CHAPTER FOURTY-THREE

150 6 0
                                    

SPEND THE NIGHT TOGETHER

CARLO POV

I want to surprise Kylie, with the help of my friends. Hinihintay ko na lang ang pagdating niya. Everything is ready.

Nandito kami sa PGH. Narinig namin ang pag-open ng door at hinihintay na lang namin ang pag-open ni Kylie ng Light..

"Carlo.." Pagtawag ni Kylie sakin.

Pagkaopen ni Kylie ng light. Sabay-sabay kaming nagsabi ng Surprise.

Gulat na gulat si Kylie. Lumapit ako sa kaniya at ibinigay ang Bouquet. Agad naman niya iyon kinuha sakin. Ngumiti siya na siyang nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Hinawakan ko ang kamay niya at lumapit kami sa mga kaibigan ko.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Kylie sa kanila.

"Mukhang ayaw tayo ni Kylie na nandito. Umalis na tayo." Tila nagtatampong sabi ni Marielle.

Natawa naman si Kylie. "Joke lang guys."

"Joke para sayo pero hindi pa rin kami aalis." muling natawa si Kylie at umiling. Hindi na nakasagot si Kylie kay Marielle. Hinapit ko siya palapit sakin.

"You look beautiful as always." Nahihiyang umiwas ng tingin si Kylie. Bahagya akong natawa sa gesture niya.

Ang cute talaga ng girlfriend ko. Inalalayan ko siya sa pag-upo. Nagsimula na kaming kumain.

Maniniwala ba kayong May relasyon na si Valerie at Ralph. Si Nathan at Anthony.

Matagal na palang nililigawan ni Ralph si Valerie. Hinihintay lang niya si Val para maging single ulit. Hindi kasi siya makaporma noon dahil alam niyang Engage kami.

Maganda, Mabait at galing sa desenteng pamilya si Valerie. Maraming nagkakagusto sa kaniya kaya mas ginusto na lang ng magulang namin ang ipagkasundo kami dahil hindi na iba ang pamilya ni Val sa pamilya ko.

Ang mistake lang nila ay hindi naman kami nagmamahalan ni Val para ipagkasundo. Nasira tuloy ang relasyon namin ni Kylie. Nagawa ko siyang saktan. Hindi ko naipaliwanag sa kaniya ng mabuti ang problema ko that time.

Naglihim ako sa kaniya kaya deserve ko ang lahat ng pinakita sakin at kung pano ako tratuhin ni Kylie.

Tinanggap ko lahat ng masasakit na salitang lumabas kay Kylie. Alam ko na nadadala lang siya ng galit dahil sakin. Mabuti na lang at mas hinabahan ko pa ang pasensya at hinintay yung araw na mapapatawad niya rin ako.

Ngayun na nagka-ayos kami ni Kylie. Hindi na ako makakapayag pa na magkasira kami. Papakasalan ko si Kylie at hindi na ako makapaghintay pa.

Nagpaalam na samin ang mga kaibigan ko. Kami na lang ni Kylie ang nandito sa PGH.

Umakbay ako kay Kylie habang nanonood kami ng TV. Ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa kaniya.

"Alam mo Carlo. Marami din tayong Memories dito sa PGH. Dito tayo unang pumunta nung nagkakilala tayo. Lagi nating kasama ang mga kaibigan natin. Tumatakas tayo para lang masolo natin ang isa't-isa." Tama si Kylie.

Una at Pangalawang pag-kikita namin. Hindi man naging maganda atleast nabigyan kami ng chance na kilalanin pa ang isa't-isa.

Naalala ko nung first meet namin. Nabangga ko siya noon dahil tinakasan ko si Dad. Ayaw niyang gumala ako sa kung saan-saan kaya tumakas ako noon at hinabol pa nga ako ng mga bodyguard niya.

Hindi ko sinasadya na mabangga noon si Kylie. Aaminin ko ng time na iyon ay na Love at first sight ako sa kaniya.

At mas lalo ako nainlove sa kaniya dahil sa pag-iyak niya at si Red ang naging rason. Ayokong nakikita siyang umiiyak. Kaya nabuo sa isip ko na hindi ko siya hahayaan na mapunta sa ibang lalaki.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon