𝐗𝐗𝐈𝐈

360 16 30
                                    

𝗔𝗻𝗮 𝗧𝗵𝗲𝗿𝗲𝘀𝗶𝗮'𝘀 𝗣𝗢𝗩

May kakaiba akong napapansin kay Leonor mula ng magtagpo ang landas namin ni Guillermo, tila iwas siya kapag napag usapan namin ang tungkol sa kanya.

Sa pagkaka alam ko'y isa siyang meztizo at nag aaral sa Unibersidad de Sto. Tomas.

Namamahala din siya ng lupa ng kanilang pamilya sa Batangas, Kawit at Bataan.

Marami ngang nahuhumaling sa kanyang mga dalaga, ngunit nabighani raw siya kay Leonor.

Ako'y kinabahan sa nalaman kong hanggang ngayon ay malaki pa rin ang pag hanga niya sa aking irog, hindi mawala sa isip ko na may posibilidad na magka gusto din si Leonor sa kanya.

Paano na lang ako?

Paano na ang mga ipinangako namin sa isa't isa?

"Señorita, kanina ka pa wala sa sarili mo..
Isang araw na lamang at kaarawan mo na, dapat ay ngayon pa lamang ay namimili na tayo ng mga sangkap!" sabi ni Aling Filemena,

"Ah, ganun ho ba.. Kayo na lang nina Nita at Artemio ang magpunta sa pamilihan, wala ho akong gana."

Umakyat ako sa aking silid, naka silip ako sa bintana at namataan ko si Leonor.

Kinawayan niya ako, nagmamadali siyang pumasok sa bahay.

"Irooooog! Naku, malapit na ang kaarawan mo!" aniya, mukha naman siyang masaya..
Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Napangiti lang ako, niyakap niya ako ng mahigpit at pinugpog ng halik.

Halatang nangulila ito sa akin, dahil ng maglapat ang aming mga labi ay naging mapusok iyon.. Hanggang sa nag niig kami.

"Tapatin mo nga ako, Leonor.. Ako pa rin ba ang sinisinta mo?"

Halatang nagulat siya sa tanong ko, tiningnan niya ako sa aking mga mata.

"Ikaw pa rin ang pinakamamahal ko, sinabi ko sa'yo na hanggang sa susunod na habangbuhay ay ikaw ang pipiliin ko."

Dama ko ang sinseridad sa salita niya, napansin kong unti-unting tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Leonor, ikaw lang ang minahal ko ng ganito."

"Alam ko, kaya ipaglalaban ko ito hanggang dulo."

Pinunasan ko ang kayang pisngi at muling hinalikan ang kanyang mga labi.

Pag gising ko'y wala na si Leonor sa tabi ko, tiningnan ko ang sulok ng aking silid ngunit wala siya.

Naghilamos muna ako at nagbihis bago bumaba.

"Señorita, ibinigay ni Señorita Maria ito.." inabot ni Artemio sa akin ang nakabalot sa papel na kanyamaso.

"Eh nasaan siya, dapat personal niyang ibinigay sa akin ito.." naka kunot ang aking noo, iniabot din nito ang isang maliit na kahon.

Isa itong amatista na kwintas, kalakip noo'y isang sulat.

"Mamaya ko na lamang ito babasahin." itinago ko iyon sa aking baro.

Naging masaya naman ang pagdiriwang aking kaarawan sa pangkalahatan, ngunit hinahanap ko si Leonor na buong araw ay hindi ko nakapiling.

Nakaupo ako sa silya kinagabihan, aking naalala ang liham na kalakip ng kwintas. Kinuha ko iyon at binuksan.

𝘐𝘳𝘰𝘨 𝘬𝘰,

𝘈𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘈𝘯𝘢 𝘛𝘩𝘦𝘳𝘦𝘴𝘪𝘢..
𝘔𝘢𝘭𝘪𝘨𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯!

En Otra Vida ( In Another Life ) Where stories live. Discover now