CHAPTER THIRTY-FIVE

61 2 0
                                    

INDENIAL FEELINGS

KYLIE POV

Kakatapos lang ng taping at kailangan ko na pumunta sa next location. Kasama ko si Mami Nancy at sakay kami ng Van ko.

Nasa parking lot kami ng biglang lumapit samin si Greta na kasama si Carlo. Agad ako umiwas ng tingin.

Kunwari ay busy ako sa phone ko pero nakikinig pa rin ako sa kanila.

“Pasensya na sa Abala Nancy. Naflat yung Car ko. Pwede ba na isabay niyo na lang si Carlo. Tutal same lang naman ang pupunta niyo.” Ani ni Greta. Agad akong umiling kay Mami Nancy.

Hindi nagdalawang-isip si Mami Nancy at pumayag. Nadismaya ako dahil ayokong makasama si Carlo. Napairap ako at sumakay na sa loob ng Van. Sumunod na rin si Ruth na dala ang mga gamit ko.

Sa tabi ko si Carlo habang nasa likod lang namin si Ruth. Hinihintay namin si Mami Nancy pero nag-paiwan siya. Gusto niyang samahan si Greta kaya wala na ako nagawa pa.

Umalis na kami sa Tolentino Univeristy. Habang si Carlo at Ruth ay busy makipagkwentuhan..

Sinasali din nila ako sa usapan pero tanging tango at iling ang sagot ko.

Natahimik din sila ng mapagod. Nagtext sakin si Floyd at kinakamusta ako.

Sinabi ko sa kaniya na kasama namin si Carlo. Inasar pa ako ni Floyd ng dahil dun.

“Kylie..” Pukaw ng atensyon ko ni Carlo. Saglit ko siyang tinapunan ng tingin.

“What?” Inis kong sabi.

“After this pwede ba tayong mag-coffee.” Aya niya sakin.

“I'm busy..” Simpleng sagot ko. Hindi na nag-salita pa si Carlo at nanahimik.

Biglang malakas na pumreno ang driver ko. Papagalitan ko na sana ng may ilang kalalakihan ang lumapit sa van na kumatok at may hawak na baril.

Pinababa nila kami. Wala kaming choice kundi ang sundin ang gusto nila. Kinuha nila ang lahat ng meron kami. From jewelries, phone and money. Yumakap ako kay Ruth na katulad ko ay nangangatog sa takot. Si Carlo naman ay nasa harap namin at parang pinoprotektahan kami.

“Akin na Cellphone mo.” Ani ng isang lalaki kay Ruth. Umiling si Ruth sa kaniya hanggang sa nakipag-agawan siya sa armadong lalaki.

“Ibigay mo na!” Malakas kong sigaw kay Ruth. Kinakabahan ako dahil baka kung anong gawin nila samin. Ayoko pang mamatay. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko.

“Miss Kylie, Bigay sakin to ng Nanay ko.” Aniya habang umiiyak.

“Huwag ka mag-alala. Ibibili kita ng bago. Just give them the damn phone!” Sagot ko. Hindi pa rin nag-patinag si Ruth. Kaya tinutukan kami ng lalaki ng baril.

Hinampas ni Ruth ng bag ang lalaki dahilan para mabitawan ang hawak na baril. Automatic na prinotektahan kami ni Carlo. Bago pa makaporma ang mga kasamahan nila ay kumilos na si Carlo at isa-isa silang pinatumba. May isang lalaking tinutukan si Carlo ng Baril. Napasigaw na ako sa takot.

“CARLO!” Malakas kong sigaw sa pangalan niya. Sobrang kaba at takot ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ayokong may masamang mangyari samin. Mas gugustuhin ko na lang na makuha nila ang lahat sakin kaysa mapahamak kami.

Mas mahalaga ang buhay kaysa sa pride at katigasan ng ulo.

Nakita ko si Ruth na may kinuhang hindi kalakihang kahoy at hinampas sa ulo ng lalaking tumutok ng baril kay Carlo. Sinigurado ni Carlo na hindi makakabangon ang apat na lalaki. Tumawag agad kami ng Pulis.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon