CHAPTER TWENTY-SIX

98 4 0
                                    

FLIGHT

KYLIE POV

After we made a promise. Hindi ko mapigilan ang nararamdam ko kaya hinila ko ang necktie ni Carlo at halikan siya sa labi.

Nagulat na lang kami ng biglang sumulpot ang mga kaibigan namin.

“Kanina pa namin kayo hinahanap. Nandito lang pala kayo naglalampungan.” Sabi ni Daniel.

“Kung ingit ka bakit hindi ka gumaya.” Sagot ni Carlo sa kaibigan.

Nagbelat lang si Daniel kay Carlo. Naupo na kami. Katabi ko sa left side si Jestine at sa right side ko naman si Carlo.

“Wait, what is this Kylie?” Tanong ni Carlo. Napansin niya ang nakasulat sa palad ko.

Nagkibit balikat ako at lumabi.

“I don't know. Si Floyd ang nagsulat niyan sa kamay ko. I asked him about this but he didn’t answer me but insted ikaw lang daw ang makakabasa nito sabi niya sakin.” Masinsinan na tinignan ni Carlo ang palad ko. Maya-maya lang ay ngumiti si Carlo na siyang pinagtaka ko.

“Si Floyd talaga..” aniya habang hindi inaalis ang pagkakangiti.

“Ano ba kasi to Carlo?” Inakbayan ako ni Carlo at wari’y nag-iisip.

“Hmm, kailangan ko bang sabihin sayo?” Tanong niya.

Tumango naman ako bilang sagot.

“I♥️ JC 4ever.”

“What?” Takang sabi ko.

“This is I, the second one is heart with leafs and JC and lastly letter 4 with ever.” He explain..

Pinagtitigan ko ng mabuti ang palad at oo nga. Tama si Carlo. Hindi ko magets nung una kasi yung heart na drawing ni Floyd ay parang apple ang hugis. Akala ko nga ay apple talaga iyon.

“Bwisit na Floyd na iyon. Kung ano-ano nilalagay sa palad ko.” Inis na sabi ko.

“Huwag ka magalit kay Floyd. Tama naman siya right?” Tanong ni Carlo. Tumango ako ng mabagal.

Natatawa na lang ang mga kaibigan namin..

“Ang ganda talaga ng lugar na ito.” sumang-ayon kami sa sinabi ni Jestine.

“Balik tayo dito after ten years kapag may stable job na tayo or sa wedding ni Kylie at Carlo.” Dagdag pa niya.

Agad kong sinita si Jestine. “Uy, magtigil ka nga. Hindi pa nga sure kung aabot kami ng ten years or more eh.”

“Wala ka bang tiwala sakin Kylie?” Sabi ni Carlo.

“Hindi sa wala akong tiwala sayo Carlo. What if dumating yung araw na parehas tayong mapagod tapos we decide na maghiwalay tayo. hindi tayo sigurado sa mangyayari satin in the future.” paliwanang ko.

“I agree. For now, I enjoy niyo lang kung anong meron kayo. Kung kayo pa rin sa huli edi maganda.” Sabi ni Ralph.

Speaking of Ralph. Hindi pa rin siya tinitigilan ni Ayessa. Gusto ng babae na makipagbalikan sa kaniya pero ayaw na ni Ralph. Sino ba naman kasi ang babalik pa sa taong sinaktan ka.

About Red, bihira ko na lang siya makita. Siguro natanggap na rin niya na hindi na kami magkakabalikan pa.

Meron na akong Carlo kaya dapat lang ma magmove on na siya sa akin kasi hindi ko na maibabalik yung dating pagmamahal ko para sa kaniya. Tyaka sobrang saya ko kapag si Carlo ang kasama ko.

Biglang nagring ang phone ni Carlo. Nag-excuse siya sa amin na sasagutin lang ang tawag.

Sinundan ko ng tingin si Carlo hanggang sa makalayo sa amin. Sino kaya yung tumawag kay Carlo.

Nakipagkwentuhan naman ako kay Jestine.

Pagdating ng alas kuwatro ay umalis na kami sa retreat center. Hinatid naman ako ni Carlo sa house ko.

Napansin ko na hindi mapakali si Carlo habang nagdadrive siya.

“Carlo, May problema ba?” tumingin sa akin sandali si Carlo at ibinalik din ang tingin sa Daan.

“Wala..” Tipid niyang sagot. Hindi na lang ako umimik hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay.

Bumaba na ako at laking gulat ko na biglang umalis si Carlo.

May problema ba siya? Ngayun lang ginawa sa akin to ni Carlo.

Kinagabihan, sinubukan kong tawagan si Carlo pero hindi man lang niya sinasagot ang tawag ko. Napagod na ako kaya itinulog ko na lang.

Kinabukasan, dumaan ako sa house ni jestine para sabay na kaming pumasok sa univ.

“Hindi ba kayo nag-away ni Carlo?” Agad akong umiling.

“Hindi. Okay pa kami nung paalis na tayo sa Retreat Center. Hindi ko nga alam kung bakit bigla siyang nagkaganun eh. Sinubukan ko pa siya tawagan pero wala talaga eh.”

Napabuntong hininga na lang ako.

“What if nagkaroon lang ng prob sa family niya kaya hindi ka niya mabigyan pansin palang. Intindihin mo na lang si Carlo, Kylie.”

Hindi na ako umimik pa. Pagkarating namin sa univ agad akong pumunta sa PGH. Laking gulat ko na nandun silang lahat except kay Carlo.

“Wala pa ba si Carlo?” Tanong ko sa kanila.

Tumayo sila at hindi ko mawari ang mga itsura nila.

Bigla tuloy akong kinabahan.

“Kylie, hindi mo ba alam na flight ngayun ni Carlo?” Sabi ni Ralph.

“Flight? What do you mean? Wala siyang sinasabi sakin.”

Nakita ko ang pagtataka sa kanilang mga mukha.

“Akala namin alam mo. Tinawagan kami kagabi ni Carlo ang sabi niya ay babalik na sila ng family niya sa US.”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Parang gusto kong maiyak.

“He did'nt say anything to me. Bigla na lang siyang hindi ma contact. Tapos malalaman ko na aalis na siya. Ano ba ako sa kaniya.” Nagmamadali akong umalis sa PGH.

Naabutan ako ni Red sa stairs.

“Kylie, sandali. May problema ba?” hindi ko na pigilan ang sariling umiyak.

“Alam mo bang babalik sa US si Carlo?” Sandaling natahimik si Red.

“Yes, Nagpaalam siya sa amin.”

“What time ang flight niya? Pwede ko pa siyang makita.” Desperadong sabi ko.

Hindi pwedeng ganito na lang lahat. kailangan kong makausap si Carlo. Girlfriend niya ako pero nagawa niyang maglihim sa akin.

“I'm sorry Kylie. Baka this time nakasakay na si Carlo at ang family niya. Wala ka ng magagawa kahit na pumunta ka pa sa airport.” Dahil sa sinabi ni Red.

Nanghihinang napaupo ako at hindi na napigilan ang lalong umiyak.

Iniwan niya ako na walang sabi-sabi. Hindi man lang siya nagpaalam ng maayos sa akin.

Bakit ang unfair mo Carlo.

Inalo ako ni Red. Niyakap niya ako.

Hindi ko akalain na sa ganito magtatapos ang relasyon namin ni Carlo.

Kung sana nagpaalam man lang sana siya sa akin ng maayos. Maiintindihan ko naman.  parang ang dali lang para kay Carlo na umalis na hindi man lang nagsasabi sa akin.

siguro wala akong halaga sa kaniya. sana dumating ang araw na makalimutan ko ang bangungot na  ito sa buhay ko.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon