𝐗𝐈

523 28 8
                                    

Nagising akong wala na sa tabi ko si Ana, siguro'y nag handa na siya ng agahan.

Pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin ang aking mahal, dala ang lalagyan na may pan de sal at kape.

"Magandang umaga, halina't kumain ka na.."

"Salamat, aking irog. Saluhan mo ako, paano ko ba naman mauubos ito."

Naupo siya sa tabi ko, kumain kami ng sabay.

"Leonor, naisip ko lang.. May panahon bang mag aral si Julieta?" tanong niya sa akin,

"Ah.. Ang alam ko, hindi na siya tumuloy sa sekundarya dahil namatay na ang kanyang ama.. Kaya napilitan siyang mamasukan sa amin, bakit mo pala naitanong?"

"Nais ko sana silang ipadala ni Nita sa Colegio De Santa Rosa, para makapag aral."

Napangiti ako, natural talaga sa kanya ang pagiging matulungin.

"Kay buti ng puso mo, hirang.. Kaya lalo akong napapamahal sa'yo."

"Gusto ko kasing itaas ang antas nating mga babae, ayokong maging hadlang ang ating kasarian para sa pantay na pagtingin sa atin." aniya,

"Kailan pala darating ang sinasabi mong kaibigan?" tanong ko sa kanya,

"Susunduin namin siya mamaya, kaya pagkatapos mo riyan ay sabay na tayong maligo." sagot ni Ana sa akin, kinindatan pa niya ako.

Sa mga nagtatanong, walang nangyari kahit gusto ko.

Matapos namin maligo ay nag gayak na kami, isa sa pinaka sweet na nagawa ni Ana sa akin ay ayusin ang aking panuelo at tapis.

Syempre hindi mawawala yung mga nakaw na halik, pinigilan kong hindi buhatin si Ana at baka ideretso ko na naman siya sa kama.

Lulan ng kalesa ay umuwi ako sa aming tahanan, nagulat pa nga ang aking Papá ng makita akong bumaba.

"Hija, akala ko sa makalawa ka pa uuwi?"

"Ah, tungkol ho doon ay umuwi lang talaga ako para sabihin sa inyo na pupunta ako kina Ana dahil may pagtitipon. Kukuha lamang ako ng aking mga damit para okasyon."

Hindi naman nag protesta si Papá at hinayaan na lang ako, nakasalubong ko naman ang Mamá pag akyat ko sa silid ko.

"Maria, mukhang napapadalas ka sa mga Navarro.. Mamaya baka mapagkamalan kang anak ni Don Eduardo." aniya, natawa lang ako pero malapit na.

"Mabuti nga po at naroon lang ako, hindi ako nagliliwaliw gaya ng sinasabi ni Luisa.
Hindi naman po ako nakaka abala doon, sadyang nilulubos ko lang ang panahon namin ni Ana sa isa't isa.. Lalo na't baka ireto niyo na kami sa mga binata."

Hinawakan ni Mamá ang mukha ko,
"Hija, lagi kang mag iingat.. Hindi ko alam kung kailan kami mawawala sa mundo, pero isang bagay lang ang sigurado ako.. Naibigay at naipadama namin sa'yo ang pagmamahal at aruga. Makita kitang lumaki ng ganito ay sobra na akong galak, gawin mo ang makakapag pasaya sa iyo."

Nakakaiyak ang sinabi ni Mamá, niyakap ko siya. Pinunasan namin ang luha ng isa't isa bago kami mag hiwalay.

🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹

Unti-unti namang nagsidatingan ang mga bisita sa tahanan ng mga Navarro, lulan ng kanilang mga karwahe.

Nag iisa ako na naka tanaw sa bintana ng may humawak sa baywang ko, si Ana.

"Bakit ka naman nandito, Irog? Halika, ipapakilala kita sa iba pang bisita." aniya, sumama naman ako.

Isang grupo ng mga meztiza ang nakita naming nag uusap habang nakatakip ang mga pamaypay sa kanilang bibig, animo'y sila-sila din ang nakakarinig ng kanilang sinasabi. In modern era, mga chismosa.

En Otra Vida ( In Another Life ) Where stories live. Discover now