CHAPTER NINE

923 34 1
                                    

MISS SUNGIT

Carlo POV

Nandito ako sa PGH . Pinagawa ko to kay dad para may pag tambayan ako dito sa School. sa back stage sa gym. kami lang ng mga kaibigan ko ang pwedeng makapasok dito. Parating na rin siguro mga kaibigan ko dito. alam ko naman kahit nawala ako eh ginagamit pa rin nila to.

Pritenteng naupo ako sa sofa ng makarinig ako ng pagpihit ng pinto. walang pinagbago, katulad pa rin ng dati maiingay pa rin. nanlalaki ang matang nabaling sila sa direksyon ko. ngumisi lang ako sa kanila. dali-daling lumapit sakin mga kaibigan ko. isa isa nila akong binatukan. langya naman kung kailan kakabalik ko lang ang ganda ng pang welcome nila sakin. Naupo na sila sa sofa.

"Nasan si Daniel?" Kanina lang nandito siya. Lumabas mula sa kitchen si daniel na puno ng tinapay ang bibig. kumaway siya sakin at bumalik din sa kitchen. Napailing na lang ako.

"Nasan si Red?" Bigla namang sumeryoso ang apat na kaharap ko.

"Nandun kasama bago niya" saad ni joshua.

Napakunot noo ako. sinong bago? si Ayessa kaya? "Si ayessa?" Tanong ko. tumango naman sila.

"Naging sila din pala kailan pa?" Nagpakawala muna ng buntong hininga si allen bago sagotin ang tanong ko.

"Kanina lang sinabi samin ni Red. actually kakabreak lang din niya kay kylie. kawawa nga si kylie dahil wala siya sa sarili niya sa klase. hindi naman namin siya makausap kaya hanggang tingin na lang kami sa kanya"

"Sino naman yang kylie? Akala ko pa naman si ayessa ang first ni Red" takang tanong ko.

"Hindi, ginamit ni Red si kylie para mapasakanya si ayessa at ngayung nagawa niya na. nakipaghiwalay na siya. nakakadisappoint nga eh ang bait ng tao pero sinaktan niya, gago talaga ni Red." saad ni Anthony.

"Kawawa talaga si Kylie. umiyak nga yun pagkapasok nila ni Floyd sa classroom kanina. tapos hindi na umimik pa ng magsimula na kaming magtanong sa kanya. kung tutuosin di hamak na mas maganda si Kylie kaysa kay Ayessa" may halong lungkot na saad ni daniel.

"Baka pag nakita mo siya tol malove at first sight ka sa kanya" dagdag pa ni Daniel. wews never pwera na lang kung siya ang babaeng nakabangga ko two months ago. the girl who captured my heart. Sana magkita kaming muli.

"Maraming may gusto dun at isa na yang si allen" saad ni joshua. sabay turo kay allen. napakamot naman ng batok si Allen.

"Sino ba namang hindi magkakagusto kay kylie eh sa bukod na mabait,matalino pa. kung baga lahat ng katangian na gusto mo sa isang babae nasa kanya na" madamdaming saad ni Allen yuck.

Bumaling naman sakin si Ralph "Pag may nakita kang babae na maputi at maganda at bago sa paningin mo dito sa school siya na si kylie" bored na tumingin ako sa kanya. sino ba ang kylie na 'yun at puring puri siya ng mga kaibigan ko?.

"Teka kung two months ka ng nasa pinas bakit hindi ka pumapasok?" Takang tanong ni Allen. inakbayan ko naman siya.

"Tol, baka nakakalimutan mong anak ng may ari nitong school ang gwapo mong kaibigan" napailing na lang si allen at hindi na nagkumento pa.

"Tangina tol ang sipag mo pa ring mag-aral" sabi ni Anthony. ngiting aso lang ang ibinigay ko sa kanya.

Nagkanya kanya namang ginagawa ang mga ugok. nagpakawala ako ng buntong hininga. ginawa sigurong panakip butas ni Red yung kylie. Kawawa naman yung babae. Napaisip ako, nacurious sa babaeng kanina pa bukang bibig ng mga kaibigan ko.

Unang araw ko sa Tolentino University. nag aral na ako dito pero last year lang hindi,dad decided na sa US ko na lang ipagpapatuloy pag aaral ko. kaso nagkaproblema dahil nagkasakit si lolo at kailangan si Dad para siya muna ang maghandle ng company ni lolo. akala ko sa US na kami For Good buti naman at hindi, bumalik kami ng pinas. Hindi naman ako nagpalipat pa ng ibang school para saan pa eh kami ang may ari ng school nato. magagawa ko lahat ng gusto ko.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon