CHAPTER THIRTY - BOOK II

72 4 1
                                    

SIX YEARS LATER

AFTER SIX YEARS LATER...

KYLIE POV

"Good morning Ms. Kylie." Bungad ng PA ko.

"Ruth, just give me one hour please. Kulang pa ang tulog ko." I said.

"Sorry Ms. Kylie. Tumawag si Madam Nancy. Ngayung araw ang Presscon ng bago mong drama." Bumangon ako at hindi napigilan ang mapairap.

No choice ako kundi ang bumangon na sa bed ko at inayos ang sarili. This is the day na makikipagkita ako sa writer ng bagong kong drama na Secretly In Love. It's about a highschool romance na biglang umalis ang guy at iniwan si girl then nagkita sila ulit after so many years.

Nakakatawa nga dahil paulit-ulit na lang ang stories na ganito. Hindi ko sana tatanggapin pero si Mami Nancy ang nagpumilit sa akin kaya no choice ako. Wala naman mawawala kung susubukan ko.

Six Years nagsimula ang career ko as an Actress and professional Model with the help of Mami Nancy. She make me famous and ofcourse to be loved of thousands of fans.

Gustong-gusto ko itong attention na nararanasan ko ngayun. Maraming nagkakagusto pero ni isa sa kanila wala akong sinagot.

Nadala na ako ng nangyari sa akin. Kaya mahirap para sa akin na magtiwala na lang ng basta-basta. Hindi na ako papayag na isang lalaki lang ang makakapanakit sa akin.

Nagfocus ako sa work ko at sa family ko. Tinanggap ko na rin sa sarili ko na wala ng lalaking seseryoso sa akin. Makuha lang nila ang gusto nila tyaka nila ako sasaktan.

At ayoko ng mangyari ulit iyon sakin. I'm still in contact sa friend kong si Floyd. Nothing change, he's still my number one bestfriend until now.

Floyd is now a famous Singer and song writer. Marami na rin siyang nilabas na single album niya.

Madalas kaming magkita ni Floyd at hindi na rin iba sa amin na maraming gusto kaming iship but as I always said Floyd is my long time Friend. Hindi niya ako iniwan at hanggang ngayun ay loyal kong kaibigan.

Maraming nagbago sa buhay ko. Simula ng pinasok ko ang industry na ito. Marami din akong natutunan sa buhay kaya nagagamit ko iyon para paulit-ulit maalala ang masasakit na nangyari sa akin. Nagagamit ko yung luha na lagi kong nilalabas sa taong hindi karapat-dapat na iyakan.

Hinubog na ako ng panahon kaya masasabi ko na wala ng lalaking makakasakit pa sa akin.

I built a strong wall para sa mga taong walang maitutulong at maibibigay na maganda sa buhay ko.

Kasalukuyan kaming nasa penthouse ko. Madaling araw na ng makauwi ako at makapagpahinga.

I check the time and it was nine in the morning. I do all my rituals and pick my out fit for today.

Busy sa phone niya si Ruth. I also check my phone at ganun na lang ang gulat ko ng makitang maraming missed calls sa akin si Floyd. I also read his message and it says 'Urgent'.

I called him immidiately. Kinabahan pa ako. He answer my call.

"Kylie, Thank God you answer it already. Let's meet up in Samniel's Cafe. I need to tell you something." He said.

"Kinakabahan ako sa tono palang ng pananalita mo Floyd. Hindi ba yan makapaghintay? Minamadali na ako ni Mami Nancy. Ngayun araw ang presscon." Sagot ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Floyd sa kabilang linya.

"I'm sorry, I forgot. Papunta din ako sa presscon. Dun ko na lang sasabihin sayo."

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon