CHAPTER THIRTY-ONE

74 6 1
                                    

ENCOUNTER

KYLIE POV

"Good morning Kylie.." sabi ni Marielle pagkabukas palang niya ng Door nitong Cafe.

Inaya niya ako mag-Coffee sa SamNiel's Cafe dahil may kailangan siyang sabihin sa akin.

Pumayag ako para makapagrelax din. Sunod-sunod kasi ang event na pinupuntahan ko kaya medyo exhausted na ako.

Kulang pa ako sa tulog pero kahit ganun ay pinapakita ko na okay pa naman ako.

"Good Morning din. Ano pala yung importanteng sasabihin mo sakin?" Ngumiti si Marielle at naupo sa harap ko.

"Mag-promise ka muna sakin na hindi ka magagalit." Aniya

Kumunot ang noo ko. "At bakit naman ako magagalit?"

Nag-alangan siya ng tingin.

"You see, kilala kang celebrity right? I'm sorry. Nangako kasi ako kay Ayessa na isasama kita sa Reunion ng batch natin."

Halos maibuga ko ang iniinom na Coffee. "What did you say?"

Hinawakan ni Marielle ang kamay ko. "Sorry na Friend. Nakipagbardagulan kasi ako kay Ayessa. Ang sabi niya hindi ka makakarating sa reunion kasi nahihiya ka sa nangyari sa inyo ni Carlo. Balita ko nga na nakauwi na si Carlo galing States eh. Kaya for sure aattend yun ng Reunion." mahabang paliwanang niya.

CARLO..

After six years ay nakabalik na din siya.

"Baka hindi ka pa raw nakamove on sa kaniya. Please kylie, I want you to be there. Para maipakita sa kanila na you already move on." Umiling ako kay Marielle.

"Kahit ano pa ang sabihin nila sa akin Marielle. Hindi ako pupunta." Binitawan ni Marielle ang kamay ko.

"But why? Hindi ka pa rin ba nakamove on kay Carlo?"

"Hindi dahil sa kaniya. Mas mabuti na yung wala ako doon." Sagot ko.

"Pero naging part ka rin ng Tolentino University kaya dapat lang na nandun ka." Pagpupumilit pa rin niya.

"Marielle, I have important meeting in that day. Tyaka ayokong masira ang reunion niyo dahil lang sa akin." pagrarason ko pa.

"Kylie, pagtatawanan ka nila Ayessa kung hindi ka pupunta. Ayokong mangyari yun. Gusto ko ipakita mo sa kanila na maraming nagmamahal sayo at hindi mo kailangan ng lalaki sa buhay mo."

"Thank you sa pagiging concern Marielle pero hindi talaga ako pupunta and it's Final." pagmamatigas ko.

Hindi na nagpumilit pa si Marielle. Ang totoo niyan ay ayoko ng makita ang mga taong hindi nakadulot ng maganda sa buhay ko.

Masaya ako at wala silang magagawa para masira ako.

"So nakabalik na pala si Carlo." marahang tumango si Marielle.

"Kasama din niya si Valerie." natigilan ako.

"Pano mo nalaman?" Tanong ko.

Huminto siya at wari'y nag-iisip. "Sinabi sa akin ni Red."

"Nagkita kayo ni Red?" Tumango siya.

"Actually, Red is always asking you. Till now hindi pa din siya nakamove on sayo." Aniya. Hindi ko mapigilan Mapangiti.

"I know.." I said. Kumunot ang noo ni Marielle.

"How did you know?"

"Madalas kaming magkita ni Red. Nitong buwan lang kami hindi nagkita." sagot ko.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon