CHAPTER THIRTY-TWO

84 7 0
                                    

NEW LEADING MAN

KYLIE POV

I look at him in the eyes. I tried to open the door. Nadismaya ako ng hindi ko mabuksan. Nakalock ang pinto mula sa labas.

Inis na hinarap ko si Carlo. “Open the door.”

Hindi niya ako pinansin sa halip ay naupo sa couch. Lumapit ako sa kaniya.

“Bingi ka ba. Aalis na ako.” sabi ko.

Naglagay siya ng wine sa baso at ibinigay sa akin. Agad ko itong kinuha at inilapag sa glass table.

“Hinahanap na ako ni Mami Nancy. Ano ba Carlo!” Tinignan niya ako.

Ngumiti siya. Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niya.

“I miss how you call my name.” he said. Natahimik ako.

“Hindi ako natutuwa. Pwede ba buksan mo na yung pinto.” Tumayo si Carlo. Umatras ako hanggang sa macorner niya ako.

Inilagay niya ang magkabilang kamay sa gilid ko. Talagang wala na ako kawala sa kaniya.

“Ano ba ginagawa mo Carlo.” inis na itinulak ko siya.

“Don't you miss me Kylie?” Natigilan ako ng banggitin niya ang pangalan ko.

“You? Nagpapatawa ka ata Carlo. First of all I don't miss you and second of all I don't want to see you ever!” Natawa ng bahagya si Carlo.

Ano bang nakakatawa sa sinabi ko. “I know na may malaki akong kasalanan sayo Kylie and i'm sorry kung-” I cutt him off.

“Hindi ko kailangan ng paliwanag mo. Please lang gusto ko ng umalis.” mahinahon kong sabi.

Huminga siya ng malalim. Nagkatinginan kami ni Carlo.

“Nagbago ka na Kylie. I didn't expect na ganito ang trato mo sa akin.” ako naman ang natawa.

“You did this to me Carlo. Kaya kung ano man ang attitude na pinapakita ko sayo. You deserve it. Tyaka kung tutuosin kung pwede lang, ayoko ng makita ka.” Tila malungkot si Carlo sa sinabi ko.

Umiwas ako ng tingin. “Bakit ka pa bumalik?”

“I'm getting married.” Tumango-tango ako.

“Then congrats.” I said.

Hindi ko maipigilan itong nararamdaman ko. Bakit parang nasasaktan ako. Akala ko ba ay nakamove on na ako kay Carlo. Bakit nararamdaman ko pa rin to.

Sabay kaming napatingin ni Carlo ng biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang mga kaibigan niya. Nagulat pa sila ng makita kami.

Agad akong naglakad at nilagpasan sila. Hindi ko mapigilan ang luhang kumawala sa mga mata ko.

Nakita ko si Mami Nancy at pinahid ang luha. Ngumiti ako sa kaniya ng makalapit ako.

“Saan ka ba nagpunta Kylie. Kanina pa kita hinahanap.”

“I'm sorry Mami. May pinuntahan lang ako.” dahilan ko.

“Okay, nakilala mo na ba ang leading man mo?” Tanong niya.

Oo nga pala, hindi ko pa kilala ang Leading Man ko kasi nagkaroon siya ng emergency kaya hindi nakapunta sa presscon.

I don't have any idea. Kahit si Mami Nancy ay di pa namemeet ang taong iyon.

Nakita ko si Carlo at may kasama itong babae.

Lumapit sila sa amin. Ganun na lang ang gulat ko ng magkakilala si Mami Nancy at ang kasama ni Carlo.

“Greta, what are you doing here?” The woman smiled.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon