CHAPTER TWELVE

1K 33 3
                                    

MY SAVIOR


KYLIE POV

Inis na tumakbo agad ako pababa sa hagdan. Alam kong nakasunod lang siya sakin. Pag katapos sabihin ni Carlo na girlfriend niya ako kay Red. Siniko ko siya dahilan para maghiwalay kami. Lumayo agad sakin si Carlo at iniinda ang pagkakasiko ko sa kanya. Lumabas agad ako sa PGH.

Nasa third floor na ako ng biglang may humawak sa pulsuhan ko. Inis na binalingan ko ng tingin si Carlo na nakangiti sakin na tila walang ginawa.

"Pwede ba bitawan mo ako" Sinamaan ko siya ng tingin. He chuckled. Napa 'tsk' naman ako.

"No! Kailangan natin mag-usap." hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Kailangan ko ng bumalik sa classroom kaya pwede umalis ka sa harap ko at bitawan mo na ako!" Pagsusungit ko sa kanya pero hindi siya natinag kaya hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sakin. Ako na ang nagtanggal, Tumalikod na ako. Nakakaisang hakbang palang ako ng bigla siya nagsalita.

"Pwede mo akong gamitin kylie para makamove on ka at kung sakali na mahulog ka sa akin handa akong saluhin ka" Gulat na napatingin ako sa kanya.

"...Ba- bakit ako carlo?" Ramdam ko naman na gusto niya ako. Ayokong isipin nila na pag katapos ko kay red ay kay carlo naman. Ayokong may masabi silang masama tungkol saming dalawa. na ang dalawang magkaibigan na ang minsan ko ng nakarelasyon o nililigawan ako.

"Di ko alam kylie. Hayaan mo na lang ako pumasok sa buhay mo. Kung iniisip mo na katulad ako ng kaibigan ko, hindi ako ganun at wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. I want you to be mine!" Umiling ako. Hindi pwede ayokong gawin s'yang panakip butas.

"Carlo wag ako, iba na lang. marami pa naman d'yan. Sige alis na ako" Naglakad na ako paalis sa kanya.

"Hindi mo ako mapipigilan kylie. gagawin ko ito dahil gusto ko" sigaw niya. Hindi na ako lumingon pa at agad pumasok sa classroom.

Napahawak ako sa dibdib ko, parang nakikipagkarera ang puso ko sa sobrang tibok nito. Minsan ko ng naramdaman ito kay Red pero hindi ganun kabilis ng katulad na nararamdaman ko na to.

"Class Dismiss"

lumabas na sa classroom si ma'am janet.

Lutang ako buong maghapon hanggang sa matapos ang last sub namin. Naramdaman kong nakatingin sakin si Jestine pero hindi ko siya tinatapunan ng tingin.

"May problema ba kylie?" Tanong niya. umayos ako ng pagkakaupo.

"Wala, wag mo na lang ako pansinin" pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa desk.

"Pwede mo akong sabihan ng problema mo kasi bestfriends na tayo di ba?"

"Wala akong problema, salamat" ngumiti siya sakin. Inayos niya mga gamit tyaka ako hinarap at tumayo. Nagpaalam siya na mauna ng bumaba. Inayos ko ang mga gamit ko ng makitang okay na ang lahat. Lumabas na ako sa classroom. Naisipan ko na sa computer room malapit ang hagdaan doon ako bumaba.

Nagulat ako ng pagliko ko sa computer room ng mabungaran ko si Red at Ayessa na naghahalikan. Nangingilid ang luha ko dapat umalis na ako sa kinatatayuan ko pero hindi ko maigalaw mga paa ko.

Naramdaman kong may tumabi sakin. Hinapit ako palapit sa kanya at bahagyang niyakap. Naramdaman ko ang init ng labi niya sa noo ko. Hindi ko na napigilang hindi umiyak.

Ano bang meron sayo Carlo na sa tuwing kailangan ko ng masasandalan dumarating ka agad. I Feel safe kapag nasa tabi kita. sana ikaw na lang.

"Nandito lang ako kylie hinding-hindi kita iiwan" tumango ako, ng lingunin ko sila Ayessa at Red nanlilisik ang matang ipinukol sakin ni Red. Nag-iwas ako ng tingin.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon