 𝘭𝘦𝘥 𝘢 𝘸𝘰𝘮𝘦𝘯 𝘦𝘮𝘱𝘰𝘸𝘦𝘳𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘮𝘰𝘷𝘦𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘸𝘩𝘪𝘤𝘩 𝘪𝘴 𝘪𝘮𝘱𝘳𝘦𝘴𝘴𝘪𝘷𝘦, 𝘢 𝘬𝘦𝘺 𝘧𝘪𝘨𝘶𝘳𝘦 𝘧𝘰𝘳 𝘸𝘰𝘮𝘦𝘯𝘴 𝘳𝘪𝘨𝘩𝘵𝘴." aniya, wow Ana Theresia is surely amazing.

"Wait, did she mention a certain 'Maria Leonor'.."

"𝘏𝘦𝘳 '𝘨𝘰𝘰𝘥 𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥' 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘪𝘯𝘴𝘱𝘪𝘳𝘦𝘥 𝘩𝘦𝘳 𝘵𝘰 𝘴𝘵𝘢𝘳𝘵 '𝘈𝘴𝘰𝘤𝘪𝘢𝘤𝘪𝘰𝘯 𝘥𝘦 𝘮𝘶𝘫𝘦𝘳𝘦𝘴'. 𝘕𝘰 𝘳𝘦𝘤𝘰𝘳𝘥𝘴 𝘢𝘣𝘰𝘶𝘵 𝘩𝘦𝘳."

Huh, ano daw? Imposible na walang data, siguro nasira yung mga early records..

"Hmm.. Prof, the painting, do you know who's the creator?"

"𝘈𝘩, 𝘵𝘩𝘦 𝘰𝘯𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘵'𝘴 𝘰𝘯 𝘦𝘹h𝘪𝘣𝘪𝘵? 𝘛𝘩𝘦𝘳𝘦'𝘴 𝘪𝘯𝘪𝘵𝘪𝘢𝘭𝘴 𝘣𝘶𝘵 𝘮𝘦𝘥𝘺𝘰 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘣𝘰 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘰.. 𝘕𝘢𝘬𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘺 𝘥𝘰𝘰𝘯 '𝘔𝘓𝘋𝘕' 𝘱𝘦𝘳𝘰 𝘵𝘩𝘦 𝘧𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺 𝘤𝘢𝘯'𝘵 𝘤𝘰𝘯𝘧𝘪𝘳𝘮 𝘸𝘩𝘰 𝘩𝘦/𝘴𝘩𝘦 𝘪𝘴. 𝘔𝘢𝘺𝘣𝘦 𝘪𝘵'𝘴 𝘴𝘱𝘦𝘤𝘪𝘢𝘭 𝘵𝘰 𝘈𝘯𝘢 𝘛𝘩𝘦𝘳𝘦𝘴𝘪𝘢."

"Salamat po sa tulong, Prof! Padadalhan kita ng isang box ng pizza at milk tea dyan!" sabi ko, he thank me also.

Ang daming pumasok na thought sa isip ko, anong koneksyon ko kay Maria Leonor at sa Asocacíon de mujeres? Ang painting kaya, bakit MLDN lang ang nakalagay?

Haay.. Ang sakit nito sa bangs!

En Otra Vida ( In Another Life ) Where stories live. Discover now