CHAPTER EIGHT

893 28 1
                                    

MR. FEELINGERO

KYLIE POV

Isang linggo na ang nakalilipas. pagkatapos ng nangyare sa Gym. hanggang ngayun naiinis pa rin ako kay Red. Sa isang linggo na hindi ko siya kinakausap eh todo effort naman siya para mawala ang galit ko. Nagsorry din naman siya sakin pag kabalik namin sa classroom pero hindi ko siya pinapansin o tapunan man lang ng tingin.

Pinahupa ko muna ang inis ko para hindi kami mag-away. Yun ang isa sa rason kung bakit wala akong oras para sa mga effort niya na magkaayos kami.

Sana man lang may maganda s'yang gawin ngayung araw para nawala na ang inis ko sa kanya. Second monthsary namin ngayun at siguro mamaya makikipag ayos na ako sa kanya. Siguro naman magtatanda na siya.

Kakatapos lang ng Filipino Sub namin ng lumapit sakin si Floyd.

"Ano hiniwalayan mo na ba?" Tanong ni floyd. napakunot noo naman ako. simula ng araw na pinagtanggol niya ako walang araw na hindi sinasabi sakin ni floyd na hiwalayan ko si Red. pero hindi ako nakikinig sa kanya.

Nakit kong nilabas niya ang water bottle niya sa bag. lumapit siya muli sakin.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko pagkuwan. tumingin siya sakin sabay taas ng hawak n'yang bottle water.

"Kukuha lang ng tubig sa water dispencer" Umalis na si floyd sa classroom. mga ilang minuto ang lumipas ng narinig ko ang boses ni Floyd sa labas ng Door.

Lumapit siya sakin sabay hablot sa kamay ko. napatayo naman ako sa kinauupuan ko. Tinaasan ko siya ng kilay. aba ang sarap ng upo ko tapos papatayuin niya ako.

"Sasama ka sakin" Kinaladkad niya ako palabas. "Saan tayo pupunta? Sandali nga" Pilit kong inaalis ang kamay ni floyd pero mas lalo niya itong hinigpitan.

"Nakita ko si Red kasama si Ayessa nagpunta sila ng AVR Room" Nablangko ako. bakit sila magkasama.

Napabuntong hininga na lang ako. nandito kami sa labas ng AVR Room katabi ng Computer Room.

"Buksan mo na.."

Napatakip ako ng bibig pagkatapos kong marinig ang pinag-usapan ni Red at Ayessa. Napa 'tsk' naman si Floyd tila naitulos ako sa kinatatayuan ko. Nangigilid ang luha sa mga mata ko. Tuluyan ko ng binuksan ang pinto at doon nakita kong naghahalikan si Red at Ayessa.

"Anong ibig sabihin nito?" Tila nabalik sila sa katinuan pagkatapos kong magsalita.

"Kylie?" Gulat na nakatingin lang sakin si Red, Si ayessa naman ay tila naging maamong tupa dahil alam n'yang may kasalanan siya sakin.

"Anong ibig sabihin nito Red?" mariing kong sabi.

"Magbreak na tayo" Cold na sabi niya.

Pero bakit? Anong dalhilan?.

Pumunta ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. pulit ulit akong umiling. no! hindi ako papayag.

"No! Hindi ako papayag sa Gusto mo Red. akala ko ba mahal mo ko? bakit mo ako hihiwalayan?" Naglandas muli ang luha sa mga mata ko, Nasasaktan ako.

"Hindi kita mahal. ginamit lang kita para pagselosin si Ayessa. ngayung umamin na siya sakin na mahal niya ako. maghiwalay na tayo" pilit niya ako inaalis sa pagkakayakap ko sa kanya. nagtagumpay s'yang maalis ang kamay ko. bigla akong hinawakan sa braso ni Floyd. napatingin ako sa kanya. umiling siya ng ilang beses na nagsasabi na wag ko ng lapitan pang muli si Red.

"Umalis na tayo Kylie" Hindi ko pinakinggan si Floyd sa halip muli nagmatigasan ako sa kanya.

"Why so sudden? Bakit kung kailan hulog na hulog ako sayo tyaka mo pa gagawin sakin to? Bakit Red? Naniwala ako sayo! Pinaniwala mo akong mahal mo ako pero bakit siya pa rin! At ikaw" turo ko kay ayessa "May boyfriend ka pero nakikipaghalikan ka kay Red" Sigaw ko. napayuko naman si ayessa.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon