CHAPTER SEVEN

858 29 0
                                    

CHAOS

KYLIE POV

Nasa Gym kami ngayun. PE sub namin. nasa bench kami nakaupo. habang hinihintay si sir mark. nang nakapasok na si Sir sa Gym nasa harapan namin siya at isa isa kami tinitignan.

"Ang sport natin ngayun ay volleyball. so kailangan mahati kayo sa apat na grupo anim ang member"

Lumapit sakin si Red. ningitinan niya ako tyaka siya tumabi sakin at inakbayan ako. napahilig naman ako sa braso niya. hinalikan naman niya ako sa noo. ang sweet ng boyfriend ko, pinipigilan kong kiligin.

Lumapit samin si Ayessa at Ralph. sumunod naman si Joshua at Gabby. kami ang magkakagrupo. ang instruction samin ni Sir Mark ay Iispike lang ang bola hanggang mapunta ito sa kabilang grupo. ang unang nagspike ay si Red. napunta ito sa kabila. hindi na nila ito naabutan. nagpaikot naman kami tuloy tuloy lang ang laro.

Pagkatapos kasi samin, ang kabila naman ang magspike. pag tapos na sila kami naman. kinakabahan ako lalo na't ako na ang magspike.

Di ko naman sinasadya na laging napupunta sa direksyon ni Sir Mark ang bola. nakakahiya HAHAHA napuno ng tawanan ang Gym ng bigla s'yang napatayo pagkatapos kong magspike ang bola papunta sa kanya.

"Ano ka ba kylie kung may galit ka sakin tama na. ayokong magkabukol"

"Sorry sir hindi ko naman kasi sport ang volleyball " nailing na naupo na lang siya. umikot ulit kami. si ayessa na ang sunod na magspike.

"Ayessa ilabas mo na ang Balyena power mo ng manalo tayo" sigaw ni Ralph na boyfriend niya. kanina ko pa na papansin na siya lang ang magaling samin magspike.

"Tsk, balyena power ka d'yan"

"Ilabas mo na ang balyena power mo, balyena ba-ba balyena alright" pakanta na sabi ni Ralph. sa sobrang inis ni Ayessa naibato niya ang bola kay Ralph ayun sapul sa mukha.

"Oh tama na 'yan ibang team naman" magkahawak kamay kaming umalis ni Red at naupo sa bench.

"Napagod ka ba? Sandali" nilabas niya ang panyo galing sa bulsa niya at pinahid sa noo ko para mawala ang pawis. hindi ko na napigilan mapangiti dahil sa ginagawa niya. walang oras o araw na hindi niya napaparamdam sakin na mahal niya ako. nang matapos si Red agad n'yang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. hinalikan niya ang tungki ng ilong ko. napasimangot naman ako, tumawa lang siya dahil sa inakto ko.

Niyakap ako ng mahigpit ni Red. naramdaman ko din ang paghalik niya sa pisngi ko dahilan para mas lumawak ang pagngiti ko.

"I love you" he said.

"I love you too Red" tinignan niya ako sa mata ng akmang lalapit na ang mukha niya sakin ng may asungot na lumapit at istorbohin kami.

"Tama ba yan love birds. baba na daw tayo tapos na sub" nakalolokong ngiti ang binigay samin ni Daniel.

Napairap naman ako sa kanya. itinayo na rin ako ni Red sa pagkakaupo at naglakad na pabalik ng classroom.

Pero bago 'yun nagpaassign si Sir Mark ng history at kung paano laruin ang Futsal sa next week na sub namin sa kanya.

Papunta kami ng cafeteria dahil break time na namin. magkahawak kamay kami hanggang maupo sa table. malapit sa binta sa dulo ng cafeteria.

"Ako na kukuha ng order natin ano bang gusto mo?" Tanong niya.

"Spaghetti tyaka cheese ham roll and fruit drink" nagpaalam na siya sakin para kumuha ng makakain ng biglang sumulpot sa harap ko si Floyd.

"Nagkaboyfriend ka lang nakalimutan mo na ako" nakapout n'yang sabi.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon