CHAPTER THIRTY-EIGHT

90 7 0
                                    

START ALL OVER AGAIN

KYLIE POV

Hinatid ako ni Carlo. Pagdating namin sa penthouse ko. Agad akong bumaba sa kotse niya. Akala ko ay aalis na siya hindi pala.

Sinundan niya ako hanggang sa makasakay kami ng elevator. Pagdating namin sa Seventh floor lumabas agad ako.

Akala ko ay aalis na si Carlo pero hindi. Hinarap ko siya at nameywang sa harap niya.

"Why are you still doing here?" Pagsusungit ko.

"Hindi mo ba ako papapasukin?" Aniya. Sinamaan ko siya ng tingin at huminga ng malalim..

Pinagbuksan ko siya ng pinto. Nauna siya sa akin. Isinara ko agad ang door.

"Hindi ka pa ba babalik sa University? Iniwan mo doon si Valerie." Sabi ko. Tumingin sa akin si Carlo.

"No need kasama naman niya si Ralph. Sigurado na ihahatid siya nun." sagot niya sa akin.

Kumuha ako ng water sa Ref at uminom. Medyo nahimasmasan ako at nawala ang pagkalasing ko.

"Do you want anything?" I ask him. He just shook his head.

"Don't mind me." Busy siyang tinitignan ang mga pictures ko.

Napansin ko ang malaking ngiti nito sa labi. Ganun na lang ang gulat ko ng makita niya ang picture namin noong magkarelasyon pa kami. Nakalimutan ko tanggalin. Naalala ko na regalo iyon sa akin ni Floyd. Siya pa mismo ang naglagay para idisplay.

"Why are you still have this?" Tanong niya.

Hindi ko siya sinagot at naupo sa sofa. Pinagmasdan ko si Carlo. Walang nagbago. Katulad pa din siya ng dati. Nagagawa pa din niyang magkaroon ng impact sa akin.

Nang mapagod na siguro siya kakatingin. Tumabi siya sa akin at pinagmasdan ako.

"Kylie.." Humarap ako sa kaniya.

Tila may sasabihin importante sa akin si Carlo. Tahimik lang ako at hintay siya sa sunod niyang gagawin.

"I'm sorry.." Panimula niya.

Hindi sorry ang gusto kong marinig sa kaniya. Ano pa ba ang magagawa ng sorry niya. Matagal na rin kaming tapos. Wala ng magbabalik pa sa amin.

"Can we start again?" Pakiusap niya. Nakikita ko sa mga mata niya na sincere siya sa sinasabi. Hindi ko na napigilan pa ang maluha sa harap niya.

"How Carlo? Hindi ko alam kung paano kita haharapin. Alam mo ba yung feeling na kasama nga kita palagi hindi ko mapigilan maalala kung pano mo ako sinaktan." Pinahid ni Carlo ang luha ko. Ngumiti siya pero hindi na umabot sa mga mata niya.

Nakita ko ang pagtulo ng luha sa mata niya.

"I know na hindi ko na maibabalik ang dati pero hayaan mo ako na ibalik ko yung dating ikaw. Magsimula tayo ulit yung wala ng galit. Subukan ulit nating maging masaya. Katulad ng dati." Umiling ako bilang hindi pagsang-ayon.

Tumayo ako at tumalikod sa kaniya. Yumakap sa akin si Carlo mula sa likod ko. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko para pigilan ang pagluha ng masaganang luha sa mga mata ko.

"Mahal pa rin kita Kylie." Aniya habang hindi tumitigil ang luha sa mata niya. Halos basa na ang balikat ko. Hindi ko na kaya tong nararamdaman ko.

Nagpumiglas ako at hinarap si Carlo.

"Gusto kita saktan. Gusto kong maranansan mo rin kung pano iwan ng walang paalam. Kung sinabi mo sa akin ang pinagdadaanan mo. Maiintindihan ko naman. Alam mo naman kung gaano kita kamahal. Pero sinaktan mo pa rin ako." Pinahid ni Carlo ang luha ko.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon