Chapter 6

125K 3.6K 992
                                    

Polytechnic University of the Philippines, Sta. Mesa, Manila, 6 years ago...


"WAG KANG KIKILOS NANG MASAMA."


Ginabi na ako at ngayon pa lamang uuwi. Hindi pa ako gaanong nakakalayo sa university nang may dalawang lalaki ang biglang tumabi sa akin. Pinagitnaan ako ng mga ito at ang isa sa mga ito ay tinutukan ako ng kung anong matulis sa tagiliran ko.


"'W-wag niyo po akong sasaktan," takot na pakiusap ko.


Inakbayan ako ng isa sa mga ito. "Oo basta sumunod ka lang."


Natigilan ako nang marinig muli ang boses ng isa sa dalawang holdapper. Mukha yatang bata pa ang lalaki. Ngayon ko nahalata na parang pinalaki at pinalalim niya lang ang boses para siguro maging tunong nakakatakot at para na rin hindi siya makilala.


"Doon tayo." Hinila na nila ako patungo sa palikong daan.


Parehong matatangkad ang mga ito kaya halos magkatapi-tapilok ako sa pagsunod sa kanila. Dinala nila ako sa liblib na lugar. Pinatalikod nila ako para humarap sa pader. Hindi nila ako binigyan ng pagkakataon na humarap sa kanila.


"Amin nang wallet mo!"


Hinugot ko mula sa sukbit na shoulder bag ang aking wallet at inabot sa kanila. Ang pangalawang lalaki ang umabot niyon sa akin.


Natigagal ito nang buksan ang wallet ko. "What's this? It's empty."


"Grabe ka naman. Meron naman laman 'yang fifty pesos." Hindi pa kasi ako humihingi ng allowance sa amin. Napapansin ko kasi na parang may problema sa pera sina Mama at Papa na hindi lang sinasabi sa akin. Saka, nakalimutan na rin akong tanungin ng mga ito kung may budget pa ba ako.


Narinig kong pumalatak ang lalaking umakbay sa akin kanina. "Wala ka bang boyfriend? Bakit ganito lang baon mo?"


Nagpantig ang aking tainga sa sinabi niya. "Boyfriend ko ba iyong nagluwal sa akin kaya kailangan siya magpabaon sa akin?!"


"Aba, sumasagot ka?"


Napapikit ako. "Sorry po!"


"So may boyfriend ka nga?" tanong naman noong isa na may hawak sa wallet ko at may tutok sa tagiliran ko ng kung ano.


"Uhm, meron... kaso babaero."


Bahagyang natahimik ang dalawa. "Pero mahal mo?" mayamaya ay tanong ulit ng isa, iyong may hawak sa wallet ko.


"Uhm, medyo."


"Anong medyo, e nandito nga picture niya sa wallet mo?"


Napasimangot ako. "Holdaper ba kayo o chismoso? Kung nanakawan niyo ako, kunin niyo na 'yang buong fifty pesos sa wallet ko. Pero kung puwede sana ay suklian niyo ako kahit twenty pesos para naman may pamasahe pa ako pauwi sa amin."

Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon