𝑰𝒍𝒐𝒊𝒍𝒐

354 16 0
                                    

Magkakasamang umuwi sa Iloilo sina Leonor at Ana Theresia, pati na rin sina Leon at Isabela.

Ito ang unang pagkakataon na makakauwi sa probinsya ang mag anak.

Masaya naman ang mga bata na nakasakay sila ng barko sa unang pagkakataon, ganun din ang kanilang mga magulang.

Matapos ng ilang oras na paglalakbay sa dagat ay sumakay naman sila ng kalesa pauwi sa malaking mansyon ng pamilya Navarro.

Ilang buwan makalipas ng sabay na yumao ang mga magulang ni Ana dahil tinamaan sila ng sakit mula noong nanggaling sila sa Espanya, masakit man sa kanya na naiwan siya ng mga ito.. Mas itinuon na lamang niya ang panahon para maging produktibo.

"Mamá, napakalaki pala ng tahanan ninyo!" ika ni Leon, buong mangha niyang tiningnan ang paligid na may mga mamahaling muwebles.

"Tahanan natin, hijo. Pwede rin tayong dumito kapag gusto ng iyong Inay." aniya, tiningnan ni Leon si Leonor,

"Inay, maaari po ba tayong dumito kapag wala akong eskwela?" tanong nito sa kanya.

"Maaari naman anak, medyo mahirap lang ang biyahe." sagot ni Leonor.

Dumating naman ang isa sa nangangasiwa ng bahay, si Leticia.

"Señora, nakahain na po ang pananghalian, maari na po kayo kumain!" sambit ni Leticia,

Inaya na ni Ana ang lahat na kumain, gaya ng nakasanayan si Leonor ang papakain kay Isabela. Si Leon nama'y minsan sinusubuan ni Ana ngunit tumatanggi na ang bata dahil "binata" na raw siya.

Tahimik na kumain ang mag anak, marahil ay pagod sila para mag kwentuhan.

Matapos noon ay pinag pahinga ni Ana ang mga bata, kasama ng dalawa pang kasambahay ay nagpunta na sila sa silid.

"Leonor, irog ko.. Matulog muna tayo?"

"Ha, matutulog lang?"

"Ang halay mo, pagod ako kaya halika na!"

"Oo na, matutulog lang." 

Nakatulog nga sila sa silid, magkayakap silang nagpahinga.

Hapon na ng magising si Leonor, wala si Ana sa tabi niya. Nag ayos siya bago bumababa, pag punta niya sa sala ay naabutan niya ang mga bata na may mga bagong kalaro.

"May mga kalaro ka na kaagad, Leon.. Marami ka talagang magiging kaibigan, anak ko." aniya,

"Inay, sila pala sina Alejandro, Andres, Adela at Carlota. Mga anak po sila ng kaibigan ni Mamá!"

Nagmano ng ang mga bata kay Leonor, nagpaalam muna siya para maghanda ng meryenda.

Pagpunta ni Leonor sa kusina, lalabas na si Ana na may dalang meryenda.

"Kagigising mo lang, irog? Halika na, kumain na tayo ng niluto kong kamote.." ika ni Ana,

"Hala, akala ko wala pang makakain.. Sige, halika na. Ako na ang magdadala nito, irog." kinuha naman ni Leonor ang lalagyan at nauna na maglakad.

Napakamot na lang sa sentido si Ana at sumunod.

Masayang nagkukwentuhan ang mga bata, natutuwa naman sina Ana at Leonor na hindi mahiyain si Leon pagdating sa pakikipag usap.

"May inaasahan ka bang bisita mamaya, irog?" tanong ni Leonor, tiningnan siya ni Ana at umiling.

"Bakit mo naman naitanong?"

"Wala naman, irog."

Naisip ni Ana na nagseselos na naman si Leonor dahil kay Juan Miguel, hinawakan niya ang kamay ng huli at dinampian ng kanyang labi.

En Otra Vida ( In Another Life ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon