𝐗𝐗

441 14 4
                                    

𝗟𝗲𝗼𝗻𝗼𝗿'𝘀 𝗣𝗢𝗩

Matapos naming magka ayos ni Ana, hindi na naman kami mapaghiwalay.

Siguro nga ganoon kapag mahal mo, gusto mo laging kasama.

Sa ngayon namamasyal kami sa Intramuros, ang daming tao na nakikita ang katayuan sa buhay sa pamamagitan ng pananamit.

Tinitingnan ni Ana ang bawat nagtitinda, babae at mga bata.. Halata sa mukha niya ang pagkayamot sa antas ng pamumuhay na nararanasan ng mga ito.

Kahit naman nasa alta sosyalidad ang mga gaya namin ay marunong pa rin kaming makiramdam sa kung anong nangyayari sa bansa.

"Hirang, sa palagay mo may magagawa tayo kahit papano na makakatulong sa kanila?" tanong niya sa akin,

"Naisip ko na bigyan natin sila ng sobrang salapi?"

"Pwede rin, pero paano kung maubos iyon.. Siguro'y kailangan silang turuan ng makabagong kaalaman.. Para nang sa ganoon ay makatulong sa kanilang pang araw-araw na gastusin."

I stan the right person right here!

Binulungan niya si Nita, lumapit ito sa grupo ng kakabaihan..

Nakita kong tumango ang mga ito, bumalik  naman si Nita sa amin.

"Señorita, interesado sila sa inaalok ninyong turuan sila ng pagbuburda.. Kailan daw ba sila pwedeng magpunta sa tahanan ninyo?"

"Sabihin mo sa ika-sampu ng Abril, alas nueve ng umaga. Ako mismo ang mangangasiwa." sabi ni Ana,

Matapos kausapin ulit ni Nita ang mga kakabaihan ay kinawayan kami ng mga ito at tumango bilang pagbibigay ng galang.

"Nakakatuwang makita na interesado silang matuto, nawa'y tuloy-tuloy na ito!" ngiting sambit ng aking hirang, napaka buti ng puso niya.

Pag uwi namin sa kanilang tahanan ay naroon si Don Eduardo, nginitian lamang kami nito at hinayaan magpunta sa silid aklatan.

Pag uwi namin sa kanilang tahanan ay naroon si Don Eduardo, nginitian lamang kami nito at hinayaan magpunta sa silid aklatan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Irog, bakit nga pala tayo narito?"

"Hmm.. Hindi mo ba ibig magbasa?"

"Gusto, pero mas nais kong maglakad sana sa labas dahil maaliwas ang panahon."

"Hindi ko alam kung lumilipad ang iyong diwa o sadyang manhid ka, hirang."

Parang doon pa lang alam ko na ang ibig niyang sabihin.

Kumuha siya ng libro at naupo sa silya, hindi na niya ako pinansin.

Lumapit ako sa kanya, pilit kong kinukuha ang atensyon niya pero hindi niya mabitiwan ang libro.

"Ana, aalis na lang ako kung hindi mo rin naman ako kakausapin!"

"Por dios por santo, Maria Leonor!" inis na turan niya, hinapit niya ako para halikan.

En Otra Vida ( In Another Life ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon