CHAPTER THIRTY-THREE

76 3 0
                                    

TAPING DAY

KYLIE POV

Kasalukuyan kaming nandito sa Dressing Room kung saan ay para lang sa akin. Kasama ko si Mami Nancy, Ruth at Floyd.

Nakipagsukatan ako ng tingin kay Floyd.

“Ano ba Kylie, Seriously? Hindi mo talaga ako kakausapin? Pati si Marielle nagrereklamo na sa akin..” Aniya.

Napa-tsk ako. “Kilala ko ba kayo?”

Inis kong sabi. Hindi naman mangyayari ang lahat ng ito kung hindi dahil sa kanilang dalawa. Tahimik na ang buhay ko at dahil lang sa SIL. Magkakaroon pa ako ng dahilan para paulit-ulit maalala ang taong iyon.

Yung tipong inspiration sa amin kaya nabuo ang Secretly In Love. Tapos ipapartner pa sa akin si Carlo. Grabe lang ha. Hindi ko matake ang lahat ng ito. Gusto ko ng magback-out.

“Kylie, Di ba dapat nga magpasalamat ka pa sa amin kasi magkakaroon ka na ng dahilan para-” I cutt him off.

“Para maalala kung pano niya ako iniwan ganun ba.” Umiling naman si Floyd.

“Hindi sa ganun Kylie. Magkakaroon na kayo ng closure. Ayaw mo ba nun. Magkakaroon na ng linaw ang lahat. Why don't you ask him kung bakit niya hindi sinabi sayo. Ganun lang kasimple.” Sinamaan ko ng tingin si Floyd.

“For god sake! Matagal na kaming tapos ni Carlo. Kaya nga siya bumalik dahil ikakasal na sila ni Valerie. Matagal na rin malinaw sa akin na iniwan niya ako kasi mas pinili niya si Valerie kaysa sa akin.” Paliwanang ko.

“Oh bat natahimik ka.” Aniya sa akin.

Bigla ko kasi naisip mga nasabi ko. Ang sakit pa rin talaga.

Tumayo ako at lumayo sa kanila. Inabala ko ang sarili.

“Iha, tama si Floyd. Tyaka this is work. Hindi mo pwedeng ilabas o ipakita kay Carlo ang totoong emosyon mo. Gusto mo bang maging katawa-tawa sa harap niya. Sayo na rin nang galing na nakamove on ka na sa kaniya. Maging civil naman kayo para sa series niyo.” Paliwanag ni Mami Nancy.

I let out a deep breath.

“I'll try but I can't promise na magiging okay kami.” Napangiti naman si Floyd at Mami Nancy.

“Pero Ms. Kylie. I have a question. Umamin ka nga, may feelings ka pa rin kay Sir Carlo kaya ka siguro ganyan sa kaniya.” Agad kaming napatingin kay Ruth.

Sinita naman siya ni Mami Nancy.

“Okay na eh. Umeksena ka pa.” Inis na sabi ni Mami Nancy. Napakamot naman sa ulo si Ruth.

“Sorry Madam. Halata kasi masyado si Ms. Kylie madam kaya iisipin talaga ni Sir Carlo na gusto pa rin sa kaniya si Ms. Kylie.” napaisip ako sa sinabi ni Ruth.

“Dapat ba na maging mabait ako sa kaniya?” Tanong ko sa kanila.

Agad na sumabat si Ruth. “Naku Ms. Kylie, good question para sakin ah. Dapat hindi ka nagagalit kay Sir Carlo. Mukha naman siyang mabait tyaka kung kausapin ka niya may lambing eh. Tapos kahit singhalan mo siya o magalit ka sa kaniya. Tinatanggap naman niya. Ibig sabihin nun may care pa rin siya sa feelings mo.”

“Talaga?” Hindi makapaniwalang sabi ko. Tumango naman si Ruth.

“Kaya mas mabuti kapag kayo lang dalawa. Pwede mo gawin kung ano ang gusto mo sa kaniya. Huwag lang sa maraming tao dahil imbis na ikaw ang panigan. Baka ikaw pa ang maging masama.” Sabat naman ni Floyd.

“Tama iha. Hindi pwedeng masira ang career mo. Ngayun pa na sikat kang Celebrity. Hindi dapat si Carlo ang magiging dahilan para masira ang lahat ng pinaghirapan mo. Kahit ngayun lang huwag  mo ilabas ang emosyon mo. Baka hindi ka makapag concentrate kapag puro na lang inis ang nararamdaman mo sa partner mo. Kailangan mahalin kayo bilang Love Team at hindi bilang ex-lovers.” Dagdag pa ni Mami Nancy.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon