CHAPTER THIRTY-SIX

110 4 0
                                    

FAKE RELATIONSHIP

KYLIE POV

Hinatid ako ni Red pauwi sa penthouse ko. Tahimik lang kami nagb-byahe ng may itanong siya sa akin.

"Kylie, hindi ka talagang aattend ng Reunion?" I shook my head.

"Why not?" Tinignan ko siya.

"Bakit yan ang parati nyong tanong sakin. Ilang beses ko ba dapat sagutin yan. Matutuloy pa rin ang reunion niyo kahit wala ako."

Sinulayapan muna ako ni Red bago ako sagutin.

"Ano ba problema Kylie? Nandun naman ako kaya walang makakagalaw sayo." Aniya.

"I trust you Red pero wala talaga akong balak pumunta and besides sigurong makikipag-away lang ako dun." Sagot ko.

Bumuntong hininga si Red.

"Hanggang ngayun ba ay may feelings ka pa rin kay Carlo? Ngayun nakabalik na siya pwede niyo na ituloy yung naudlot na relationship niyo." Natawa ako sa sinabi ni Red.

"Nagpapatawa ka ba Red? Wala ng itutuloy tyaka Magkaibigan kayo right? Alam mo naman siguro na ikakasal na si Carlo kay Valerie." Si Red naman ang natawa sa sinabi ko.

"What so funny? Wala naman nakakatawa sa sinabi ko ah." Tumigil na sa pagtawa si Red.

"Ayokong mag-isip ka pero what if may ginagawa na pala si Carlo para maging kayo ulit?" Sabi niya.

Di makapaniwalang tinitigan ko si Red. "Huwag mo nga sabihin yan. Hindi ako umaasa ano. Tapos na kami kaya hindi na mangyayari yang sinasabi mo."

"Okay sabi mo eh pero kylie ako na ang nagsasabi sayo. Kaibigan ko si Carlo at mas kilala ko siya kaysa sayo. Hindi mo lubos na kilala si Carlo kaya sure ako na tahimik lang yan si Carlo pero may ginagawa na yan para sa taong mahal niya."

Inirapan ko si Red. Ayokong umasa sa wala. Hindi na mangyayari iyon dahil ikakasal na nga siya kay Valerie. Kung noon pa na talagang mahalaga ako sa kaniya. Kahit na pinagkasundo siya sa ibang babae dapat sinabi niya sa akin. Ibig sabihin lang nun ay hindi ganun ka deep ang pagmamahal niya sa akin.

"Tama na nga to. Ayokong pag-usapan natin si Carlo. Para tumigil ka na aattend na ako sa Reunion." Ngumiti si Red.

"Wala ng bawian yan ah." Aniya.

Pagkarating namin sa penthouse. Hindi ko na pinapasok si Red dahil may kailangan pa siyang puntahan.

Naghalf bath agad ako. Pagkatapos ko ay nagkuha ako ng beer sa Ref ko. Kinuha ko ang phone sa bag. Naupo ako sa sofa.

Biglang may nagdoorbell. Tumayo ako para pagbuksan ang taong iyon. Pagkabukas ko ng pinto laking gulat ko ng hapitin niya ako palapit sa kaniya at siilin ako ng halik sa labi.

Nanlaki ang mata ko sa gulat. Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan. Nagtitigan kami ni Carlo.

May nagflash na camera sa di kalayuan sa amin. Tinulak ko si Carlo dahilan para mapalayo siya sa akin.

Hinila ako ni Carlo papasok sa loob. Hindi agad ako nakareact sa nangyayari.

Hinarap ko si Carlo. "Anong ginagawa mo dito? Pano mo nalaman ang Penthouse ko?"

Sinenyasan niya akong tumahimik. Inilapat niya ang tenga sa pinto. Pinapakinggan niya kung may tao sa labas.

Nakahinga siya ng maluwag at hinarap ako. Sinamaan ko siya ng tingin.

"I'm sorry, May sumusunod kasi sa akin kanina. Kasama ko si Valerie at hindi nila pwedeng makita si Val. Tumawag ako sa Manager mo at binigay niya sa akin ang Adress mo." Hinampas ko si Carlo sa inis.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon