CHAPTER THIRTEEN

1.1K 38 2
                                    

COUSINS

KYLIE POV

Nagpunta ako ng garden. Pagka tapos akong kausapin ni Red. Kinalma ko ang sarili. Mali siya ng iniisip tungkol sakin.

Hindi ko kasalanan kung dikit ng dikit sakin ang kaibigan n'yang si Carlo para isipin n'yang gusto kong mapalapit sa kanya. Walang akong intensyon na siraan sila ni Ayessa. Tinggap ko ang relasyon nila kahit nasasaktan ako. Hindi ako gumagawa ng paraan para bumalik siya sakin. Hindi ako ganun, kanina pa tumutulo ang masaganang luha sa mga mata ko. Ang sakit na mapagbintangan kahit wala ka namang ginagawang masama.
 

"Nandito ka lang pala" Naupo sa tabi ko si Carlo. hindi ko napansin na nandito siya sa harap ko. Agad naman akong nag-iwas ng tingin at pasimpleng pinunasan ang luha ko. Hinawakan ni Carlo ang magkabilang pisngi ko at pinaharap sa kanya. Maka kunot noo siya. Napansin niya sigurong namumula mata ko.

"Umiyak ka ba? Bakit? Sinong nagpaiyak sayo?" Sunod- sunod na tanong niya. sa halip na sagutin ko, umiling ako at matamang siya pinakatitigan.

"Bakit ka nandito? Baka kung anong isipin ni Red satin" Narinig kong nagtagis ang bagang niya. Galit ba siya?

"So si Red. Ang nagpaiyak sayo? Bakit ano bang sinabi niya sayo?"

"Wala umalis ka na lang sa harap ko" Niyakap niya ako. Bahagya akong nagulat sa ginawa niya. Nagpumilit akong makawala pero mas lalo nga lang akong inilapit pa sa kanya. Ramdam ko ang tibok ng puso ni Carlo. Tumigil na ako kakapumiglas sa pagkakayakap niya. Ipinikit ko ang mata.

"Nandito lang ako kylie. Ako ang magpoprotekta sayo. hindi ko hahayaan na saktan ka ulit ni Red" Tumango ako at hindi ko namalayan na umiiyak na naman ako. Bakit mo to ginagawa carlo? Bakit ako?

Dumami ang mainit n'yang labi sa noo ko at bigla s'yang nagsalita.

"Kantahan kita" naramdaman kong ngumiti siya. Napangiti ako. Nagsimula na s'yang kumanta.

This life has twists and turns
But it's the sweetest mystery
When you're with me
We say a thousand words
But no one else is listening
I will be

Every night and every day
No matter what may come our way
We're in this thing together
The dark turns to light
We both come alive, tonight
I'm talking 'bout forever

Never gonna let you go
Giving you my heart and soul
I'll be right here with you for life
Oh, baby, all I wanna do
Is spend my every second with you
So look in my eyes
I'll be by your side

The storms may come
And winds may blow
I'll be your shelter for life
This love, this love
I mean it 'til the day I die

Oh, never gonna let you go
Giving you my heart and soul
I'll be right here with you for life
Oh, baby, all I wanna do
Is spend my every second with you
So look in my eyes
I'll be by your side

Yeah, look in my eyes
I'll be by your side
For life

Hanggang sa matapos ang kanta, tahimik lang akong nakikinig. Niyakap ako ng mahigpit ni Carlo. Tila nakikipagkarera ang puso ni Carlo sa bilis nito. Ganito ba ang epekto ko sayo Carlo?

"Nagustuhan mo ba?" Lumayo ako para tignan siya. Ngumiti ako na s'yang nagpamula sa kanya. Nagblush siya, ang cute. Hindi ko napigilan ang sariling Pinisil ko ang pisngi niya. Napatawa ako ng sumimangot siya.

"Ahh ganun" bigla akong napatayo ng akmang lalapit na ang kamay niya para hawakan ang pisngi ko. Gagawin niya rin ang ginawa ko sa kanya.

Tumatawang nagpaikot ikot kami sa isang puno dito sa garden. Takbo lang ako ng takbo habang parehas kaming natawa. Hindi ako pumayag na maabutan niya ako. Hanggang sa mahabol niya ako at agad na hinawakan sa bewang at niyakap ng mahigpit.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon