CHAPTER ONE

2K 40 0
                                    

FIRST DAY

KYLIE POV

Kinakabahang napatingin ako sa mga estudyanteng nakatingin sakin. bakit kailangan na lumipat pa ako ng University?

Nakakainis! mabait naman ako, bakit kailangan ilipat ako ng parents ko sa new school. wala akong kilala ni isa sa kanila.

Hinihintay ko lang si Ma'am Nelly para malaman kung saan ang classroom ko. napatingin ako sa kaliwang bahagi kung saan may lalaking naglalagay ng mga bags ng mga estudyante sa maliit na elevator.

Okay pala dito, hindi na kailangan buhatin ang bag kasi mahihirapan mga estudyante. gayung ang mga classrooms dito eh sa second floor or third floor pa saad ko sa isip ko.

Nakita ko si Ma'am Nelly na may mga kasamang limang babae na sa tingin ko, kaedad ko lang.

"Iha, eto nga pala si julie santos."

Pagpapakilala ni Ma'am Nelly. Pagkalapit niya sa kinaroroonan ko. si Ma'am Nelly ang principal ng school na pinapasukan ko ngayun.

Napatingin ako sa babaeng pinakilala sakin ni Ma'am. Maliit na babae pero maganda. "..Hi! Ako nga pala si julie at eto namang mga kasama ko si Ayessa Gaile Domingo,Gabby Cortes, Alexandra Perez at si Daryle Ann Pablo"

Nakangiting pagpapakilala sakin ni julie. Napatingin ako sa kanila at ningitian ko lang sila. nahihiya ako sobrang ganda nila.

"Iha sila ang magiging classmate mo and julie ikaw nang bahala kay kylie okay ba? Marami pa akong dapat asikasuhin" bilin ni Ma'am Nelly kay Julie. "Sige po, kami na pong bahala sa kaniya." tipid na ngiti ang binigay sakin ni Ma'am. bago siya umalis.

"Kylie pangalan mo right? Halika na kailangan na nating pumila dahil baka maabutan tayo ni Sir Carrera. Ang sungit pa naman 'nun pero bago 'yun ibigay muna natin kay kuya Ben itong bag mo. Hintayin na lang natin sa labas ng classroom mga bags natin." saad niya at ngumuso. Ang cute n'yang tignan pag ginagawa niya 'yun. "Sige, salamat sa inyo." nakangiti kong tugon sa kanila.

Nakaupo ako sa harap. katabi ko ang magbestfriend na si alex at nikki. mabait sila sakin, sila julie at yung kasama niya na pinakilala sakin ni Ma'am Nelly ay nasa bandang likuran lang namin. pagkatapos ng klase, bumaba na kami para mag-intay sa mga sundo namin. Yung iba umuwi na kasama sundo nila. since wala naman akong masyadong kilala dito. n
Napagisipan kong umakyat sa classroom namin ng may nakita akong dalawang tao na nag-uusap. nakita ako ng lalaki kaya napalingon din sakin ang kasama n'yang babae na si alex pala, lumapit ako sa kanila.

"Anong ginagawa n'yo dito? Wala pa ba sundo niyo?" Tanong ko sa kanila. nagkatinginan muna ang dalawa bago sagutin ang tanong ko.

"... ahh, Oo. Hinihintay pa namin yung sundo namin kaya nandito pa kami. Pupunta naman dito si kuya ben. Pag nand'yan na sundo namin." sagot niya. tumango na lang ako bilang tugon.

Napansin kong medyo namumula ang mata ni alex. tahimik naman sa tabi nya si floyd na classmate lang din namin.

"Alex, may problema ba?" Tanong ko ng mapansing nagpunas siya ng luha niya. umiiyak na pala siya.

"...wa-wala to. Naalala ko lang kasi yung nangyari kanina. Pagkatapos nating bumaba para ibaba mga gamit natin." sagot niya. napansin ko din kanina na parang mayroong hindi pagkakaunawaan sila julie at ng grupo nito na dahilan para kamuntikan ng mag-away sila ni alex.

"Ano bang nangyari? bakit parang mag-aaway na kayo nila julie kanina habang pababa tayo?" Tanong ko. nagpunas muna ng luha si alex bago niya sagutin tanong ko.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon