CHAPTER FIFTEEN

744 37 3
                                    

KISS AND MISS

KYLIE POV

Pekeng akong natawa. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sakin? He wants me back? Ang kapal lang ng mukha. Kung kailan onti onti na akong nakakamove on tyaka siya babalik sa buhay ko? Hindi, hindi ako papayag.

"HA-HA biro ba 'yan? Kasi nakakatawa eh" Puno ng sarkastimong sabi ko sa kanya.

"No! Kylie i'm serious I want you back!" Seryosong sabi ni Red.

"Red, Pag katapos ng lahat. Gusto mong bumalik ako sayo? Hindi pa ba sapat na ginawa mo akong tanga? Hindi pa ba sapat na nasaktan mo ako? Hindi ako naghabol sayo kahit mahal kita. kung ayaw mo sakin hindi ko ipagpipilitan sarili ko. Ang akin lang tantanan mo ako dahil simula ng lokohin mo ako. inalis na kita sa buhay ko. Kung kailan masaya na ako na wala ka. sasabihin mo sakin na gusto mo akong bumalik sayo? Nagpapatawa ka ata eh" mahabang sabi ko.

Lumapit sakin si Red at akmang hahawakan niya ang kamay ko ng lumayo ako sa kaniya.

"Please kylie makinig ka. Alam kong naguguluhan ka. Ako din naman pero sigurado ako sa nararamdaman ko. Kylie mahal na kita at lahat gagawin ko para sayo. Hindi ko hahayaan na mapunta ka kay Carlo dahil akin ka!" Nasampal ko siya. Nanlilisik ang matang tinapunan ko si Red ng tingin.

"Hindi mo na ako maloloko pa Red. Tama na." Sabay kaming napatingin sa pinto ng library ng biglang pumasok mula roon si Carlo. Cool s'yang naglakad sa amin at agad akong hinalikan sa labi na s'yang kinagulat ko.

"Let's go, Nandyan na si Sir cabrera. Pag nahuli niya tayo rito baka mapakarera tayo ng wala sa oras" sabay halakhak niya.  Natawa naman ako. Walang oras na hindi niya ako napapatawa.

"Oh, nandyan ka pala Red." Nakita kong ngumisi si Carlo na s'yang kinainis ni Red "Sige tol una na kami"

Umalis na kami sa library. Pumunta ako kay jestine. Nagtatanong na tingin ang ibinigay niya sakin pero hindi ko siya tinapunan ng tingin. Napabuntong hininga ako. Problema na naman to pag nagkataon.

"Ang tahimik mo ata may problema ba?" Tanong ni jestine. Napalingon ako sa kanya.

"Wala to, wag mong intindihin." sagot ko.

"Hinahanap ka namin kanina kaso hindi ka namin mahanap. Saan ka ba nagpunta?" Tanong niya.

"Panong hindi aalis si kylie. Ang ingay ingay ng katabi niya kanina kaya sa sobrang nakakarindi ang boses kaya umalis" sabat naman ni Paul. Nagsisimula na naman silang mag-away.

Napaisip ako tungkol sa nangyare kanina. Sana hindi narinig ni Carlo ang pag-uusap namin ni Red. Baka mag-away sila ng dahil sakin. Ayokong mag-away ang dalawang 'yun. Ano kaya ang dahilan kung bakit biglang nagbago si Red sakin? dahil ba napagtanto n'yang mahal na niya ako? O baka isa na naman 'yun sa palabas niya. Ayoko ng masaktan pa ng dahil sa kanya. Kung hihingi siya ng chance hindi ako papayag.

Mag-isa akong naglalakad sa hall way ng bigla akong harangan ni kevin.

God not today please.

Nag-angat ako ng tingin para tignan siya ng mabuti. Ngumisi na s'yang kinainis ko.

"Ano na naman ba kevin?" Bored na sabi ko.

"Wala lang" hindi pa rin siya umaalis sa daraanan ko.

"Pwede ba kevin. wala akong oras makipag laro sayo kaya kung pwede paraanin mo ako dahil gutom na gutom na ako" walang gana kong sabi.

Humakbang siya palapit sakin pero nakaharang pa rin siya sa daanan. Lumiko ako pero hinarangan niya pa rin ako. Inis na inapakan ko ang sapatos niya. Parang wala lang sa kanya ginantihan niya ako. Inapakan din niya ang sapatos ko. Hawak hawak ko ang paa ko na inapakan niya. Nanlilisik ang matang binalingan ko siya ng tingin. Ngumiti si Kevin na parang walang ginawa sakin.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon