CHAPTER SEVENTEEN

1.1K 27 8
                                    

I LOVE YOU'S

KYLIE POV

"Sir may meeting daw kayong mga teacher's" saad ng estudyanteng pumunta sa AVR.

Umalis na ang lalaki at inaayos naman ni sir mga gamit niya. Mabuti na lang at natapos na ang lahat sa pagkanta.

"Gian, ilista mo lahat ng pasaway maliwanag?" Tumango si gian at nilabas naman nito ang notebook.

Lumabas na si Sir sa room. Natahimik naman ang buong klase.

"What now? Ang boring naman." Ani ni Raven.

"Kumanta na lang kayo ulit para hindi boring" suhestiyon ni Gian.

"Sino naman ang kakanta?" Tanong ni daryl.

Nilibot ng tingin ni Gian ang buong klase. Napako ang tingin niya sa akin at sa likuran ko. Napangisi siya at ibinalik din ang tingin sa harap.

"Si kylie at carlo ang kakanta." Lahat kami napanganga at napasinghap.

No way.

"Ba-bakit ako?" Kinakabahang tanong ko.

Nagkibit balikat siya at napalumbaba. "Dahil magaling ka kumanta tyaka ganun din si Carlo. So pumunta na kayo sa harap kundi ililista ko kayong dalawa bilang maiingay dito."

Napalabi ako at tumayo na. Kilala ko si gian kapag sinabi niya gagawin niya talaga. Naramdaman ko rin ang prisensya ni carlo sa likuran ko.

Nang makarating kami sa harap ay nagkatinginan kami. "Ano bang kakantahin natin?" Tanong ko sa kanya.

Napatingala siya at waring nag-iisip. Napangiti si Carlo at lumapit sa akin para bumulong.

Tumango ako at ngumiti sa kanya ng sabihin niya sa akin kung ano ang kakantahin namin.

Pag kapiling ka
Ang nadarama
Ay walang hanggan
Na ligaya

Sa mga mata
Ay makikitab
Na may
Bukas pa at pag asa

Pag hawak mo na
Ang aking kamay
Ang paligid ko
Ay tunay na makulay

[Chorus:]
Binuhay mo ang
Nabigo kong puso
Sa mga pangako
Agad naniwala
Sa mga titig mo
Ay nakita ko
Pag-asa na may darating
Na isang katulad mo.

Na wagas at tapat
Kailanman di na magbabago


Naghiyawan ang lahat pagkatapos naming kumanta ni Carlo. Ang iba ay nagpalakpakan. Yung mga boys kinalampag ang mga desk nila.

Aalis na sana ako sa harap at bumalik na sa upuan ko ng hawakan ni Carlo ang isang kamay ko kaya napahinto ako sa paglalakad. Hinila niya ako at idiniin sa white board.

Napasinghap ako at hindi alam ang sasabihin. Idinikit ni Carlo ang sarili sakin habang hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at iniangat hanggang sa magpantay sa ulo ko.

"Ca-carlo what are you doing?" I ask.

Kinakabahan man ay nakuha ko pang titigan siya sa mata. Ngumiti siya dahilan para magliparan ang mga paruparo sa tiyan ko.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon