𝐗𝐈𝐗

481 17 12
                                    

𝗟𝗲𝗼𝗻𝗼𝗿'𝘀 𝗣𝗢𝗩

Hindi ko kapiling ngayon ang aking irog ng ilang araw dahil ngayon dumalaw sa tahanan nila ang kaibigan niya na si Izadora.

Hindi siya nakapunta sa piging noong una dahil nagpunta sila ng Cavite para makipag kita sa mga kamag anak. Iyon ang sabi sa akin ni Ana.

Nababagot ako dito sa tahanan namin, gusto ko sanang magpunta sa kanila kaso nga lang hindi niya rin ako maasikaso, kaya nagpasama na lang ako kay Julieta sa pamilihan.

Habang pumipili ako ng pasalubong, panay naman ang reklamo ni Julieta dahil marami na nga raw ang dala niya.

Mga dalawang basket yata 'yon, isa para sa mga prutas at isa para sa mga kakanin.

Matapos naming mag hintay ng kutsero at mailagay sa kalesa ang lahat, sumakay na kami.

Hanggang sa pag uwi ng bahay, iniisip ko kung ano ang ginagawa niya.

"Hija, anong ginagawa mo rito sa silid mo.. Hindi ba't magpupunta ka kina Ana?" tanong sa akin ni Mamá,

"Hindi po kami magkikita ngayon, mananahi na lang siguro ako.." sagot ko,

"Halata namang hindi mo gagawin iyon, para saan pa't bumili ka ng pasalubong?
Dalhin mo na sa kanila, pihadong matutuwa si Ana sa dala mo!"

Ang supportive naman, grabe!

"Tutal, mapilit kayo.. Magpupunta na po, maghahanda lang ako. Kumuha na lang din kayo sa lalagyan ng mga kakanin kung ano ang ibig ninyo, dahil hindi ko naman madadala lahat."

Umalis na si Mamá, tumayo na ako sa kama at naghanda na.

Matapos ng halos isang oras, bumaba na ako sa silid at inutos sa mga trabahador na buhatin ang dalawang lalagyan sa karwahe.

Umalis na kami.. Pero ano 'tong nararamdaman ko, parang kakaiba?

Pagdating ko sa kanila, agad naman akong inasikaso ni Nita..

"Señorita, hindi ninyo po sila naabutan.. Halos kaalis lang din nina Señorita Ana at Señorita Izadora.."

"Nasaan sila kung ganoon?"

"Inaya kasi ni Señorita Ana na mamasyal sa isa nilang kaibigan sa Intramuros si Señorita Izadora. Baka manayang hapon o gabi na sila makakauwi."

Hindi naman dapat ako manibugho pero bakit ganito.. Naupo na lamang ako sa silya para magpahinga.

Ngunit hindi talaga ako mapakali, tumayo ako at naghanap ng maaring gawin.

Hapon na ng bumalik ako sa Casa at naabutan ko nga si Ana..

Masaya siyang nakikipaghuntahan sa kaibigan niya, nagulat ako ng marinig sa bibig nito na,

"Ana, gusto kita. Hindi ko na maitago itong nararamdaman ko sa'yo, matagal na kitang ninanais makasama. Nawa'y pag bigyan mo ang  pag ibig na alay ko."

Nakatulala ako.. Hindi ko nga alam na tumutulo na ang luha sa mga mata ko.

Hahakbang na sana ako ng makita ako ni Nita,

"Señorita Maria, saan kayo pupunta?"

Napalingon naman si Ana, pero hindi na ako sumagot..

Binilisan ko ang lakad ko, "Maria!!!" tawag niya, pero hindi ko 'yon pinansin..

Nakalayo na ako, masyadong masakit para sa akin ang magtagal pa doon.

Hinintay ko na may dumaan na kutsero, sasakay ako pauwi.

En Otra Vida ( In Another Life ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon