CHAPTER TWENTY-THREE

117 5 0
                                    

PROMISE RING

KYLIE POV

Nagmamadaling lumabas ako ng house. Biglang tumawag si Carlo at gusto akong makita.

Mula sa malayo, nakikita ko na ang nakatalikod na si Carlo. May ngiti sa labing naglakad ako papunta sa kaniya.

Iba pa rin ang feeling kapag makakaharap mo ang lalaking mahal mo. Nandito pa rin yung excitement at hiya sa tuwing kasama ko si Carlo.

Masayang-masaya ang puso ko kapag kasama ko siya palagi.

Humarap sa akin si Carlo at mahigpit niya akong niyakap. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.

"Biglaan naman ata ang pag punta mo dito." Ngumiti lang sa akin si Carlo.

Hinawakan niya ang kamay ko. "I miss you kaya nagdecide ako na puntahan ka."

Hindi ko mapigilan ang kiligin. "Ikaw talaga."

Inaya ko sa loob ng bahay si Carlo. Sinabi ko sa kaniya na ipapakilala ko siya sa magulang ko. Hindi naman umangal si Carlo at gusto pa nga niya ang idea na ipakikilala ko siya sa magulang ko.

Pinagmamasdan ko si Carlo. Mukha namang okay lang siya. Hindi ko nakikita na kinakabahan siya or what..

Napatingin siya sa akin at ngumiti.

"Mom, Dad. This is Carlo Tolentino." Pagpapakilala ko kay Carlo.

Ngumiti si Mom. "Hello, Iho. Nice to meet you."

"Nice to meet you din po Ma'am, Sir." May ngiti sa labing sagot ni Carlo.

"Boyfriend mo ba siya anak?" Seryosong tanong ni Dad. Sasagot na sana ako ng pigilan ako ni Carlo at siya na ang sumagot sa tanong ni Dad.

"Hindi pa po Sir and I want to formally introduce my self. Nililigawan ko po ang anak niyo. Bago po ako sagutin ni Kylie. Gusto ko po na hingin ang permisyo niyo. Kung papayagan niyo po ba ako sa buhay ng anak niyo." Matapang na pahayag ni Carlo sa magulang ko.

Natahimik sandali si Dad at kalaunan ay ngumiti.

"Hindi ka ba natatakot na ilayo ko sa'yo ang anak ko iho?" Tanong ni Dad.

Agad na sumagot si Carlo sa tanong ng ama ko.

"No, Sir. Alam ko po na mabuti kayong tayo dahil napalaki niyo ng mabuting tao si Kylie. Naniniwala ako na hindi niyo sasaktan ang nag-iisa niyong anak." Matapang na sagot ni Carlo.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Carlo. Si Dad naman ay ngumisi kalaunan.

"Hanga ako sa tapang mo Iho. Ang anak ko na ang bahala sa'yo dahil siya naman ang makakasama mo at hindi kami. Hindi ko kailangan na magparesko ka sa amin o magpakitang gilas. Ang mahalaga sa amin ng asawa ko ay makitang masaya ang anak ko. Hindi ko kailangan bantaan ka dahil simula ng makilala mo ang anak ko. Tahimik ang buhay niya. Kaya kung sakali man na may balak kang saktan ang anak ko. Isipin mong mabuti kung karapat-dapat bang saktan si Kylie." Pahayag ni Dad.

Naluluhang ngumiti ako kay Dad.

"Binibigay ko sa anak ko ang disisyon kung para sa kaniya ay kayo talaga ang para sa isa't-isa. Hindi kami tutol ng asawa ko. May tiwala kami kay Kylie na alam niya ang ginagawa niya." Dagdag pa ni Dad.

I mouthed 'thank you dad'

Nagtama ang paningin namin ni Carlo. Ngumiti kami sa isa't-isa.

Mabuti na lang at walang ano mang pagtutol si Dad. Very supportive talaga siya pagdating sa akin. Never nakialam ng parents ko sa buhay pag-ibig ko.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon