CHAPTER FOURTY-ONE

89 7 0
                                    

REMINISCE THE PAST

Kylie POV

Yumakap ako kay Carlo. Makita ko lang si Carlo ay maligaya na ang puso ko. He kiss me in the lips. Ngumiti kami sa isa't-isa.

Nalaman namin na hindi lang si Ayessa ang may pakana ng Lahat katulong din niya si Jestine. Pinag-uusapan namin ngayun kung ano ang sunod na gagawin.

Kinausap ni Red si Ayessa na humarap sa amin. Pati na rin si Allen ay hindi pinalagpas ang ginawa ng Girlfriend niyang si Jestine.

Nakahinga kami ng maluwag ni Carlo pero kahit ganun ay marami pa din ang galit sa amin lalo na sa part na talagang fake lang ang relationship namin nung una ni Carlo. Hindi ko masisisi ang ilan dahil nagsinungaling pa rin kami ni Carlo.

Papatunayan ko sa kanila na this time ay totoo na ang lahat sa amin ni Carlo. Ngayun pa na nagkabalikan na kami. Ilalaban namin to ng magkasama. Hindi kami papayag na maghiwalay kami ng dahil lang sa gusto kaming siraan.

Kasalukuyan kaming nasa kotse ni Carlo. Balak ko kasi umamin sa magulang ko ng tungkol sa amin ni Carlo. Sana lang ay maintindihan nila. Pati kasi ang ang magulang ko ay nasaktan ng dahil sa nangyari samin ni Carlo. Muntik na ako mawala sa kanila kaya sigurado na tutol sila sa relasyon namin.

Susubukan ko na kumbinsihin si Mom at dad na hayaan ako ulit magmahal. Hindi ko na ulit gagawin ang dati.

"Are you okay?" Carlo asked.

"I'm nervous Carlo." Natawa si Carlo at pinagmasdan ako sandali.

"Di ba dapat ako ang kabahan dahil haharapin ko magulang mo." Aniya sa akin. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili.

"Hindi ko maiwasan na isipin baka hindi sila pumayag sa relasyon natin. Lalo na't alam nila ang ginawa ko noon." Sabi ko. Narealize ko ang na sabi.

Hindi alam ni Carlo na muntik na ako magpakamatay noon dahil sa sobra akong nasaktan sa paghihiwalay namin. Napatingin agad ako kay Carlo.

Natahimik ang katabi ko. Tinawag ko ang pangalan niya. Ngumiti siya sa akin pero hindi na umabot sa mga mata niya.

Alam kaya niya?

"Huwag ka mag-alala Kylie. Kahit hindi sila pumayag. Gagawa ako ng paraan para matanggap nila ulit tayo. Malaki ang naging kasalanan ko sayo kaya hindi nila ako agad mapapatawad." Sabi ni Carlo. Pati ako ay nalungkot.

Hinawakan ko ang kamay ni Carlo para ipahatid na kasama niya ako na haharapin ang lahat ng ito.

Nakarating din kami sa bahay. Wala naman nagbago sa dating bahay namin. Katulad pa din ng dati na may marami kaming aso na hahabol ulit kila Carlo at sa mga kaibigan niya.

Kapag naaalala ko iyon ay hindi ko maiwasan matawa.

"Why are you laughing?" Aniya sa akin. Sinabi ko sa kaniya ang dahilan.

"Kung sakali na tumutol ang magulang ko sa relasyon natin. Pwede ka pa rin naman pumunta dito at makita ako. Yun lang ay kailangan mo harapin mga aso namin." Sabi ko at natawa.

Narealize ni Carlo ang sinabi ko kaya pati siya ay natawa na rin.

"Hindi ko makakalimutan yun Kylie. Awang-awa ako noon sa PG Squad dahil nag- scarifice sila para makita kita at makasama. I never forget those memories." Aniya habang natatawa.

Pumasok na kami sa loob ng bahay.

"Mom, Dad. I'm here." Sigaw ko para marinig nila.

Pinaupo ko muna si Carlo sa Sofa. Saktong kakarating lang ni Dad at Mom. Kaya tumayo din si Carlo at hinarap sila.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon