CHAPTER FOUR

1.1K 32 0
                                    

CHANGE OF HEARTS?

KYLIE POV

Malapit ang upuan ko sa bintana. tumayo ako at dumungaw sa bintana ng classroom. Nakabukas kaya nakakalanghap ako ng sariwang hangin. aircon kasi ang classroom namin nakabukas din ang sliding window na nakaharap sa kabilang classroom napaisip ako.

Nakakapanibago lang na kinakausap na ako ni red. ngumingiti na rin siya sakin na dating hindi niya ginagawa. di
ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, pero nakakatuwang isipin na okay na kami. na hindi na masyadong awkward para samin pagkatapos n'yang nalaman na gusto ko siya.

Nakita ko sa peripheral vision ko na tumabi sakin si Red. Gusto ko s'yang lingunin kaso nakakahiya sa kanya. hanggang ngayun naaalala ko pa rin mga ginagawa niya sakin kahapon.

Flashback

"Sandali kylie" napalingon ako sa tumawag sakin. Hindi ko akalain na si..

....Si RED gulat na nakaawang ang labi ko at nanlalaki ang matang sinundan siya ng tingin. hanggang sa makalapit siya sakin.

Lumapit si Red sa kinaroroonan ko. naramdaman kong pagkurot ni Floyd sa bewang ko. sinamaan ko siya ng tingin pero ibinalik ko din kay Red ang paningin ko. Unti unti s'yang lumapit sakin na, hindi pa rin nawawala ang ngiti na nakapaskil sa gwapo n'yang pagmumukha.

"anong kailangan mo? Ikaw ba ang tumawag sakin?" tanong ko ng mabalik ako sa katinuan.

Nakangiting nilabas niya ang cellphone ko sa bulsa niya.

"..Eto nahulog mo kanina. hindi na kita naabutan kanina dahil kinausap ako ni gian. ibibigay ko sana sayo pagkapulot ko ng hindi na kita nakita sa room."

"...Sa- salamat Red" kanda utal utal kong saad sa kanya. naiilang ako sa paraan ng pagkakatingin sakin parang hinahalukay ang buong pagkatao ko.

"wala 'yun. sige una na ako" bago siya tumalikod, ngumiti muna siya sakin. nagpunta si Red sa kinaroroonan ng pinsan n'yang si kaiza.

"what's with that smile huh?" ibinaling ko kay floyd ang paningin ko. nakakunot noong nakatingin siya sakin.

"bakit masama bang ngumiti? Hindi naman di ba?" tanong ko.

"hindi naman sa masama ang akin lang wag kang masydong umasa kylie. ayokong masaktan ka" napaiwas ako ng tingin.

"Floyd alam ko ang ginagawa ko. wala namang masama kung umasa ako sa inakto ni Red. malay natin gusto n'yang ibaling sa iba ang nararamdaman niya para kay ayessa. alam mo namang si Ayessa at Ralph na. kaya wala na s'yang pag-asa pa kay ayessa." mahabang lintana ko.

Nalaman kasi namin na magkarelasyon si Ralph at Ayessa kanina. Alam kong nasasaktan si Red lalo na't magkaibigan sila ni Ralph at gusto niya ang girlfriend na ng kaibigan niya.

"Kylie, sana pag-isipan mo muna lahat ng magiging disisyon mo ng sa huli hindi ka magsisi" Nakangiting payo sakin ni Floyd.

"alam mo ang swerte ko at ikaw ang naging kaibigan ko. kahit may pagkaisip bata ka at lagi kang dikit ng dikit sakin na akala mo naman eh mawawala ako. HAHA salamat Floyd sa lahat" maluha-luha kong saad sa kanya.

"ang drama mo gutom lang 'yan halika na at ng makakain na tayo HAHAHA" napatampal ako ng noo. ang ganda ng sinabi ko 'yun lang masasabi niya? Bakit ba ako nagkaroon ng kaibigan na may sayad? Naramdaman kong hinawakan ni Floyd ang ang pulsuhan ko. sabay hatak at kaladkad sakin papuntang cafeteria. Napatawa na lang ako. gutom na siguro alaga niya kaya nakuha pang kaladkarin ako.

End of flashback

Nasundan pa yung ginawa ni Red. kada magkakasalubungan kami sa corridor hihinto siya sa harap ko para lang mangamusta o di kaya kung dati iniiwasan niya ako kapag makakasalubong niya  sa hagdan. ngayun lalapit siya sakin at sasabay papunta ng classroom kahit kakagaling niya lang dun.Nakakapanibago lahat ng pinapakita at ginagawa niya para sakin dapat ba akong matuwa?.

Naramdaman kong tumikhim ang katabi kong si Red. napatingin ako sa kanya. nakangiting nakatingin siya sakin. Ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya para hindi masyadong awkward para samin ang sitwasyon namin na to.

"pwede ka ba sa sabado? Yayain sana kita sa mall kung papayag ka?" tanong niya pagkuwan.

"...Sa-sa mall? Okay sure" nagkanda utal utal pa ako. pagdating talaga sa kanya hindi ako mapakali.

"that's great, i'm expecting you at three pm okay?" nakangiting sabi niya sakin. "sige text na lang kita kapag nakarating agad ako ng mall sa sabado." nakita ko kahapon sa phone ko ang number niya. siguro siya ang naglagay dun dahil siya lang naman ang may hawak ng phone ko.

Nagtext din sakin si Red kinagabihan na siya nga ang naglagay. Sa sobrang tuwa ko eh di ko maiwasang hindi kiligin at nagpagulong gulong pa sa kama ko.

Biglang may flash ng camera sa likuran namin ni red. nanlalaki ang matang napatingin kami ni Red sa mga kaklase naming nanunuksong nakatingin samin. yung iba naman sinasabi ay bagay kami. nakita ko sa gitna nila si julie na s'yang may hawak na camera siya pala ang kumuha samin habang nag-uusap kami ni Red. kaya pala parang biglang tumahimik sa classroom may binabalak pala sila.

Pinag-aagawan nila ang camera hanggang sa makuha ito ni ayessa. pagkatapos n'yang makita ngumiti siya samin at pinakita ang kuha sa camera. nakita kong nakangiti kaming parehas sa picture. Napukaw ang tingin ko sa nagsalita.

"oh tol bagay pala kayo ni kylie eh. tignan mo para kayong magkarelasyon HAHA" Sabi ni Ralph. Inakbayan niya si Ayessa.

Nahihiyang nag-iwas ako ng tingin, nakakahiya.

Alam kong nasasaktan si Red lalo na't magkatabi ang magkasintahan. napatingin ako sa kanya. nakita kong nasasaktan siya pero tinatago niya 'yun sa simpleng ngiti.

Naramdaman kong lumapit sa tabi ko si Red. bigla niya akong inakbayan. gulat na napatingin ako sa kanya, nakatingin din pala siya sakin. ramdam kong nag-iinit ang buong mukha ko. kasi naman si crush nakaakbay sakin.

"Talaga tol? Narinig mo 'yun kylie? Bagay daw tayo HAHA" di ko kayang tignan siya dahil na rin sa mga kaklase kong nanunukso samin.

Di ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. kaya nanahimik na lang ako hanggang sa magsibalikan  na sa kanya-kanyang upuan ang mga kaklase ko. mabuti naman.

Umupo na rin ako. di ko maiwasang Hindi kiligin. feeling ko naglevel up na yung kung ano kami ni Red. I will make sure na ako ang magpapaalis ng nararamdaman ni Red para kay Ayessa. Di ko maiwasang hindi maimagine yung mangyayare sa date namin ni Red sa sabado. kung para sa kanya friendly date lang 'yun pwes para sakin 'yun ang first date namin hihi kinikilig ako.

"Para kang baliw halos mapunit na yang labi mo kakangiti" masama ang tingin ang pinukol ko sa kaibigan kong epal.

"hoy floyd balik ka na sa upuan mo at wag mo akong pakilaman." inirapan ko muna siya bago ko hinarap mga gamit ko para mailagay sa bag ko.

"Sungit, sumbong kita kay Red eh makita mo" pagkatapos kong ilagay sa bag mga gamit ko, matamis na ngiti ang binigay ko kay floyd.

"leave me alone bestfriend bago kita matadyakan d'yan" bago ako makatayo ng kumaripas na siya ng takbo HAHA ang cute lang ng bestfriend ko.

Napailing na lang ako. ang daming nangyare sa araw na to haysst.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon