CHAPTER TWENTY-NINE

80 4 0
                                    

WOLF & BUNNY

KYLIE POV

Kasama ko ngayun si Floyd. Inaya ko siya mag-coffee sa SamNiel's Cafe na pagmamay-ari ni Kuya Zack at Ate Sam. Matagal ko na silang kilala since maitayo ang business nilang ito.

"Hindi pa rin ako makapaniwala Kylie. Kung hindi ko pa narinig kay Ayessa hindi ako maniniwala. All this time engage na sila Valerie at Carlo. Kaya pala iba yung closeness nilang Dalawa. Si Val ang magiging Mrs. Tolentino." Aniya.

Hindi ko mapigilan ang malungkot.

'Mrs. Tolentino' Bigla na lang nagfa-flashback sa akin yung promise namin sa Retreat Center na kahit kailan hindi na mangyayari.

"Iniiwasan mo pa rin ba si Nathan?" Marahan akong tumango.

"I don't understand Kylie. Bakit nagagalit ka kay Nathan. He only wants you to be happy. Kung hahadlangan niya kayo ni Carlo. Do you think mapipigilan mo yung feelings mo for him? Think carefully Kylie. Ang pagkakamali lang ni nathan hindi ka niya agad na sabihan about carlo and val."

"Floyd, ang totoo nga nyan ayoko ng ganitong pakiramdam. Tama ka, wala naman talagang kasalanan si Nathan. Miss na miss ko na nga siya eh pero hindi ko kasi mapigilan. Kada makikita ko siya naaalala ko bigla yung tungkol kay Carlo at Val. Kung sana sinabi niya sa akin. Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayun kaya di ko siya kayang harapin. Si nathan ang unang nakakaalam sa kanila. Kaya masakit sa akin na nilihim niya." mahabang paliwanang ko.

Hinawakan ni Floyd ang kamay ko. "Kapag dumating yung time na handa ka ng harapin sila. Gusto ko ulit makita ang ngiti mo. Sa tuwing kasama kita hindi ko nakikita yung dating ikaw na laging nakangiti."

Hindi ko mapigilan ang mapaluha.

"Don't worry Floyd. Makamove on lang ako. Lagi mo ng makikita ang magandang kylie na kilala mo." sabay kaming natawa ni Floyd. Muli kaming natahimik. Maya-maya lang ay tinawag ako ni Floyd.

"Kylie.." napatingin ako kay Floyd.

Biglang bumukas ang door nitong Cafe at laking gulat namin ng makita ang PG squad.

Napako din ang tingin nila sa amin ni Floyd. Agad na sumilay ang ngiti sa labi nila. Kasama din nila ang pinsan kong si Nathan.

Katabi ni Allen si Jestine. Simula ng umalis ako sa Tolentino University. Madalas makita ni Floyd na kasama ni Jestine si Allen.

Ngayun nga ay in relationship na sila. Then good for her. Yung lalaking hinahabol-habol niya ay naging sila din.

Lumapit sila sa amin ni Floyd. "Kamusta ka na Kylie. Mabuti at nakita ka namin. Bakit bigla ka lumipat ng ibang univ?"

Tanong sa akin ni Ralph. "I'm sorry guys. Hindi ako nakapagpaalam sa inyo. Actually, ang parents ko ang nagdecide. Kaya wala naman ako choice kundi ang pumayag."

Pagrarason ko. Magsasalita na sana si Floyd ng sipain ko ang paa niya. Agad itong napatingin sa akin at pinandilatan ako ng mata.

"Maiwan muna namin kayo. May pupunta pa kasi kami ni Floyd." saad ko.

Tumayo na ako at hinila patayo si Floyd at iniwan na sila. Nang makalayo kami ay tyaka lang akl nakahinga ng maluwag.

"What was that? Hindi ko pa ubos yung red velvet cheese cake ko!" Inis na aniya.

"I'm sorry okay. Kasi naman bakit ngayun pa. Don't worry bibili ako ng cake. Ayoko talaga makita sila." sagot ko.

Napabuntong hininga na lang si Floyd. Dumaretso kami sa malapit na mall. Naglakad-lakad lang kami hanggang sa Napadaan kami sa bilihan ng stuff toys. Nakita ko ang bunny kaya kinuha ko agad. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon