𝐗𝐗𝐕𝐈𝐈

347 17 16
                                    

𝗟𝗲𝗼𝗻𝗼𝗿'𝘀 𝗣𝗢𝗩

Pista ng patay ngayon at dumalaw kami sa musoleo ni Guillermo sa Kawit, ako, si Ana at si Leon.

Habang nagsisindi ako ng kandila para kay Guillermo, pansin kong tahimik ang aking anak. Naka tingin siya sa larawan na naka silid sa lapida ng kanyang Itay.

"Inay, bakit po maagang namatay ang Itay?" inosente niyang tanong sa akin,

"Hijo, naaksidente ang iyong Itay noong iniligtas niya ang isang binatang nalulunod."

"Ganun po ba, napakabuti naman po pala ng Itay."

Pinalapit ko siya sa akin para yakapin,

"Leon, kahit hindi naging matagal ang pananatili ng iyong Itay sa mundong ito, ipinaramdam niyang mahal niya tayong dalawa."

Nakita kong pinipigilan ni Leon na lumuha, noong hindi na niya matiis ay sumiksik siya sa leeg ko at naramdaman ko na nga ang hikbi niya.

"Tahan na, anak.. Sigurado akong binabantayan ka ng iyong Itay, kaya lagi mo siyang ipagdarasal ha.." inalo ni Ana si Leon,

"Sige na, kausapin mo ang Itay.. Ikuwento mo ang mga ginagawa mo." sabi ko, sumunod naman siya sa akin.

Umayos siya ng tayo at pinunasan ng panyolito ang kanyang mukha.

"Itay, alam mo po bang inaalagaan ako ng husto nina Inay at Mamá Theresia, kahit po sina Tio Francisco at Tia Selina ay hinahayaan akong maglaro kasama si Maria Antonia.

Tapos po, sa gabi.. Alam nyo po bang nagdarasal pa rin sina Inay at Mamá, kahit tapos na ng alas sais? Naririnig ko po kasi, 'Diyos ko, Ana!' tapos 'Sabay tayong abutin ang langit, Maria!' nakakausap ka po ba nila, Itay?"

Inosenteng tanong ng anak ko, gusto ko man siyang paluin ay ako naman ang mananagot kay Ana. Mabuti na lamang at iilan ang dumalaw, tinakpan ni Ana ng pamaypay ang kanyang bibig dahil kanina pa niya pinipigilan humalaklak. Dios mio, naririnig kami ng batang ito!

"Hijo, hindi ko sinabing pati ang bagay na iyan ay ikuwento mo.. Sana yung mga pinagkakaabalahan mo sana gaya ng pag pasok sa eskwela, pag pinta at pag awit."

Ginigigil ako ng batang ito, lord above!

"Munting Leon, maigi pang magdasal ka ng taimtim.. Uuwi rin tayo mamaya, sige na." sambit ni Ana, pumikit si Leon at nagdasal.

Matapos naming dumalaw sa sementeryo ay umuwi kami sa aming tahanan malapit sa mga magulang ni Guillermo, ito ang unang pagkakataong nakita ni Leon ang bahay na mamanahin din niya pagdating ng panahon.

Matapos naming dumalaw sa sementeryo ay umuwi kami sa aming tahanan malapit sa mga magulang ni Guillermo, ito ang unang pagkakataong nakita ni Leon ang bahay na mamanahin din niya pagdating ng panahon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sinalubong siya ng kanyang Abuelo at Abuela, nagmano siya sa mga ito. Natutuwa ang mga magulang ni Guillermo na kahit wala na siya ay inaalala ko pa rin sila.

Alam ng mga ito ang tungkol sa amin ni Ana, hindi naman sila tutol. Tinutulungan din niya ako pamahalaan ang mga negosyo na naiwan ni Guillermo.

Inanyayahan nila kami na maghapunan, naupo na kami sa silya.

Pinaghain ko ang aking mag ina, natuwa si Leon na paborito niyang mechado ang ulam bukod sa adobar at tinola.

May naalala akong nakakatawang tagpo sa tinola, napailing na lamang ako.

"

Inay, ano pong nangyayari?" usisa ng aking Leon, ginulo ko na lamang ang kanyang buhok.

Napag usapan namin sa hapag ang epekto ng digmaan at pinakiusapan kami ng mga magulang ni Guillermo na manatili dito, sinabi ni Ana na hindi niya basta maiwan ang mga kababaihan na nagbuburda. Ako nama'y ganun din, may mga trabahador sa daungan na inaalala ko.

"Kung maaari, si Leon na lamang ang maiwan dito. At kapag naayos namin ang mga bagay-bagay ay dito rin muna kami mamamalagi." sambit ko,

Umayon naman sina Ana at mga magulang ni Guillermo, maayos naman dito at maaari namang lumipat ng eskwelahan si Leon.

Matapos noo'y maaga kong pina akyat sa silid si Leon para makapag pahinga, kami naman ni Ana ay naglakad sa hardin.

Liwanag mula sa mga suló na naka sindi ang tanglaw namin, nakaupo kami sa mahabang bangko.

"Irog, madali lang sa atin ang lumipat ng matutuluyan pero yung mga taong umaasa sa atin ang maapektuhan." nangangambang sambit ni Ana sa akin,

"Hayaan mo, titipunin ko muna ang mga trabahador at magpupulong kami. May napakiusapan na rin sina Papá na pwedeng tuluyan ng mga tao kung lumala ang sitwasyon ay isasama ang mga pamilya nila."

"Mabuti naman kung ganoon, kahit papaano ay lumuwag ang pakiramdam ko." 

Niyakap ko si Ana ng mahigpit, ako rin nama'y natatakot dahil nagsisimula na rin sa ilang lungsod ang rebolusyon.

Natutulog ng mahimbing si Leon sa pagitan namin ni Ana, tinitigan ko lamang ang anak kong nakuha ang pagka meztizo ni Guillermo ngunit nakuha ang biloy at hugis ng aking mga mata. Lumapit ako ng kaunti para halikan ang kanyang noo, yumakap naman siya sa akin.

"Irog, baka naman matunaw ang bata..."

"Ikaw talaga, binibiro mo ako."

"Ano ang tumatakbo sa isip mo, Leonor?"

"Ang kinabukasan ng nag iisa nating anak, Irog paano kung magpunta tayo sa Europa?" bigla kong tanong kay Ana,

"Maganda naman doon, ngunit ang klima ay hindi naman akma sa atin. Mas gusto ko dito, mahal ko."

Tumungo ako, may punto naman siya.. Maaring hindi kami umayon sa klima at pakikisalamuha ng mga tao doon.

Natulog na kami, pinatay ko na ang ilaw.

En Otra Vida ( In Another Life ) Where stories live. Discover now