𝐈𝐕

361 19 5
                                    

"Therese, may natanggap ka ba na sulat galing kay Prof. Sonny nitong nakaraan?" Patty asks, Therese went to her seat as they eat lunch.

"Bakit daw, something important ba?" she said,

"About kasi kay Nana Tere, he's asking about her organization too.. Yung 'Asocacíon de mujeres'. Mommy's the Chairperson di ba.." Patty waits for Therese to answer the question.

"Oo, but it's not that big as it was like before. Eh bakit naman tinatanong?"

"The exhibit where the portrait of Nana Tere is displayed, may curious daw kasi. Ayaw lang ipabanggit ang pangalan."

"I'll send a letter to him na lang, i want to know who's that 'ayaw ipabanggit ang pangalan' is."

"Ok, and Ris.. Onemig will drop by, ayain ka daw lumabas for dinner!" Patty wiggle her brows.

Therese roll her eyes, she doesn't like Onemig pero heto, pinipilit siya ng kapatid niya.

𝗧𝗵𝗲𝗿𝗲𝘀𝗲'𝘀 𝗣𝗢𝗩

Here i am at 'Asocacíon de mujeres' an NGO that promotes women empowerment through many things like, livelihood, legal assistance, etc.

My Mom, Teresa was named after Ana Theresia her great aunt.

Na actually, where my name came after din..

Anyway, these women are my inspirations in life.

"Maaaaaa!!!!" i shouted as i approach my Mom who's busy at her paperworks.
I kissed her forehead before i take a seat.

"Ang aga mo naman, Ris.. Wala ka bang pagkaka abalahan bukod sa guluhin ako dito?" napakunot ang noo ko, seryoso ka ba Ma?

"Mamimiss mo ako kapag nagpunta ako sa Manila, wala nang mangungulit sa'yo." sabi ko, Mama is silent too.

"Ma, si Nana Tere po ba.. Bakit hindi pala siya nag asawa?" i ask, well hindi naman sa chismosang kapitbahay ako..
Gusto ko lang talaga malaman.

Tiningnan naman ako ni Mama, huuy Ma, alam kong nagmana ako sa'yo! Charoot! :p

"Sabihin na nating may.. Pagka boyish ang Nana Tere, pero hindi halata kasi ang pino niya kumilos." sabi niya, inayos niya ang mga papel at sinalansan ang mga ito sa folder.

"Sa paningin ng lahat, babaeng-babae siya. Nakita mo ba yung old photographs natin sa ancestral house.. Napaka ganda niya." she added,

"Ma, physical naman yun eh.. I mean, hindi ba siya nag mahal?"

"See that?" itinuro ni Mama ang malaking painting sa likuran ko, hindi ko nga napansin 'yon for the longest time na tumatambay ako sa office.

"Sino 'tong katabi ni Nana Tere?" lumapit ako doon at tinitigan ko, she seems so happy with her.

"That's Maria Leonor De Jesus y Narvasa, her lover."

I'm so shookt, ang gandang babae ni Nana Tere.. Tapos maganda rin ang jowa! Wow, sana ol!

"Talaga ba, Ma???"

"Hay nako, kung gusto mo talaga ng chismax puntahan mo si Rizalito, yung kamag anak ni Artemio Garcia, dating kutsero nila Nana Tere. Marami kang malalaman!" tumayo si Mama at hinila ako palabas ng opisina, luh grabe!

Isinara ni Mama ang pinto, naka busangot akong nagpunta sa lobby at doon ko nga nakita si Kuya Rizalito.

I approach him with a big smile on my face, naka ngiti din naman siya sa akin. He's our family's head security, third generation na siya ng mga Garcia who served us.

"Ma'am Therese, ano po pinaalis na naman kayo ni Ma'am Teresa?" he said,

"Opo hehe, nothing new.. Ilang araw na lang papunta na ako sa Manila for a corporate job. Nilulubos ko na ang pang iinis!"

"Ay, Ma'am.. May pinaabot ho ang inay sa inyo, sandali kukunin ko!" nagtaka naman ako, inabot niya sa akin ang isang parihabang lata. Ewan, ano ba 'to?

"Parting gift ba 'to, Kuya?" medyo nabigatan ako kasi may laman talaga siya.

"Ang sabi ng Inay, ibigay ko raw sa kahit sinong miyembro ng Pamilya Navarro. Eh ikaw ang naisip ko, so ayan."

"Thank you siguro?" sabi ko, ano kaya 'to?

En Otra Vida ( In Another Life ) Where stories live. Discover now