CHAPTER FOURTY FIVE

29 0 0
                                    

KYLIE POV

Nagmamadaling hinila ako palabas ng penthouse ko ang bagong dating na si Marielle. She was with Red and Floyd.

Nagulat nga ako at bakit bigla silang bumisita sakin at gusto ako makabonding. Which is hindi ko tinanggihan na sabihin nilang pupunta kami sa SamNiel's Cafe na pagmamay-ari ni Ate Samantha at kuya Zack Alfonzo.

Naging busy kasi ako lately at kung iisipin. Halos hindi ko na nakakasama si Carlo dahil naging busy din siya sa work at business na meron siya.

Siguro magkikita na lang kami kapag may next location na ang next taping or shooting ng SIL. Hindi pa din kasi namin natatapos ang SIL. Sa dami na rin ng nangyari sa mga buhay namin.

Sa pagkakatanda ko, Nasa scene na kami kung saan nag-recollection ang Univ at tanda ko pa na doon kami nangako ni Carlo na kapag kami talaga ang para sa isa't-isa ay doon gaganapin ang kasal namin.

Napukaw ang malalim kong pag-iisip ng tapikin ako ni Marielle.

“What?” Sabi ko.

Kinuotan niya ako ng noo.

“Girl, Okay ka lang ba?”

Ngumiti ako sa kaniya. “Okay lang ako. Don't worry about me. Ikaw, di ba sabi mo sakin may dapat kang sabihin sakin?”

Balik tanong ko sa kaniya. Sabay kaming napatingin sa banda kung saan medyo malayo saming dalawa si Floyd at Red. Kasalukuyan kasi silang magkasama at nag-uusap.

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Marielle. Hindi ko mapigilan ang sariling ngumiti. Alam ko na ang gusto niyang sabihin.

“You're ready.” Gulat na humarap sakin si Marielle. Namula ang magkabilang pisngi niya dahilan para mapatawa ako.

“Relax ka lang Marielle. Actually, dapat nga hindi na ako magulat pa dahil kahit pa hindi pa manligaw sayo si Red. Alam ko na sasaguti mo agad siya.” sabi ko at bahagyang tumawa. Hinawakan ko ang kamay niya at marahang pinisil.

“What's stoping you? Tingin ko naman he really loves you. At ganun ka rin sa kaniya. Minsan lang dumating sa buhay natin ang love. Kilala ko si Red, Matagal ko na rin siya na kasama kaya alam ko na pagkakatiwalaan siya. I'm saying this to you as your friend not just because he's my ex. Kung ano man siya before, alam ko na hindi niya na gagawin iyon ngayun. He was really sure kung ano ka talaga sa kaniya.” Ngumiti si Marielle.

“Tama ka Kylie. Kaya nga pinag-isipan ko talaga magiging desisyon ko at yun ang pagbigyan na si Red.” Aniya at tumitig sakin. Ngumiti ako sa kaniya at sabay kaming napatingin sa dalawang taong seryosong nag-uusap pa rin.

After namin sa Café. Nagpaalam na ako sa mga friends ko at dumaretso ng uwi sa penthouse.

Pagod na pagod ang katawang lupa ko. Halos hindi ko namalayan na nakauwi na pala ako.

Naupo ako sa sofa at hinilig ang ulo. Pinikit ko ng mariin ang mga mata. Naalala ko si Carlo. I really miss him. Sana at nandito siya kasama ko.

Tawagan ko kaya siya? Pero baka hindi rin niya masagot sa sobrang busy niya.

May mainit na labi ang humalik sakin. Napamulat agad ako ng mata. Gwapong mukha ni Carlo ang nabungaran ko. Sumilay ang ngiti saking mga labi.

Humarap ako sa kaniya. “Bakit ka nandito?.”

Tanong ko sa pagkagulat. Naupo siya sa tabi ko.

“Why? Wala na ba ako karapatan na dalawin ang mahal ko?” balik tanong niya sakin. Umiling ako bilang sagot. Hinawakan ni Carlo ang mukha ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon